Chapter 44 - He loves you more than you know

140K 1.3K 116
                                    

Short update. Next update? Depende pa po. Hindi ko pa po alam dahil ang dami pa naming ginagawa at kailangan ipasa. Ayun, sana maintindihan niyo po. :) 

P.S:  2 days na naming schoolmates sila Chad, Cross, Eya at Lori. Pati yung ibang cast ng DNP movie. HAHAHA Nasa school sia hanggang Friday, yun ang naririnig ko mula sa mga schoolmates ko. HAHAHA 

COMMENT-VOTE-BE A FAN :)))

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 44

Gabbie’s POV

“S-sana ako nalang ang nasa lugar ni Lucas. S-sana ako nalang ang nasa binggit ng kamatayan at hindi siya.S-sana ako nalang” banggit ko habang nakaluhod sa sahig. Sana nga ako nalang yung nahihirapan doon dahil mas karapat-dapat ako doon, hindi nararapat doon si Lucas dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang mahalin at bantayan lang kami ng anak ko.

“Wag kang tanga Gabbie!” sigaw ni Alice  sa akin na sinabayan pa ng malakas na sampal na ikinagulat naming lahat dahil wala siyang ibang ginawa nitong mga nakalipas na araw kundi ang manahimik at mag-asikaso sa aming mga kaibigan niya.

“Hindi gugustuhin ni Lucas ang mga sinasabi mo! Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo ha? Kung pareho kayong andiyan ni Lucas paano nalang si A-asher?! Iniisip mo pa ba yung anak niyo? Iniisip mo ba yung mararamdaman niya kapag nalaman niya na ang pareho niyang magulang ay nasa binggit ng kamatayan? Iniisip mo pa ba siya Gabriella?! Mag-isip ka naman! Wag kang tanga! Ang kailangan ngayon ni Lucas ay isang matatag na babaeng hindi sinisisi ang sarili niya dahil sa nangyari sa kanya, ang kailangan niya ngayon ay isang babaeng nag-iintay na magigising siya at isang babaeng mahal na mahal siya kahit ano pa mang mangyari. Ikaw ang kailangan niya ngayon Gabbie.

“Wag kang magpakain diyan na nararamdaman mo. Kailangan ka niya, ng anak niyo. Magpakatatag ka. Wag kang magpakatanga. Lahat tayo nahihirapan at lahat tayo naisip n asana tayo nalang ang nasa posisyon niya pero hindi matutuwa si Lucas kapag nalaman niya yun” mahabang sabi niya habang patuloy ang pagluha, pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis siya at sinundan naman ni Arthur.

“Tama si Alice, Gabbie. Alalahanin mo rin ang anak niyo, bata pa siya at kailangan mong maging matatag para sa kanya” sabi ni Raffie at inalalayan ako paupo sa bench. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nanahimik at tulala sa kawalan.

Dahil sa sinabi ni Alice tila may nagising na isang parte sa akin, tama si Alice pati na ang iba pa naming kaibigan. Kailangan ako ni Asher dahil magulang niya kami at kailangan niya ako pati na rin ang tatay niya. Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko para tawagan si mom.

The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Where stories live. Discover now