Chapter 42 - His Pain

154K 1.4K 81
                                    

UPDAAAAAAAAAAAAAAAAATE :"> Tapos na ang exams e :D Medyo heavy. Wala pang edit to kaya sorry sa maling grammar o ano pa man :)) Edit ko nalang sa susunod! :))

VOTE-COMMENT-BE A FAN :D

 A/N: Sana po masuportahan niyo po ang bago kong story. Click the external link :*

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lucas’ POV

“Isa pa” sabi ko sa bartender ng maubos ang hard drink na inorder ko. Hindi ko alam kung nakakailan na ako at wala akong pakielam kung umuwi man akong nagapang dahil sa sobrang kalasingan. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Gabbie ay umalis ako ng maaga sa opisina at dito na sa bar dumiretso.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon pero may isa akong siguradong masasabi sa inyo. Nasasaktan ako ng sobra sobra. Akala ko noon kapag nalaman ang mga effort na ginagawa ko ay mapapatawad niya ako. Akala ko kapag nakita niya ulit na mas naging maayos ang buhay ko ay babalik na siya sa akin. Yun pala ako lang ang nag-assume ng mga bagay bagay, ako lang tong pinaasa ang sarili para sa wala. Ako tong inubos ang panahon at oras sa pagpunta at pagsunod sa kanila para malaman kung okay lang ba sila. Nagpakatanga ako para sa wala.

“Isa pa ulit” sabi ko sa bartender ng maubos ko na naman ang bagong bigay niya sa akin. I feel numb t this very moment. Eto na naman yung feeling ko noong araw na nawala siya sa akin at pinili niyang ilayo sa akin ang aming anak.

*flashback*

“GABBIE!! LUMABAS KA DIYAN! MAG-USAP TAYO!” sigaw ko sa tapat ng bahay nila habang patuloy ang pag-ulan. Wala akong pakielam kung magkasakit man ako dahil kanina pa ako rito basta ang mahalaga ngayon ay maka-usap at makapag-paliwanag ako kay Gabbie.

“GABBIE!!” sigaw ko ulit pero wala paring lumalabas na gabbie sa gate ng bahay nila. Patuloy lang ang pagsigaw ko hanggang sa makaaninag ako ng ilaw dahilan para ako ay masilaw. Sandali lamang akong nasilaw pero pagkatapos ay umayos na rin ang mata ko at doon ay nakita ko ang mga magulang ni Gabbie na sakay ng kotse.

“Mawalang galang lang po. Pero asan po si Gabbie?” tanong ko sa mga ito na tila nagulat pa ng kumatok ako sa bintana ng sasakyan nila. Nagkatinginan ang magulang niya na tila nagulat ata sa tanong ko.

The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Where stories live. Discover now