26 : OFFICIALLY YOURS

42 1 0
                                    

Nakalipas ang buong maghapon na hindi tumatawag o nagtetext man lang si Justin kay Mina.

Hindi na lang sya kinulit ni Mina dahil baka madami pa itong pinuntahang trabaho o interview.

Pagsapit ng gabi patulog na sana si Mina dahil medyo late na din naman ay tumunog ang cellphone nya. Si Justin tumatawag kaya napabalikwas sya sa pagkakahiga at sinagot ang tawag ng nobyo.

"Labas ka. Andito ako sa harapan ng bahay nyo. Saglit lang." Pagkasabi ni Justin ay agad agad lumabas si Mina.

Paglabas ni Mina ay agad syang nilapitan ni Justin at hinalikan. Kahit nagulat ay hinayaan lang ni Mina na halikan sya ng kasintahan.

"Mahal na mahal kita." Pabulong na sabi ni Justin ng alisin nito ang pagkakahalik sa dalaga.

"Mahal na mahal din kita." Niyakap ni Mina ng mahigpit ang aktor.

"Bukas 8am. Susunduin kita." Sabi Justin.

"Ha?" Tanong ni Mina na inalis ang pagkakayakap sa nobyo.

"Basta. Dapat 8am nakapagprepare ka na. Susunduin kita. May pupuntahan tayo."

"San?"

"Basta malalaman mo bukas."

Tumango lang si Mina.

Nagpaalam na muli si Justin sa nobya at pagkaandar ng sasakyan ay pumasok na din muli sa bahay si Mina.

Kinabukasan maagang nagising si Mina at pagdating ng 8am ay bumaba na ito para antayi ang kasintahan.

Saktong pagbaba ni Mina ay tinawag sya ni Judith at sinabing dumating na si Justin.

"San ba tayo pupunta?" Tanong ni Mina pagkasakay na pagkasakay.

"You'll see." Sagot ni Justin na nakatingin sa suot na dress ni Mina. "Hala. Hindi ko pala nasabi sayo wag ka magdress. Tsk."

"Ha?"

"Hindi kasi bagay yung ganyan sa pupuntahan natin."

"Hala! Eh di balik tayo tas magpapalit ako."

"Wag na. Bili na lang tayo pamalit mo."

"Ha?!" Hindi na nakatanggi si Mina dahil dumiretso sila sa isang department store kung saan model si Justin.

Ipinamili sya ni Justin ng t-shirt at shorts at isang pair ng sneaker.

Habang namimili ay pinagtitinginan sila ng mga tao. Ngayon kasi ay hindi na kinakailangan ni Justin magsuot ng saklob at shades para hindi sya mapansin ng mga tao. May mga kumukuha ng pictures. May mga lumalapit para sabihing sinusuportahan nila si Justin at Mina. At meron din namang mangilan ngilan na nagpaparinig ng hindi maganda, pero hindi na lang ito pinapansin nina Mina.

Nang makapagpalit si Mina ng pinamiling plain white shirt, demin shorts at sneakers ay nagpatuloy ang biyahe ng dalawa papunta sa lugar na plinano ni Justin.

"Pa-south tayo?" Tanong ni Mina nang mapansing papunta ang dinadaanan nila sa SLEX.

Tumango lang si Justin.

At biglang napangiti si Mina.

"Bakit?" Tanong nag aktor nang mapansin na medyo natatawa na si Mina.

"Pupunta tayong amusement park no?" Tanong ni Mina.

"Basta."

"Ay nako,mister. Buking ka na. Malalaman ko din naman mamaya pagdating natin don hindi mo pa sabihin." Natatawang sabi ni Mina.

"Oo na sige na. Dun na tayo pupunta. Bakit may nakakatawa ba dun?"

"Wala kasi nung nalaman mo nun na gusto kong manuod ng animal show natawa ka kasi sabi mo para akong bata tas ikaw din pala."

"Hindi pa kasi ako nakakarating ng amusement park."

"Weh?!!!" Gulat na tanong ni Mina. "Seryoso ka ba?"

