23 : THE PRIMADONNA

35 2 0
                                    

Pagkababa ni Mina ng cellphone ay napalit ito ng pang alis at pagkakuha ng susi ng sasakyan ay dali dali itong bumaba. Nakasalubong nito pababa ng hakdan ang Daddy nya.

"Oh, aalis ka pa? Late na." Tanong ni Daddy Wil.

"Mabilis lang po ako." Sagot ni Mina habang dirediretso pa din pagbaba.

Nagpatunganga lang si Wil habang pinagmasdan makalabas ang nagmamadaling anak. Nailang segundo ay umakyat na muli ito pero natigil na naman ng tawagin sya ng tawagin sya ng kasambahay na si Judith.

"Kuya!" Tawag ni Judith at napalingon naman si Wil.

"Oh? Bakit Judith?"

"Kuya tignan mo." Iniabot ni Judith ang hawak na cellphone kay Wil.

Kita sa mata ni Wil ang gulat ng makita ang picture ni Mina at Justin na nakalagay sa internet at nang mabasa ang hindi magagandang comments.

"Eto siguro dahilan kaya dali dali umalis si Mina. Tsk. Hindi ko pa mga nakikilala ng personal tong lalaki na to tapos ganto na agad yung mangyayari." Sabi ni Wil na halatang alalang alala sa anak.

Samantalang si Mina ay dali dali nagmaneho papunta kay Justin na hindi sinasagot ang mga tawag nya. Pagkapagpark ng sasakyan ay umakyat ito agad sa condo ni Justin.

Nang marating nito ang unit ng kasintahan ay agad syang pinagbukasan nito ng pinto.

Gulat na gulat si Justin ng makita si Mina.

"Okay ka lang?" Tanong agad ni Mina.

"Ikaw?" Tanong rin ni Justin.

"Wag kang mag alala, okay lang ako. Ikaw nga inaalala ko kasi baka may hindi magandang idulot sa career mo pag nalaman na may girlfriend ka na. Paano na yung loveteam mo diba. Tsk." Sabi ni Mina.

Lumapit si Justin at niyakap si Mina. "Ako, sanay ako sa mga issue at kung ano anong tsismis. Wag mo ako alalahanin. Ikaw itong iniisip ko. Baka may masabi silang hindi mo magustuhan o makasakit sayo. Sorry. Sorry hindi ko inakala na may mangyayaring ganito. Kaya nga diba pag nalabas tayo nag iingat tayo ayoko kasing maaapektuhan ang pruvate life mo tapos ngayon nangyari na to. Sorry talaga."

"Wag kang mag alala wala naman ako pakialam sa ano sasabihin ng iba." Sagot ni Mina.

Napagkasunduan nina Mina at Justin na kahit anong mababasa nila o maririnig regading sa paglabas ng relationship nila ay hindi ito makakaapekto sa kanila.

Nang dumating ang manager ni Justin ay nagpaalam na din si Mina dahil mukhang pag uusapan ng dalawa ang naging pagkalat ng pictures ng magkasintahan.

Kinabukasan sa pagpasok pa lang ni Mina sa office ay tinginan agad sa kanya mga nakakasalubong nya.

"Ms. Mina, hindi ka naman nagkukwento. Boyfriend mo pala si Justin." Bati ng secretary na si Lady.

Ngumiti lang si Mina at hindi na lang sumagot bagkus ay dumiretso sa office nya.

Maya maya ay pumasok sa office ni Mina ang kaibigang si Eric.

"Oh." Pagkaupo ay iniabot nito ang hot chocolate na dala dala para sa kaibigan.

"Thanks." Pabuntong hiningang sagot ni Mina.

"Kamusta?"

"Okay naman. Grabe lang pagpasok na pag pasok ko ng office feeling ko agad lahat nakatingin sakin."

"Yaan mo na. Gusto lang makitsismis ng mga yan." Nagpapatawang sabi ni Eric.

"Ikaw talaga." Pilit na ngiti ni Mina.

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now