08 : A SMALL REUNION

83 5 1
                                    

Pagbalik ni Mina sa kwarto nya ay humiga ito agad at nagtalukbong ng kumot.

"AHHHHH!!!" Sigaw ni Mina. "Hindi pwede Mina. Not again! Hindi! Hindi! Hindi!" Nakailang sabi ni Mina sa sarili.

Hindi na namalayan ni Mina na nakatulog sya. Nagising sya ng madaling araw kinabukasan. Inayos nya ang mga gamit nya dahil 10am ang flight nya at hindi pa sya nag aayos.

Umaga na ng matapos si Mina. Nagprepare na din sya at bumaba sa lobby para magcheck out. Inihatid sya muli sa airport nung taong sumundo sa kanya. Pagdating sa waiting area before boarding ay inilabas ni Mina ang cellphone nya para icheck kung may emails sya. Pagbukas ay nakita nya ang missed calls at texts galing kay Justin.

*2 missed calls
*4 texts messages

"Mina I'm sorry." 1/4

"Hindi ko alam ginagawa ko nun." 2/4

"Dito ako sa labas ng kwarto mo, let's talk." 3/4

"Siguro ayaw mo na ako makita. I'm really sorry." 4/4

Pagkabasa ay inilagay na ulit ni Mina sa bag nya ang cellphone nya.

Pagbalik ng Manila ay nakareceive ng message si Mina sa WhatsApp group na "Tatlong Bugok 👌" galing kay Eric.

"sta-Mina, 10pm later sa Valkyrie. Game?

cc: Matt the Pogi"

"Game!" Reply ni Mina. "I love you talaga Eric. Alam mo kung kelan ko kelangan magtanggal ng stress." Nasa isip ni Mina.

May nagnotify muli na may bagong message sya sa group. This time si Matt ang nagmessage.

"Okay! I'll be there mah friend. 😎" Reply ni Matt.

Pagkauwi ni Mina ay nagpahinga muna ito at nang bago mag 9pm ay nagprepare na at umalis ng past 9.30pm. Sa tantya niya ay lagpas 10pm na sya makakarating dahil sa traffic pero okay lang iyon dahil ayaw naman nyang mauna dahil sanay na din syang laging late ang mga kaibigan nya.

On the way ay nagrinig ang cellphone nya at pagtingin ay natawag sa kanya si Matt.

"Oh?" Bati ni Mina pagsagot ng telepono.

"Malapit na ako, dyan ka na?" Tanong ni Matt.

"Shocks! Ang aga mo. Medyo malayo pa ako. Hahaha!"

"Napaaga pala ako. Akala ko late na nga ako. Hahaha!"

"Pag nauna ka antayin mo na lang kami. No choice ka naman ih."

"Okay!"

Makailang minuto ay dumating na si Mina sa Valkyrie. Medyo maunti pa ang tao dahil maaga pa at weekdays pa lang din kasi.

Pagpasok nya ay kinawayan agad sya ni Matt. Nilapitan nya ito at naupo sa tabi nito

"Aga ah!" Panunukso ni Mina dahil matagal nang hindi nauuna sa usapan si Matt. Lagi na kasi syang pahulihin mula nung nag artista sya.

"Nagkataon lang na maaga kaming natapos." Paliwanag ni Matt sabay inom ng juice na nauna na nyang inorder. "kamusta site visit?" Pag usisa nya.

"Okay naman." Sinagot ni Mina na nakaiwas ang tingin sa kaibigan.

"Hindi ba masungit yung nakameeting nyo. Baka gaya din nung last time na nakameeting mo na client? Yung nakwento mo nung huli na daming alam." Patawang tanong ni Matt.

I Love You From The StartOnde histórias criam vida. Descubra agora