"Oo, walang biro. Nung bata pa ako lagi akong pinapangakuan ni Lola ko na dadalhin ako ng daddy ko sa Disneyland pero hanggang sa tumanda na ako hindi naman natuloy." Napabuntong hininga ang binata bago muling magsalita. "Pwede sanang kami ni Lola yung pumunta pero ayoko kasi gusto ko kung tutuloy kami kasama si Daddy. Pero hindi eh. Laging busy si daddy." Malungkot na pagpapatuloy ni Justin.

Hinawakan ni Mina ang kamay ni Justin na hindi nakahawak sa manibela. "Enjoyin natin mamaya yung rides sa amusement park. Isipin mo bata ka pa lang at lahat ng ginusto mo nung gawin kung natuloy kayo nun, gawin mo mamaya. Itatry natin lahat ng rides na gusto mo." Nakangiting sabi nya.

Nginitian lang din si Mina ng aktor.

Pagdating sa amusement park ay ginawa ng dalawa ang sabi ni Mina. Nag enjoy sila. Sakay ng rides dito. Sakay doon. Kahit pangbatang rides ay sinakyan nila. Tuwang tuwa si Mina na makitang masaya si Justin.

Nang nag lalakad silang dalawa ay hindi napigilang yakapin ni Mina ang kasintahan. "Kung malungkot ka, sabihin mo lang sakin ha." Sabi ni Mina habang lalong hinigpitan ang pagkakayap sa nobyo.

Pagkatanggal ni Mina ng pagkakayakap nya ay nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad tungo sa ride na sunod nilang sasakyan.

Maggagabi na nang maisipang sumakay ng dalawa sa ferris wheel. Sakto naman na mag uumpisa na din ang firework display.

Nag umpisang umandar ang ferris wheel. Tahimik lang ang dalawa na nakatingin sa labas. Nag mangalahati na sila ng taas ay biglang nag umpisang magkwento si Justin.

"Alam mo ba gustong gusto kong makasakay dito noong bata pa ako. Kasi nung nabubuhay pa ang mommy ko lagi nyang kinukwento sakin na masarap daw sumakay ng ferris wheel. Kaso hindi nga ako nagkaroon ng chance kundi ngayon lang." Pagkukwento ni Justin na nakatingin lang sa labas ng cart na kinakalagyan nila ni Mina. "Alam ko na nun na hindi talaga ako dadalhin ng daddy sa Disneyland, na si Lola lang talaga ang nagsasabi nun. Pero umasa pa din ako. Umasa ako na mawawala ang galit sakin ng Daddy. Na darating yung araw na hindi na nya ako sisisihin sa pagkamatay ng mommy. At hanggang ngayon, umaasa pa rin ako." Maluha luhang pagpapatuloy ni Justin.

Walang nagawa si Mina kundi yakapin ang nobyo.

"Sorry ha. Sinisira ng pagdadrama ko yung saya natin dito." Pinunasan ni Justin ang luhang muntik ng pumatak sa mga mata nya.

May sasabihin pa sana si Mina ng biglang nag umpisa ang fireworks display. Halata ring ayaw nang pag usapan ni Justin ang nakwento nya kaya hindi na lang tumuloy si Mina ng pagsasalita.

Hanggang sa makababa silang dalawa ay tahimik lang sila.

Upang mabasag ang katahimikan ay nag aya si Mina na kumain. Makakain ay parang nalimutan na nila ang nangyari sa ferris wheel. At bago umalis ay pinaunlakan ni Justin ang mga tao na nagsabi sa kanya kung pwedeng magpapicture.

Late na nang maihatid ni Justin si Mina sa bahay.

Bago bumaba ng sasakyan ay nag iwan ng halik si Mina kay Justin. Pero hindi pa man nakakababa ng sasakyan si Mina ay hinila ni Justin ang braso ng kasintahan at nang mapaupo itong muli ay kanya itong hinalikan.

"I am so happy na I'm officially yours." Sambit ni Justin ng alisin ang pagkakahalik sa kasintahan.







I Love You From The StartWhere stories live. Discover now