Chapter 31 - Christmas Party (Part Two)

152K 1.4K 33
                                    

Hi guyyyyyyyyyyyyyyss!! Medyo natagalan ang update, kasi katatapos lang ng klase namin today kaya pasensya na. 

Gusto ko lang sabihin na baka matagalan ulit ang update dahil masyado akong magiging busy dahil may kailangan akong i-sanay na hayop. YES! Animal. Final proejct kasi namin iyon sa isa naming major at kapag hindi kami nakagawa non, delikado ang magiging grade namin kaya sana maintindihan niyo.

Susubukan ko parin namang mag-update kapag nakaisip na ako ng idea at kapag na-inspired na ulit ako. AHAHAHA Sana guys, maintidihan niyo ko. Labyu guys! :*

Happy 100K reads pala and Advance Merry Christmas and Happy New Year! 

Maikling update pero sana magustuhan niyo. Doon po sa nag-comment na dahil daw sa ginagawa ko e nakakahiya, hehe bahala na po Siya sayo :)) Ayaw kitang patulan dahil ayoko lang XD

VOTE-COMMENT and BE A FAN :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gabbie’s POV

“Merry Christmas Gab” sabay na sabi ni Natalia at Alice pagkakita nila sa akin.

“Merry Christmas girls” sabi ko sabay halik sa pisngi nilang dalawa

“So sila lang? Ganon?” rinig kong sabi ni Julia na kakarating lang kasama ang kanyang Leo na may hawak ng wine.

“Merry Christmas Juls” sabay sabay naming sabi nila Alice.

Napansin kong andito na pala ang kaibigan ko at kaibigan ni Lucas pero wala pa siya. Nasaan na kaya iyon?

“Nasaan na si Lucas?” tanong ko sa kanila

“Sabi niya, may dadaanan lang daw siya” sabi ni Arthur at tumango rin ang iba pang kaibigan ni Lucas.

“Sige. Doon muna ako” sabi ko at umalis na muna para pumunta sa mga Ninang at Ninong kong kasama nila mom at dad sa isa pang table.

The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Where stories live. Discover now