20 : SHE TOOK A RISK

52 1 0
                                    

Nang makabalik si Mina sa "tamang pag iisip" ay agad nyang inalis ang pagkakahawak ni Justin sa kamay nya at naupo muli sa silya sa tabi ng kama.

"Ah. Okay ka na ba? Gusto mo tumawag akong doctor or nurse?" Tanong ni Mina sa aktor.

Umiling si Justin habang inaayos ang pagkakaupo. Inalis din nito ang dextrose na nakakabit sa kanya.

"Bakit mo tinanggal yan?" Pagsita ni Mina kay Justin.

"Nakakailang kasi yan." Sabi ni Justin. "Kailan ka pa dito? Pati paano mo nalaman na andito ako?"

"Ah. Kanina nina lang. Sinabihan ako ni Matt. Kaya ayun dinalaw kita. Tapos nakasalubong ko sa labas yung manager mo pinakiusapan nya akong bantayan ka muna. Kaso tumawag sya na malalate sya ng balik kasi nakaaksidente sya e." Paliwanag ni Mina.

"So concern ka pala sakin." Sabi ni Justin na parang may pagtutukso.

"Syempre! Kaibigan kita!" Sagot ni Mina.

"Kaibigan lang talaga?" Tanong ni Justin habang inilapit ang mukha nya sya mukha ni Mina.

Halatang nailang si Mina sa ginawa ni Justin kaya inilayo nito ang mukha nya sa dalaga.

Natahimik ang dalawa.

"I love you." Mahinang sabi ni Justin na nakatingin kay Mina.

Unti unti nyang inilapit muli ang mukha sa dalaga at unti unti ding inilapit ang mga labi sa labi ni Mina. Sa pagkakataong ito ay hindi umiwas si Mina kundi ay napapikit ito at hinayaan nyang mahalikan sya ni Justin. Pagkadampi ng labi ni Justin sa labi ni Mina ay muli nya itong inilayo. Mumulat ang dalaga, nginitian sya ng binata at nginitian nya din ito.

"I love you too." Pagkasabi nito ni Mina at muli syang hinalikan ng binata at sa pagkakataong ito ay ginantihan din nya ng halik ang binata.

Tumagal ng halos isang minuto ang intimate kiss ng dalawa. Niyapos ng mahigpit ni Justin ang dalaga.

"Ibig bang sabihin nito ay akin ka na? Tayo na?" Tanong ni Justin habang yakap pa rin ang dalaga.

Tumango lang si Mina at makailang ulit itong hinalikan ni Justin.

"Oh matulog ka na ulit. Kailangan mong magpahinga para makalabas ka agad." Utos ni Mina kay Justin na ngayon ay boyfriend na nya.

Agad naman nahiga si Justin. Pero bumangon itong muli. "Tabihan mo ako. Para makatulog ako ng maayos."

"Nako hindi pwede dito na lang ako."

Hinila ni Justin si Mina sa katabi nya at inihiga. Matapos nito ay niyapos nya ng mahigpit ang girlfriend.

"Yan. Makakatulog na ako nito ng maayos."

Hindi na pumalag ang dalaga at ipinikit na din ang mata upang matulog.

Nagising ang dalawa nang dumating ang manager ni Justin.

"Ahem..!" Sabi nito na ikinagising ng dalawa.

Agad bumangon si Mina at tumayo.

"Magpapadischarge na ako." Sabi ni Justin sa manager nya.

"Hindi pwede. Kailangan mo munang magpahinga ng ayos." Utos ng manager nito.

"Lalo lang akong magkakasakit dito." Sabi ni Justin na pagkabangon ay kinuha ang bag na dala ng manager nya at nagpunta ng C.R.

Paglabas nito ay nakapagpalit na ito ng damit. Hinawakan nya si Mina sa kamay na dahilan para mapatayo ito. Hinila nya ito at tumigil bago buksan ang pintuan ng kwarto.

"Ikaw na munang bahala. Pakisettle na lang ng bill ko. Tawagan mo na lang ako pag kailangan mo ako." Sabi ni Justin at tuluyan na itong lumabas ng kwarto kasama si Mina.

"San ka nakapark?" Tanong ni Justin ng makalabas sila ng hospital. Itinuro naman ito ni Mina.

Gusto sana ni Justin na sya ang magmaneho pero hindi pumayag si Mina.

Isinet ni Justin sa address ng condo nya ang gps ng sasakyan ni Mina. At makalipas ang halos 30 minutes na biyahe ay narating na nila ito.

Nang marating nila ang unit ni Justin ay agad itong nagpaalam para magshower. Samantalang si Mina ay naupo lang sa sofa.

Pagkaligo ay lumabas si Justin na nakaplain white shirt at black na cotton pajama. Nakapatapong pa sa ulo ang maliit na towel habang tinutuyo ang buhok nya.

Tinabihan sya si Mina. Tinitigan ng malapitan na ikinailang ng dalaga.

"Bakit?" Tanong ni Mina na inilayo ang mukha sa binata

"Wala lang. I still can't believe na akin ka na." Sabi ni Justin na may panunukso. Agad naman tumayo si Mina.

"Ah may pwede ka naman sigurong lutuin dito diba. Ipagluluto na lang kita kasi hindi ka pa kumakain e para makapagpahinga ka na."

Dali daling nagpunta si Mina sa kitchen at naghanap ng pwedeng maluto. Nagluto sya ng arroz caldo at tortang talong para kay Justin.

Nang nag aayos na sya ng lamesa ay laking gulat nito ng yapusin sya ni Justin habang nakatalikod sya.

Mahigpit ang yakap ng binata at ngayon ay nakahilig ang baba sa balikat ni Mina.

"I love you." Mahinang sabi nito.

Humarap si Mina sa nobyo. "I love you too." At hinalikan sya ni Justin sa labi. Damping halik pero ilang beses inulit ng binata. Gada halik ay nginingitian nito ang dalaga.

"Tama na." Pagpigil ni Mina Justin na hahalik pa sana muli. "Kumain ka na muna at pagkatapos ay uuwi na ako para makatulog ka na. Magtatanghali na. Kailangan mong magpahinga."

"Please stay. Dito ka muna hanggang hindi pa ako inaantok." Paglalambing ni Justin na may kasamang yakap.

Tumango lang si Mina.

Makatapos kumain ay nagtungo ang dalawa sa living area at doon ay nanuod sila ng tv.

Mag aalas kwatro ay napansin ni Justin na nakatulog na si Mina sa sofa kung saan ito nakahiga panunuod. Tumayo si Justin sa pagkakaupo sa sahig at ikinuha ng unan si Mina.

Naupo si Justin sa massage chair na nasa living area rin lang. Pinagmamasdan nya si Mina at hindip nya namalayang nakatulog na din sya.

Gabi na nang nagising si Mina. Nang makita nya ang nobyo na nasa massage chair at tulog na tulog ay hindi na nya ito ginising.

Nag ayos sya at umalis nang hindi nagpapaaalam.

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now