Wrong Calculation

3 1 0
                                    





[Volt]

Isang linggo, isang linggo na kaming nagtatago at nalaman nalang namin na patay na si Eagle. Matutuwa na sana kami pero nalaman naming si Zekrus naman ang namumuno ngayon.



"Tila malalim ang iniisip mo Volt" sabi ni Kyurus na nasa anyong tao nya at tinabihan ako sa gilid ng lawa.



"Tama ka. Si Cay, nawawala pa rin at hindi ko makita" si Cay ay isang matalik na kaibigan ng Prinsesa, prinsesa na nawawala magpahanggang-ngayon pero ni minsan, hindi sila nahulog para sa isat-isa.



"Gusto mong hanapin ko sya para sa 'yo?"



"Kung kaya mk bakit ba hindi?"



"Sige. Tignan natin kung nasaan ang Cay na yon" sabi nito at pumikit bigla, pagmulat ng mata nya, nagliliwanag na yon ng kulay purple at natahimik ang buong lugar.



Makalipas ang ilang minuto, bumalik na sya sa dati. "Si Cay Sebastian, nasa mundo na ng tao para hanapin ang Prinsesa at dalhin dito sa Charm World. Wag kang mag-alala, maayis ang lagay ni Cay"



"Pero paano sya nakalabas ng mundo na 'to?"



"Di ko rin alam. Bahala na. Balita ko bumubuo ng isang malaking hukbo ang kapatid namin na si Zekrus para labanan kung sino man ang papasok sa Royal Kingdom. Ang sama nya"



"Nabalitaan ko rin yan. Di ko alam kung anong balak ng kapatid nyo"



"Oo nga. Mauna na ko sa 'yo Volt, kakamustahin ko lang si Reshirus" saka sya umalis sa tabi ko at pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ng libro kung saan nakasulat lahat ng magiging epekto ka pag lumabas ka sa isang barrier na kagaya ng ginawa ni Eagle.



Bigla kong napangiti dahil sa nabasa kong epekto nito. Mali ako, mali ang calculation ko, hindi isang daan ang magiging pagtulog ng mga charmers, isang linggo lang!! Pero mabubura pa rin bawat simpleng memorya nila pero that is a good news, gigising na sila ngayon din.





[Sky]

Nakaramdam ako ng kakaibang sakit. Sakit na nanggagaling sa ulo ko kaya naman nagising nalang ako bigla mula sa mahaba kong pagkakatulog at may mga orbs ng pumapasok sa noo ko.



"AHH!! AHH!! AHHHHHH!" I yelled in pain. Shit! This pain! I hate it!



"Kuya, tiis lang po, kaya mo yan" sabi ng isang boses na nalaman kong kay Gray. Maya-maya, humuhupa na ang sakit at bumagsak yung katawan ko sa kama.



"Ha! Ha! Ha! Ano..... bang nangyari?!" Tanong ko habang hinahabol ang hininga.



"Kuya, natatandaan mo po ba ko? At kung anong kapangyarihan meron ka"



"Oo. Isa kong..... isa kong demon user charmer Gray. S-si Ice? Oo tama si Ice?! Gray si Ice nasan? I need to see my girlfriend! Nasan sya?!"



"Dont worry Kuya, she's fine. Nagising na rin sya mula sa pagkakatulog nya ngayon-ngayon lang pero warning Kuya, ginawa ko ang lahat para maalala nya at maibalik lahat ng memoryang nawala sa kanya pero hindi ko po nagawa, di ko nakayanan. Kuya, sad to say, wala na po ang memeories nya from the past"



"Wala kong paki Sky! Pupuntahan ko sya!" Sabi ko saka tumayo kahit na gutom na gutom.



"Sama po ako" sabi nya saka humawak sa akin at nag-teleport kaming dalawa papunta sa bahay nila Ice ko.



Chaos BringerWhere stories live. Discover now