Chapter 50 - Zachariah Gabrielle and Phoebe Gabriela

161K 1.7K 139
                                    

ETO NA ANG LAST CHAPTER <3 

VOTE - COMMENT - BE A FAN <3

Sali po kayo sa facebook group(external link) gusto ko po kayong maging ka-close lahat. Sana ay sumali kayo :) Thankies :* 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 50

 

Lucas POV

“Love” sabi ko ng makita ko siyang nakaupo sa sofa at nagbabasa ng novel.

“Bakit? May problema ba?” tanong nito at saka ibinaba ang kanyang librong binabasa. Crossfire series ang binabasa niya, ilang araw niya palang napapabili sa akin iyong libro ay malapit na siyang matapos sa tatlong libro.

“Gusto mo ba ng makakain?” tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at ipinagpatuloy na ulit ang pagbabasa. Umupo ako sa tabi niya habang pinagmamasdan ang asawa kong malapit ng manganak. Mabilis na lumipas ang mga araw, parang kelan lang ay nalaman kong magiging tatay ulit ako tapos ngayon, eto iniintay nalang namin na manganak siya.

Noong nasa panglimang buwan niya sa pagbubuntis ay nalaman namin na kambal ang magiging anak namin, kaya pala malaki ang tiyan niya dahil dalawang anghel ang parating sa amin. Laking pasasalmat ko sa kanya dahil binigyan niya ako ng tatlong anghel. Tuwang tuwa naman si Asher dahil doon, sabi niya ay sana isang lalaki at babae ang magiging kapatid niya.

Sa totoo lang ay hindi pa namin alam ang gender ng kambal namin, ayaw kasing alamin ni Gabbie dahil gusto niya raw ay surprise. Noong nalaman kong magiging kambal ang magiging anak namin ay naka-isip na agad ako ng magiging pangalan ng mga ito. Hindi pa alam ni Gabbie iyon, gusto ko kasing marinig muna ang naisip niyang pangalan para sa anak namin.

Habang tinitingnan ko siya ay hindi ko maiwasang mapatawa, ang laki ng tiyan ng asawa ko. Tila nakalunok ito ng isa’t kalahating pakwan sa laki. Napansin niya atang napatawa ako kaya naman nagumpisa na naman siyang magsungit.

“Mataba ako! Alam ko yun!” sabi niya na ikinatawa ko

The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя