18 : FIRST DATE

52 1 0
                                    

Matapos ilang minutong pananahimik ay tumayo si Mina na ikinagulat ni Justin.

Ilang segundo itong walang kibo nang bigla itong humarap sa aktor.

"Tomorrow. 7pm. Sa bahay. Sunduin mo ako." Sabi nya sa aktor na lalong ikinagulat nito. "Ibibigay ko sayo yung chance para mapakita mo na mahal ko talaga ako. Pero bigyan mo din ako ng chance at time para alamin ko din kung ano nararamdaman ko para sayo." Napatigil si Mina.

Tumingin ito sa mga batang naglalaro at muling nagsalita. "Alam mo ba, naranasan ko din na mamiss ka ng hindi ko alam kung bakit. Na pinipilit kong hindi ka isipin pero somehow lagi kang pumapasok sa isip ko. Kaya gusto ko ding alamin ano ba talaga to."

Nakatingin lang si Justin sa dalaga nang may pagkagulat sa mga sinabi nito. Muling syang tinignan ni Mina at nginitian. Kumaway sa kanya si Mina at nag paalam na mauuna nang umalis.

Nang medyo malayo na si Mina ay hinabol ito ni Justin.

"Ihatid na kita." Sabi nito nang maabutan ang dalaga.

"Hindi na. Maglalakad ako pauwi. Maiba naman." Pabirong sabi ni Mina. "Basta bukas na lang." Matapos kumaway ay nagpatuloy na itong maglakad.

Tinanaw ni Justin na maglakad si Mina at nang hindi na nya ito makita ay tsaka sya bumalik ng sasakyan.

Matagal na natigilan sa sasakyan ang aktor nang maalala ang mga sinabi ni Mina. Hindi pa rin sya makapaniwala dito.

Pagdating ni Mina sa bahay nila ay nakita nyang nakaparada sa harapan ang mga sasakyan ni Matt at Eric. Dali dali itong pumasok sa loob. At nakitang nasa garden sina Matt, Eric at Daddy Will. Nagbabarbeque at may mga hawak na beer.

"Ano na naman kayo? Nag iinuman na naman kayo ha!" Pagalit ni Mina nang makalapit ito sa tatlo.

"My princess, wag ka nang magalit. Chill ka lang. Magpalit ka na lang ng damit at makichill dito samin." Sabi ni Daddy Will habang inakbayan ang anak.

"Hoy kayong dalawa wag kayong magpapakalasing ha may dala kayong mga sasakyan. Lalo ka na Matt." Utos ni Mina sa mga kaibigan at umayak na ito. Matapos makapag ayos at makapagpalit ng damit ay bumaba ito sa garden para samahan ang Daddy nya at dalawang kaibigan.

Pagbaba ni Mina ay inagaw nya kay Eric ang pagluluto ng barbeque para makainom ito ng maayos. Pagkaluto ay inihatid nya ito sa tatlo.

Nagkwentuhan silang apat habang umiinom. Tawanan. Asaran. Biruan. Mag 11pm ng magpaalam si Daddy Will para mauna na dahil may imimeet daw ito bukas ng umaga kaya hindi sya pwedeng mapuyat. Samantalang ang tatlo ay inuubos pa ang mga hawak nilang beer in can.

"Kamusta naman ang site visit mo Mina? Balita ko sumaglit ka daw ng Boracay kanina." Usisa ni Eric.

"Wow! Pasaglit saglit na lang si Engineer sa Boracay ah." Biro ni Matt.

"Che!" Sabi ni Mina kay Matt. "Okay naman kaso nakakapagod ang biyahe. Mas matagal pa akong nagbiyahe kesa nakipagmeeting. Hahaha!" Sagot ni Mina kay Eric.

Nang maubos ang beer ay nagpaalam na ang dalawa na uuwi na. Naunang umalis si Eric.

Nang nasa labas na sina Mina at Matt.

"Balita ko kay Erika dinalaw ka daw ni Justin dito." Sabi ni Matt.

"Ah oo. Inaya nya kasi ako nung weekend kung gusto kong magvolunteer sa isang outreach program."

