Chapter 25 - Trip to Maldives(Part Two)

180K 1.5K 34
                                    

Etoooooooooo na ang part twooooooooo :))) 

 Puchu-puchu lang ang update na 'to. SWEAR :D HAHAHAHAHA in short, LAME update lang to :))

Sana ma-enjooooooooy niyo! :))

VOTE-COMMENT-BE A FAN 

THANKS :* 

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Gabbie’s POV

Umaga na at naghahanda na kaming lahat para sa island hopping at mga water activities na meron sila dito. Sabi ni Lucas, meron daw ditong scuba diving,jetski, banana boat, fising at kung anu-ano pa. Sa ngayon, ito ang mga gagawin namin.

“Asan na ba kasi yon?” iritang tanong ni Alice sa akin dahil ang tagal lumabas ni Lucas sa cottege. Siya nalang ang iniintay, pa-VIP masyado ang gago.

“LUCAS! ANO NA?!” sigaw ko tapos nakita ko na siyang nagmamadaling lumabas ng cottege.

“Why so atat love? Kinuha ko pa kasi ito” sabi niya tapos pinakita niya ang dslr camera niya. Lahat kami ay may hawak na dslr pero magkaka-iba ng model at brand. Yung akin ay Canon tapos yung sa kanya naman ay Sony.

“Kanina pa sila nag-iintay!” sabi ko tapos nakita kong inirapan siya ng girls. Halos kalahating minuto kasi kami nag-intay sa kanya kaya mainit ang ulo ng mga babae.

“Hehe. Kinuha at inayos ko pa kasi ang camera ko. Girls, sorry” sabi niya tapos inalalayan niya akong makasakay sa yacht. Yacht na pagmamay-ari niya at yung kapitan ay yung kaibigan nilang taga-rito.

Ang gwapo niya, naka-board short lang siya then topless na. Kitang kita ang abs niya pati na mga kaibigan niya, yes hindi lang siya ang topless kung hindi pati ang mga kaibigan niya. Napansin ko noong tumabi siya at kinausap ang kaibigan niya ay parang magkakapareho sila ng short.

“Lucas” tawag ko sa kanya ng maka-upo na rin siya sa tabi ko dahil nag-umpisa ng umardar ang yacht papunta sa isla kung saan pwede kaming magtry ng iba’t-ibang water activities.

The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Where stories live. Discover now