Charm

32 2 3
                                    

Third Person~~~

ㅡAt the Heaven's contraryㅡ

"Lord Zeus, ano ng binabalak nyo ngayon?" Tanong ng isang diyos na kasama sa isang pagpupulong. Nakapaikot silang lahat ngunit walang mesa. Nakatayo silang lahat.

"Draco, ang balak ko sana ay tulungan ang dalawang itinakda upang mahanap ang keystone" sabi ni Zeus, si Zeus na pinuno ng langit.

"Ngunit, ito'y pinagbabawal. Oo't alam natin kung nasaan ito ngunit tayo'y walang pahintulot para sila'y tulungan" -Draco.

"Tama si Draco, Lord Zeus. Ang ating nagiisang tungkulin ay ang ibigay ang kailangan nilang mga palatandaan para non ay mahanap nila ang keystone, wala ni isa dito sa atin ang nagsabing tulungan sila" sabi naman ng isang dyosa.

"Alam ko ang lahat ng yon Cassiopeia ngunit, ang kanilang paghahanap ay sobra ng nalimot ng panahon. Isang libong taon mahigit na ang paghahanap doon ngunit ni isa sa kanila, walang nakatagpo ng lokasyon. Bakit hindi nalang natin ituro, sumatutal na alam natin kung nasaan ito" -Zeus.

"Hindi pwede aking kapatid" biglang wika ng isa pang dyos na kakarating lang sa pulong. Umakyat sya sa hagdan at pinuntahan si Zeus.

"Hades kapatid ko. Ano ang iyong masasabi?" -Zeus.

"Kailangang sila mismo ang humanap ng keystone. At higit sa lahat, ipinagbabawal din sa ating mga diyos na magbigay ng kahit na anong tulong sa mga tao" -Hades.

"Ngunit, ano to't nalaman kong hindi pala sila mga tao?" -Zeus.

"Hindi tao?" -Draco.

"Sya'y nahihibang na" -Cassiopeia.

"Ngunit, ano ang kanyang pinupunto?" -Andromeda.

"Ni hindi natin alam kung ano silang talaga" -Pegasus.

"Ngunit si Lord Zeus ay madunong. Alam nya lahat, pero ukol sa bagay na ito, mukha atang nagkamali sya" -Cepheus.

"Tila ata kinakalawang na ang aking kapatid" biglang pagsulpot pa ng isang diyos sa pagpupulong at pumuwesto sa kanyang upuan, sa tabi ni Hades na nakaupo na rin.

"Tama lang ang aking tinuran. Ang dalawang nakatakda ay hindi tao" -Zeus.

"Ngunit sila'y ano?" -Cassiopeia.

"Silang dalawa.....hindi sila tao" -Zeus.

"Bakit tila ata mas makulit na ang kapatid ko ngayon kaysa dati Zeus?" -Hades.

"Dapat naman talaga natin silang tulungan" -Zeus.

"Pero Lord Zeus, di natin sila dapat tulungan. Misyon nilang hanapin ang keystone" -Andromeda.

"Andromeda! Arrgg. Tawagin nyo nga si Medusa!" Pasigaw nyang utos.

"Si Medusa? Ngunit, para saan?" -Cassiopeia.

"Basta! Tawagin na!" -Zeus.

"Ako na kapatid ko" -Hades.

"Kung pwede sana sumama ka Posiedon, kapatid ko" -Zeus.

"Hay, naman, ayaw ko ngang tumayo dito eh" -Poseidon.

"Poseidon! Tara na nga" -Hades.

"Ito na" -Poseidon.

"Aanhin mo ba si Medusa aking kapatid at kailangan pa syang ipatawag sa kanyang templo?" -Poseidon.

"May mga itatanong lang ako sa kanya. Alis na!" Si Hades, naging apoy muna bago nawala habang si Poseidon naging tubig at nawala rin tulad ng kanyang kapatid.

Chaos BringerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt