Chapter 27 - Endlessly

172K 1.6K 59
                                    

Pasukan na ng iba, samantalang yung iba next week pa. Enjoy enjoy muna ano? Parang ako :)))

Goodluck naman sa akin ngayong semester! :))) WHOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!

Eto na update :D Medyo babawi ako ng konti. KONTI LANG :D 

ENJOOOOOOOOOYY!

VOTE-COMMENT-BE A FAN

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Gabbie’s POV

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula noong nagpunta kami sa Maldives para magpalamig ng ilang araw matapos hindi matuloy ang kasal namin ni Nathan. Sa ngayon, wala akong balita sa kanya pati doon sa babaeng pinalit niya sa akin. Noong maka-uwi ako galing sa Maldives ay agad akong kinausap nila mom, nakahinga ako ng maluwag noong hindi sila nagalit sa akin. Alam nila ang pinagdaanan ko pero hindi nila alam ang totoong dahilan kaya siguro hindi sila galit sa akin dahil nalaman na nila ang totoo.

Maraming nangyari sa loob ng dalawang buwan, palagi kaming nagkikita ni Lucas pero nitong mga nakaraang linggo ay palagi siyang out-of-town o kaya naman ay out-of-the-country dahil may expansion na magaganap sa company nila at may ilang ipapatayong bagong business sa iba’t-ibang parte ng pilipinas kaya naman sobrang busy siya.

Isang buwan na rin mula ngayon ang nangyaring kasal kila Raffie at Raph. Walang nabanggit si Raffie sa pagiging engaged niya kay Raph noon pa, palibhasa laging nasa libro ang utak at atensyon ng babaeng yon. Nasa Europe sila ngayon para maghoneymoon at alam ko pagbalik nila dito ay may party dahil magsasanib na ang kompanya nilang dalawa. 3 months pa bago sila umuwi dahil buong Europe ata ang balak puntahan ng dalawang yon.

Maswerte silang dalawa dahil kahit tahimik sila at seryoso ay mahahalata mong mahal nila ang isa’t-isa, paano ko nasabi? Kasi noong bago sila ikasal ay nagkaroon sila ng maliit na tampuhan tapos hindi pinatagal ni Raffie yung tampo niya at nakipagbati agad kay Raph. Minsan talaga naiisip ko na mas matanda pa sa akin si Raffie dahil ang mature niya masyado.

Panigurado akong pagbalik ng mga yon, may inaanak na kami. Excited na ako kapag nagkaroon ng anak si Raffie, panigurado akong magiging maganda o kaya naman ay magiging gwapo yon. Dahil parehong maganda at gwapo ang tatay at nanay nila. Imagination ko over na!

“Mam” napabalik ako sa katinuan noong tinawag ako ng secretary ko, andito kasi ako sa office dahil may kailangan akong tapusin at isubmit kay Dad ngayong gabi.

The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Where stories live. Discover now