06 : THE SECOND MEETING

81 4 1
                                    

Tahimik na pinanood nina Mina at Justin ang fireworks display hanggang sa matapos ito.

"Ang ganda!" Tuwang tuwang sabi ni Mina.

"Oo nga ang ganda..." Nakatitig kay Mina na sabi ni Justin.

Napansin ni Mina ang pagtitig sa kanya ng aktor kaya medyo nailang na naman ito tatayo na sana ito para magpaalam ng bigla tumunog ang cellphone nya. Paglabas nito sa kanyang purse ay nakita nyang tumatawag si Matt.

"Hello." Sagot ni Mina.

"Asan ka? Kanina pa kita hinahanap ah." Tanong ni Matt sa kabilang linya.

"Ah nandito ako sa gazebo sa garden sa labas ng hotel."

"Sige puntahan kita dyan." Ang sabi ni Matt bago ibaba ang telepono.

"Si Matt hinahanap nya pala ako kanina pa daw." Patawang kwento ni Mina kay Justin.

"Pupunta daw ba sya dito?"

"Oo daw."

"Ah ganun ba. Sige uuna na din ako ha." Nagpaalam na si Justin at naunang umalis.

Sa kanyang paglalakad pabalik ng hotel building ay nakasalubong nya si Matt. Nagngitian silang dalawa habang nagkalampas sa isat isa.

Pagdating ni Matt malapit sa gezebo ay patakbo itong lumapit kay Mina nang makita na nakatsinelas lang ito. Pagkalapit kay Mina ay lumuhod ito at tinignan ang paa ng kaibigan. Napangiwit si Mina ng hawakan ni Matt ang makirot nyang paa.

"Masakit?" Tanong ni Matt habang hawak pa din ang paa ni Mina na tumango sa tanong ng kaibigan. "Napano ka ba?" May pag aalalang usisa ni Matt.

"Baka nabigla lang kasi naghigh heels ako diba. Alam mo namang hindi ako sanay magsuot nyan." Sagot ni Mina habang itinuro ang paper bag kung san nakalagay ang sapatos nya.

"Ah! Kaninong tsinelas to? Buti may nakuha ka." Tanong ni Matt.

"Kay Justin." Sagot ni Mina.

"Justin Mendiola?" Tumango ulit si Mina nang tanungin ni Matt. "So dito pala sya galing. Kaya pala nakasalubong ko sya." Napahinto sa pagsasalita si Matt bago magpatuloy ulit. "Pero panong nagkasama kayo dito?"

"Ah. Lumabas kasi ako. Medyo nakakainip kasi sa loob. Ayun nadito din pala sya tapos nakita nya na chinecheck ko yung paa ko. Ayun." Paliwanag ni Mina.

Binitawan ni Matt ang paa ng kaibigan at tumayo na. "Pasensya ka na." Nakayukong pagpapaumanhin ng binata sa kaibigan.

"Sus! Okay lang yun ano ka ba!" Pangiting sagot ni Mina.

Hinubad ni Matt ang coat nya at ibinalabal kay Mina. Tumalikod sya at umupo ito. "Tara na." Lumingon ito kay Mina na nakatingin sa kanya na may pagtataka. "Tara na. Papasanin na kita." Itinuro ni Matt ang likod nya kay Mina.

"Wag na. Kaya ko naman." Nahihiyang sabi ni Mina.

"Bilis na. Uuwi na tayo para maipahinga mo na yang paa mo."

"Pero tapos na ba yung party?"

"Hindi pa pero matatapos na din naman yun maya maya."

Hinila ni Matt ang kamay ng kaibigan at pinilit na sumakay sa likod nya. Tumayo na si Matt na nasa likod ang kaibigan at nag umpisang maglakad sa kabilang part ng hotel building kung saan,walang makakakita sa kanila papuntang parking lot.

"Mabait pala si Justin. Ano Matt?" Tanong ni Mina.

"Oo tahimik lang yun pero mabait yun." Sagot ni Matt.

"Kamukha pala talaga sila ni..." napatigil sa pagsasalita si Mina dahil biglang hinto si Matt. "Bakit?"

"Ah,wala ang bigat mo na kasi. Hahaha." Pabirong sabi ng binata habang inayos ang pagpasan sa kaibigan at nagpatuloy na ulit. "Ano nga yung sinasabi mo?"

"Ah wala." Sagot ni Mina.

"Eto naman pikon agad. Sige na ang gaan mo na po." Pagbibiro ni Matt.

"Che!" Nakasimangot si Mina.

Tumahimik na lang si Matt at mababakas sa mukha na parang may naiisip na malamin.

Narating nila ang parking lot kung nasa ang sasakyan ni Matt. Pinagbuksan sila ni Bennie ng pinto habang itinatanong ang nangyari kay Mina.

Matapos tawagan, maya maya ay dumating na din si Billy at umalis na sa venue ang sasakyan ni Matt.

Inihatid nila sa bahay si Mina. Pinagbilinan ni Matt ang,kaibigan na magpahinga na at umalis na din ito.

At dahil sa hirap maglakad si Mina ay 3 days syang pinagpahinga from para hindi mapwersa sa paglakad lakad ang paa nya.

After 3 days ay bumalik na ito sa trabaho. Kapapasok pa lang nya ng office ay tumunog ang office phone nya.

"Hello Good morning."

"Miss Mina. Si Lady po. Pinapapunta po kayo ni Boss dito sa office nya." Sabi ng sa kabilang linya na secretary ng president ng company na pinagtatrabahuhan ni Mina.

"Okay I'll be there in 5 minutes." Sagot ni Mina.

Pagkababa ng telepono ay lumabas na ito opisina nya,at dumiretso sa opisina ng president.

"Hi Lady." Bati ni Mina sa secretary.

"Hello po sige Miss Mina diretso ka na."

Kumatok si Mina bago pumasok.

"Come in." Sabi ng boses sa loob ng kwarto.

Pagpasok ay nakita ni Mina nakaupo ang president at ibinaba ang hawak na ballpen pagpasok ni Mina.

"Hi Sir Manny. Good morning."

"Good morning din Mina. Pasensya ka na medyo untidy ang table po. Madami kasing for signature na dapat matapos bago ako umalis."

"It's okay Sir."

"Oh. Sit down sit down." Utos ni Sir Manny habang itinuturo ang upuan sa unahan ng lamesa nya. "As you know, paalis na ako bukas. And ang balik ko na ay sa management meeting natin. Kaya naman bago ako umalis ay ibibigay mo muna ito sa iyo." Iniabot ni Sir Manny ang isang binded book na medyo makapal kay Mina.

"Sayo ko ibibigay tong project ba ito. Ikaw ang napili kong maghandle nito dahil like you bata pa din ang client natin so sa tingin ko ay in a way magkakasundo kayo. Kilala ko personally ang owner, anak sya ng kumpadre ko. Mabait sya wala kang magiging problema." Pagpapaliwanag ni Sir Manny.

"And itinawag ko na kay Cherry, yung bago nating admin assistant, naipabook ka ng plane ticket kasi gusto ng client magsite visit tayo para macheck ang site. At dahil wala na ako nun, ikaw na lang muna ang pumunta. Okay ba?" Pagpapatuloy ni Sir Manny.

"Okay po Sir." Tugon ni Mina.

Matapos mag usap ni Sir Manny at Mina tungkol sa project ay lumabas na si Mina at bumalik na ng opisina nya dala ang project details na ibinigay sa kanya para reviewhan.

After two days. Bago mag 8am ay sinundo si Mina ng company driver para ihatid sa airport dahil 9am ang flight nya.

Pagdating sa airport ay nagcheck in ito agad at makatapos mag antay ng ilang minuto ay pinaboard na silang mga pasahero sa eroplano.

Pagpasok sa eroplano ay dumiretso ito sa business class section at nagtungo sa upuang pinabook sa kanya. 3 lang silang pasahero sa business class section. Isang nakaupo sa katabi ng upuan nya, nakataklop ng sumbrero ang mukha at parang natutulog. Ang isa ay mukhang matanda na sapagkat may puti puti na buhok nito, nakaupo ito sa makadalawang upuan sa unahan ni Mina.

Makalipas ang ilang minuto mula ng nagtake off ang eroplano ni Mina ay nakatulog ito. Pero iilang minuto pa lang itong nakakatulog ay nagising ito nang maramdamang may nakatingin sa kanya.

Pagmulat ng mata nya ay nagulat sya dahil nakatingin sa kanya ang katabi nya. At mas ikinagulat nya nang makilala nya ito.

Si Justin Mendiola... nakatingin sa kanya. At nakangiti.

I Love You From The StartOnde as histórias ganham vida. Descobre agora