The Attack

2 1 0
                                    

Mamadaliin ko na para matapos na ang story na to at ma focus naman ako doon sa isa. Maybe five to six chapters and this is done!

[Volt]

"Ayos na ba ang lahat? Ang paggaganapan ng Show Off?" Tanong ko sa isang nag-organize ng show off na magaganap ngayon.

"Nakahanda na po ang lahat master, kayo nalang po ang hinihintay sa labas para maumpisahan na ang Show Off"

"Sabihin sa kanila na susunod na ko matapos ang limang minuto"

"Sige po" lumabas sya ng office ko at nagkabit naman ako ng cloak.

"Lahat ng plano mo, alam ko. Di mo ko maloloko" sabi ko at lumabas na rin ng office. Dumiretso ako sa arena at nandito na lahat ng mga charmers. Nangaka-upo sa mga bangko at may isang stage sa gitna ng arena, balot ito ng makapal na barrier at sa loob non ang isang black crystal.

"Good morning charmersㅡ" natigilan ang pagbati ko ng may sumabog at bigla nalang gumuho ang naglalakihang pader ng aming paaralan.

"Good morning" sabi ng isang taong kasamahan nila. Sya na naman.

"Lahat kayo! Umalis na kayo dito!" Utos ko sa kanila at nagtakbuhan sila pabalik sa loob ng university pero sapat ang bilang ng kalaban namin at naharangan nila ang iba papasok ng university.

"Yuan! Ano bang gusto mo?!" Tanong ko sa leader nila.

"Ako? Ano ang gusto ko? Gusto kong mamatay na kayong lahat" at makakapal na kadena ang lumabas sa katawan nya at hinampas ang mga yon sa buong university namin at ngayon, unti-unti na itong gumuguho. Marami ding charmers ang tinatamaan ng kadena na yon kaya naman marami ng namatay.

"Itigil mo yan! Light Beam!" Sigaw ko at binato sya ng napakaraming beams ng lights pero iniiwasan nya lang ito at patuloy lang sa paghampas ng kadena.

"Hoy! Ititigil mo to o gusto mong mamatay?" Tanong ni Zero.

"Manggugulo lang kami ngayon pero sa susunod, kamatayan na ang naghihintay sa inyo" hinampas nya pa ng isang sobrang lakas ang kadena nya at tuluyan ng gumuho ang university pati ang mga pader na nakapalibot dito at nawala lahat ng kalaban.

"They all just want to ruin our university and to take a sample of deathness" I said and look around. Lagpas isang daan ang patay at guho nalang ng university namin ang natira.

"Mister Volt, paano na nyan?" Tanong ni Zero sa 'kin.

"Okay lang yan, mapapalitan naman natin ang mga bagay na nasira. For now, tumulong muna tayong maglibing sa mga namatay at gumamot sa mga nasugatan" sabi ko at tumulong na sa pagbubuhat sa mga namatay. With just a second like that, marami ng namatay dahil sa Yuan na yon! Ang sama nya, sa susunod na magkita kami, hindi ko na sya papatakasin pa.

[Sky]

"Sky, paano na to ngayon?" Tanong ni Ice.

"Di ko alam, sigurado kong laban na naman to, sila ang nagumpisa ng gyera, tayo lang ng tatapos"

"Pero anong tingin mo doon sa Yuan kanina na isang chain manipulator, malakas ba?"

"Oo, malakas sya nakikita ko palang sa mata nya at sigurado kong may iba pa syang plano bukod sa pagsira ng university natin. Ngayon, ang problema lang, wala tayong matutuluyan ngayon"

"Tumulong muna tayo sa iba" hinatak nya ko at ako, binubuhat ko lahat ng mga patay habang sya tinutulungang pagalingin ang mga nasugatan.

Malaman ko lang kung saan ang lungga nung Yuan na yon ako na mismo ang pupunta doon at gaganti sa kanila. Mga sira ulo talaga. Di naman namin sila inaano bigla nlang nanunugod.

Chaos BringerOnde histórias criam vida. Descubra agora