Chapter 37 - Leaving

141K 1.2K 12
                                    

Sorry geeysss :)) Walang internet connection sa bahay kaya natagalan ang update :D 

SHORT UPDATE :) Hope you'll like it.

VOTE-COMMENT-BE A FAN :D

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gabbie’s POV

“I-im pregnant mom” pagkatapos kong bitawan ang mga salitang iyon, iniintay ko ang isang malutong na sampal na manggagaling sa nanay ko pero sa halip na sampal ay isang mahigpit na yakap ang nakuha ko mula sa kanya.

“M-mom sorry” sabi ko sa kanya habang nakayakap siya sa akin.

“Its okay baby” sabi niya

Pagkatapos ng ilan pang minuto ay umupo na kami ni mom sa sofa at saka pinag-usapan ang mga nangyari sa amin ni Lucas. Sinabi ko ang lahat mula sa pagkakakita ko sa kanila sa restaurant hanggang sa condo niya, hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob upang sabihin ang mga bagay na iyon sa nanay ko pero siguro dahil na rin sa batang nasa sinapupunan ko.

Dahil sa kanya ko nakukuha ang lakas ng loob para ipagpatuloy ang buhay na wala pang linaw kung magkakabalikan kami ng tatay niya. Siya ang buhay ko ngayon. Ang baby ko.

“What’s your plan?” tanong ni mom ng mapunta sa baby ang usapan namin

“For now? I don’t know mom” sabi ko sabay yuko.

“Dapat mag-isip ka ng mabuti anak, hindi nalang ikaw ang nakasalalay rito. Alalahanin mong may batang nabubuo diyan sa tiyan mo” sabi niya

“I know mom. Can you help me?” for now, ito ang alam kong dapat gawin.

“Are you sure?” tanong ni dad sa akin ng makapasok kami sa loob ng airport.

Ilang araw na simula ng malaman nila ang tungkol sa kalagayan ko at thankful ako dahil ayos sa kanila ang sitwasyon ko. Matanda na ako at successful na sa buhay kaya naman wala silang naging problema doon.

The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon