Hindi pa tapos ang finals pero dahil hindi ko matiis na di magsulat habang nagrereview sa Biochem. Eto po ang short update. Sana po magustuhan niyo! <3 HAPPY 500K reads !! <3 YIEEEEEEEEEEEEE!! Thank you sa mga nagbabasa, nagbasa, at magbabasa palang <3
P.S: Guys!! Basahin niyo itong story na 'One Night With You'(external link). Completed na siya. Pramis! hindi sayang ang oras niyo dahil maganda yung story kahit maikli lang <3
VOTE - COMMENT - BE A FAN
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 45
Gabbie’s POV
Halos mag-iisang buwan narin simula noong naaksidente si Lucas at hanggang ngayon ay wala parin siyang balak gumising. Minsan iniisip kong napasarap si Lucas sa pagtambay kasama si San Pedro at mukhang wala ng balak na bumalik pa sa kanya katawan. Pero sana naman ay gumising na siya, ilang linggo naring laging pabalik balik dito si Asher para sa kanyang ama.
Andito ako ngayon sa bahay para asikasuhin muna ang ilang paperworks na naipon dahil sa ilang araw kong hindi pagpunta sa opisina. Nitong mga nakaraang araw kasi ay pumupunta ako sa opisina para ilang importanteng meeting kasama ang mga investors at pagkatapos ay saka ako didiretso sa ospital para bantayan si Lucas.
Gusto ko kapag nagising siya ay ako ang una niyang makikita kasama ang anak namin, gusto kong kapag nagising siya ay magsisimula kami ng panibagong buhay. Gusto ko kapag nagising siya, hindi na niya kailangan pang mahirapan sa paghingi ng tawad sa akin dahil napatawad ko na siya at gusto ko ng magumpisa ulit kasama siya.
Napabuntong hininga ako pagkatapos kong pirmahan ang panghuling proposal project ng isang department. Maganda ang proposal, pero nag-aalangan ako dahil hindi pa masyadong maganda ang takbo ng ganung output sa market. But anyway, pagkatapos kong pirmahan iyon ay napasandal ako sa swivel chair ko at napapikit dahil sa pagod na nararamdaman ko. Habang nakapikit at nagmumuni muni kasabay ng pakikinig ng random classical love songs ay narinig kong may tumawag sa cellphone ko.
“Gab?” si Raffie
“Why Raf? Anong nangyari?” tanong ko rito
“He’s awake” sabi nito na ikinatuwa ng aking puso
![](https://img.wattpad.com/cover/5213301-288-k957983.jpg)
YOU ARE READING
The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)
General Fiction[COMPLETED] What will happen if The Casanova Prince meet The Sex Goddess? What will happen if The Casanova Prince, Lucas Gabriel Alvarez meets The Sex Goddess, Luiza Gabrielle Becker? Date started: April 13, 2013 <3 Date finished: April 05, 201...