"So winowork out mo na yung nararamdaman mo? Ano sure ka na ba?" Usisa ni Matt.

"Hindi ko,pa alam e. Pero inaya ko syang makipagdate." Sabi ni Mina na ikinagulat ni Matt. "Nagconfess kasi sya sakin. Naisip ko maganda na din na harapin ko anu ba talaga nararamdaman ko. Mas maganda siguro kung magkakakilala kami ng mabuti para magkachance ako alamin sagot dito sa ikinalilito ko."

Ngumiti lang si Matt at binuksan na ang pintuan ng sasakyan nya. Matapos magpaalam ay umalis na din ito.

Kinabukasan hindi nag overtime si Mina at pagkasapit ng 5pm ay nagmamadaling umuwi. Pagkauwi ay nagprepare ito.

Nailabas atang lahat ni Mina ang mga dress nya sa.paghahanap ng isusuot sa date nya. Kung may makakakita sa kwaryo nya ngayon ay aakalaing may magnanakaw na nakapasok dahil ang kalat nito ngayon. Nagkalat ang mga dress sa sahig at kama pati na din ang mga sapatos ni Mina. At sa huli ay napagdesisyunan nya isuot ang isang off shoulder and color teal na floral dress.

Pati sa pagmemake up ay nagtagal din ang dalaga dahil nung una ay nagmake up sya ng medyo makapal pero nauwi din sa manipis na make up dahil mas simple ang gusto nya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pati sa pagmemake up ay nagtagal din ang dalaga dahil nung una ay nagmake up sya ng medyo makapal pero nauwi din sa manipis na make up dahil mas simple ang gusto nya.

Mag 7pm ay tumawag sa kanya si Justin.

"Si Manong Eddie ang susundo sayo. Hindi kasi kita masundo taping pa ako. Magkita na lang tayo dun sa paghahatidan sayo bi Manong Eddie." Sabi ni Justin at ni hindi nakasagot ang dalaga dahil agad ibinaba ng aktor ang tawag.

Mga ilang minuto pagkatawag ni Justin ay dumating na si Manong Eddie. Inihatid sya nito sa "Secret Garden" sa Novaliches.

Pagpasok ay sinalubong sya ng isang babae at sinabing sumunod ito sa kanya. Itinuro ng babae si Mina sa isang parang cafe at sinabi na pumunta ito doon. Habang naglalakad si Mina papunta sa itinurong lugar ng babae ay hindi nito maiwasang mapahanaga sa mga natataang naggagandahang bulaklak at mga pailaw.

Nang nasa hindi na ito kalayuan ay natanaw nya ang isang lalaki na nakatayo sa may lamesang napapaliwanagan ng dalawang kandila at may hawak na bouquet nga bulaklak.

Habang papalapit si Mina ay papalinaw ng papalinaw sa kanya na si Justin ang lalaking iyon na nakangiti habang pinagmamasdan sya naglalakad papalapit.

Iniabot ni Justin ang bouquet kay Mina at inalalayan itong umupo.

Dumating na ang ipinahandang pagkain ni Justin at lumapit din ang mga musikero na tumutugtog ng violin habang kumakain sina Mina.

Pagkakain ay umalis na din ang mga musikero at nagkaroon ng sariling oras ang dalawa.

"Nagustuhan mo ba yung lugar?" Tanong ni Justin.

Tumango lang si Mina at ngumiti. Iniabot ni Justin ang kamay nito sa dalaga.

"Tara may papakita ako sayo." Walang salitang inabot ni Mina ang kamay ng aktor.

Dinala nito ang dalaga sa isang man-made falls. Sobrang tuwang tuwa si Mina sa ganda nito. Maya maya pa ay nag ingay na ang kalangitan dahil sa fireworks display na ipinahanda ni Justin.

"Wahhh! Ang ganda." Tuwang tuwang sabi ni Mina habang pinagmamasdan ang mga fireworks.

"Mas maganda ka." Bulong ni Justin pero nakinig pa din ni Mina kaya nagblush ito.

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now