Special Chapter: Asher

174K 1.9K 117
                                    

At dahil birthdaaaaaaaaaaaaaaaaaaay ko na, eto ang special chapter ng kwento ng anak nila Gabbie at Lucas. :D Ang corny lang nito guys. HAHAHAHAHA Feeling ko hindi kayo matutuwa :D :)) Pero dahil birthday ko, sana magustuhan niyo ;)





Tanong: "Anong title ng istorya ni Asher?"

Sagot: Hindi ko pa alam, pero ang nasa isip ko ay 'My Paid Husband' ;)



Tanong: "Sino pong gaganap?"

Sagot: Hindi ko rin alam, sino bang gusto niyo? :) Open ang MB ko para sa suggestions niyo. O kaya sa facebook, twitter ko :)))





Eto na ang SC ng TSGaTCP <3 ENJOOOOOOOOOOOOOOOOY!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------





Special Chapter:





Asher's POV





"Nanaaaaaaaaaaaaaaaaaay!" sigaw ko ng makalabas ako ng kwarto kung saan ginugulo ako ng mga kapatid ko. Ang kukulit nitong kambal na ito pero kahit na ganyan sila ay mahal na mahal ko sila.





"Asher! Wag kang sumigaw" rinig kong sabi ni Nanay na malamang ay nasa kusina para magipaghanda ang hapunan namin. Pauwi na malamang si Tatay galing sa isang business trip sa Hong Kong.





"Nanay! Sila Gab, ang kulit kulit! Hindi ko mapag-aralan iyong kailangan kong aralin" sumbong ko kay nanay ng makalapit ako sa kanya.





"Naglalambing lang iyong mga iyon dahil paalis ka na sa isang linggo" sabi nito tapos ay ginulo ang buhok ko. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi niya. Tama ang sinabi ni nanay, paalis ako sa isang linggo para mag-aral ng masteral ko sa America. Kailangan ko kasi iyon dahil pagka-uwi ko ay ako na ang maghahandle ng company namin pero syempre may patnubay parin ni Papa.





"Mamimiss ko sila nanay" sabi ko sa nanay kong busy sa pagluluto. Nakaupo kasi ako dito sa bar counter at pinanonood siyang magluto. Sa edad kong 23 ay hindi parin nawawala ang pagiging makulit at energetic ko. Sabi nga nila tatay ay pagkatanda-tanda ko na pero pinapatulan ko parin ang mga kapatid ko.





"Ano lang ba iyong 1 taong pag-aaral Asher? Para rin iyon saiyo. Hindi ba't gusto mong maging isang kilalang negosyante tulad namin ni Tatay?" tumango ako dahil sa sinabi ni nanay. Totoo iyon, pagkatuntong ko ng Grade 6 ay tila nainlove ako sa business at ninais kong maging isang sikat na negosyante.





"Sandali lang ang isang taon anak" sabi nito at napangiti nalang ako dahil doon. Tama naman si nanay, saglit lang iyon. Siguro naman ay makakapaghintay ang offers ng mga kumukuha sa akin ng isang taon bago bumalik sa pagiging modelo at artista.





Ilang taon na rin noong nagsimula akong pumasok sa pagiging modelo at artista. Noong umpisa ay ayaw ni Tatay dahil magulo ang buhay artista pero sabi ko naman ay hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko at laking pasalamat ko ng makapagtapos ako ng highschool at college ng may mataas na karangalan. Namana ko ata ang talino ko sa magulang ko.





"Nanaaaay!" narinig kong sigaw ni Phoebe na kadadating lang sa loob ng kusina kasama ang kanyang kambal na si Gab. At dahil sa may taglay akong kakulitan ay hinaharangan ko sila para hindi sila makalapit kay Nanay.





Eighteen years old na ang mga ito pero katulad ko ay may pagka-isip bata dahil pinalaki kami ng mga magulang namin na masayahing mga bata. Ang sabi nila, may mga bagay na pang-seryosohan at may mga bagay na pang-kasiyahan o katuwaan. Sa ganitong paraan namin pinakikitang mahal namin ang bawat isa, ang pagkukulitan namin ang isang way para kami ay maglambingan magkakapatid.





The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Where stories live. Discover now