Chapter 32 - Made in Paris

139K 1K 7
                                    

Naisip ko lang magsulat, I know. Maikli lang ito, pasensya na. :)

VOTE-COMMENT-BE A FAN :) 

THANK YOU! :) 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gabbie's POV

“YOU’RE WHAT?!” tanong ko kay Raffie nang marinig ko ang usapan nila. Nahuli kasi ako ng dating dito sa favorite meeting place namin. Ilang linggo na ang nakalipas simula noong ma-engage kami ni Lucas, at pakiramdam ko ay parang kahapon lang noong nag-propose siya. Paminsan minsan ay nagkakatampuhan kami pero normal lang naman iyon at thankful ako dahil bago magtapos ang araw ay bati na kami.

Kung sa tingin niyo perpekto ang relasyon namin, nagkakamali kayo. Walang relasyon na perpekto at wala ring taong perpekto. Normal lang na magkaroon ng konting misunderstanding basta wag lang patatagalin. Mabigat kasi sa kalooban na nagkaroon kayo ng di pagkaka-unawaan, saka pareho lang kayong mahihirapan.

“Pregnant?” sabi nito tapos tumango lang ang iba pa naming mga kaibigan.

“Y-You’re pregnant?” sabi ko tapos naramdaman kong pinaupo ako nila Alice sa bakanteng upuan. Pakiramdam ko mahihimatay ako dahil ang isang kaibigan ko ay buntis.

“Yeah. What’s wrong with that? I’m married” sabi niya tapos tumango ulit ang mga kaibigan namin. Sersiously? Tatango lang sila ng tatango sa kinauupuan nila?

“Yeah right. Ang ganda nga ng regalo mo sa amin” sabi ko tapos umayos na ako. Nakarecover na ako sa balitang binagsak ni Raffie.

“Ninang kayo aa” sabi niya tapos nagsmile pa siya. Gusto ko siyang batukan pero tama naman ang sinabi niya, walang masama sa pagiging buntis niya dahil kasal naman sila ni Rafael at mahal nila ang isa’t-isa. I wonder kung saan nabuo ang batang magiging inaanak at magiging ate ng mga magiging anak namin.

“Made in what ba yan?” tanong ko rito. E hindi ko mapigilan itanong, kasi usapan namin noon na sasabihin namin sa isa’t-isa kung saan nabuo ang baby.

“Made in Paris” sabi niya

“Paris baby pala yan” sabi ni Natalie tapos tumawa lang kami.

Naglibot lang kaming lima sa mall at katulad ng dati ay nagbonding lang kami. Pagkatapos ay sinundo na sila ng mga lalaki nila sa buhay. Samantalang ako, nagpa-iwan ako sa mall dahil may mga bagay akong kailangan icheck at asikasuhin dito.

Habang naglilibot libot kasama ang isa kong assistant ay para akong nabato sa kinatatayuan ko dahil na nakita ko.

“L-love” 

--------------------------------------------------------------------------

Sorry T________________________________________________T

The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Where stories live. Discover now