10 : A BOY WHO NEEDS LOVE

60 2 3
                                    

*flashback --- sa isang malaking bahay

"Lola si Daddy po?" Tanong ng isang batang may edad walong taon siguro, sa isang matandang babae na nakaupo sa garden ng malaking bahay.

Tumingin ang matanda sa bata "Umalis na ang Daddy mo apo." Pangiting sagot ng matanda.

Biglang nalungkot,ang expression ng bata at yumuko. "Hindi po ba sya sasama sa recognition ko? Akala ko po sya ang mag sasabit ng award ko?" Maluha-luhang sabing bata.

"Apo, si lola na lang magsasabit ng award mo. May importante kasing aasikasuhin si Daddy." Panunuyo matanda.

"Lagi na lang sya may aasikasuhin. Lagi na lang importante. Ako po ba hindi importante sa kanya?" Muling sabi ng bata na ngayon ay lumuluha na.

"Apo, intindihin mo na ang Daddy mo. Sabi nya sa akin pag wala na daw syang ginagawa ay pupunta tayong tatlo sa Disneyland. Diba sabi mo nung huli gusto mo doong pumunta dahil wala ka na din pasok at tapos na ang shooting nyo."

Parang nagliwanag ang mukha ng bata sa pagkasabi ng kanyang lola.

"Talaga po lola?! Sabi po iyon ni Daddy." Napapatalon ang bata sa saya.

Tumango lang ang lola nya.

Lumabas ang isang hindi katandaang babae mula sa bahay ay naglakad papunta sa maglola. Nakasuot sya ng mukhang uniform ng isang kasambahay.

"Justin! Justin! Bata ka. Kanina pa kitang tinatawag. Maliligo ka na. Diba may recognition ka." Sabi nito.

"Maligo ka na apo para makapagprepare na tayo. Baka malate tayo sa recognition mo." Mahinahong utos ng lola sa batang si Justin.

Tumango lang ang bata at mabilis na tumakbo papasok ng bahay. Habol habol ito ng kasambahay.

Samantalang nagbago ang ngiti ng lola nito sa isang buntong hininga. Nanay sya ng Daddy ni Justin. Nalungkot sya ng maisip ang excitement ng apo ng nagsinungaling sya na dadalhin sila ng Daddy ni Justin sa Dianeyland.

Sila na lang ang magkasama sa buhay tatlo. Balo na sya at ganun din ang anak nya. Namatay sa sakit ang asawa nya samantalang namatay naman ang nanay ni Justin sa isang car accident na nangyari ng papunta ito sa school recognition ni Justin nung grade 1 ito.

Mabait at mapagmahal ang tatay ni Justin. Ngunit nang mamatay ang asawa nya ay naging cold na ito sa anak. Sinisisi nya ang anak nya sa pagkamatay ng asawa nya.

Dumating ang gabi, nakauwi na ang maglola mula sa recognition ni Justin. Pagdating sa bahay ay andun na ang Daddy ni Justin. Pagkakita sa anak ay tumayo ito at naglakad papasok ng library. Tumakbo si Justin papalapit para sana ang medalya nya sa kanya ngunit nagsara ito ng pinto.

Nilapitan ng lola nya si Justin. Nakayuko at may tumutulong luha. Hahawakan nya sana ito nang bigla itong tumakbo paakyat sa kwarto.

*end of flashback

Nagising si Justin dahil sa may tumatawag sa kanyang cellphone. Pagtingin nya dito ay "Lola" ang nagregister na tumatawag.

"Lola, napatawag ka po?" Sagot nito na boses bagong gising.

"Pauwi na kami ng Daddy mo. Mamayang gabi flight namin." Sagot nito.

"Ah ganun po ba. Sige po ipapasundo ko na lang kayo."

"Pag uwi namin, umuwi ka din muna ng bahay ha. Sabi ni Eddie namamayat ka na daw." Utos nito.

"Si Manong Eddie talaga. Tsk. Hindi ako pwedeng umuwi lola. Malayo sa lugar ng pinagshooshootingan namin ang bahay. Maganda dito sa condo malapig lang ako sa trabaho."

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now