What Happened?

1 1 0
                                    

ㅡFordㅡ

"Ford, please go to the headquarters, we will going to talk about the things that happened to your sister" Nexus said on the phone.

"I will. Actually on the way na ko" I said and drift my car to park it on the parking lot outside of the building. Tanging may mga access lang ang nakakapasok sa building na 'to dahil dito ang meet up ng mga charmers lalo na ang Charm Council.

"Good. Nasa fifth floor ako kasama ng Charm Council. Meet me up in here, faster" and he ended up the call. Naglakad na ko papasok ng dalawang lalaki ang humarang sa 'kin. They are the verificator if anyone that wants to enter is member of our group. I show to them my ID and they let me in.

Diretso ako sa elevator at pinindot ang button five.

Today, naka-schedule kaming pag-usapan kung ano nga ba talagang nangyari sa kapatid kong yon at sa iba pa at bakit ako at si Klea ay hindi apektado non. Naaalala ko lahat pero sila hindi na at wala na kong balita kung nasaan silang lahat.

I get out of the elevator the moment it reached the fifth floor. Paglabas ko, sa iisang pinto lang ako pumasok. Bumungad sa 'kin ang isang room na puro puti at may isang malaking counseling table sa gitna. Umupo ako sa nagiisang extra chair katabi ni Nexus at ng isang babae, si Evergreen.

"And at last, all of us finally reached up to here. Shall we start?" The head of council asked.

"Yes we can. Proceed" I said.

"Simulan natin kung anong nangyari doon sa labanan na naganap" pasimula ni Head Pyro.

"Oo nga, ano bang nangyari doon? Bakit kami hindi namatay? At bakit ang kapatid ko, nakalimutan nya lahat ng mga nangyari at nalimutan nya ring may charm sya"

"Ang nangyari noong giyera na yon ay hindi ko rin inaasahan. Dalawa ang katauhan ng kapatid mo Ford, ang Ember na form nya ngayon at ang Ember na isang chaos form. Ka pag nasa form sila ng chaos, wala silang alam kung hindi pumatay at dalhin sa hukay ang lahat ng may buhay. Sa mga nakita at nabasa ko dati, lahat ng chaos ay may kakayahang sumira ng isang planeta o dimension sa isang iglap lang pero iba ang nangyari sa kapatid mo at kay Zero, nagawa nilang labanan ang kanilang chaos form at nawala na ito ng tuluyan pero ang naging kapalit non ay ang pagkawala ng kanilang memorya" -Pyro.

"Tama si Pyro. Ng mabalot sila ng itim na usok, unti-unti na nitong binubura lahat ng kanilang ala-ala at sa isang iglap nabura nalang ito. Lahat kayo, tinapon kayo sa ibat-ibang lugar, dimension, panahon at oras. Ang iba nandito lang sa panahon natin ngayon at hindi pa alam kung ano sila at di nila alam na may charm sila. Ng itinapon sila sa ibat-ibang lugar, kasama rin doon nawala ang kanilang mga memorya at kung bakit hindi kayo namatay? Dahil ang Sun Goddess and Moon God ay binalik ang buhay nyo pero kayo lang ang naibalik. Hindi nawala ang memorya mo Ford at ni Klea dahil sa isang repel sigil na naka-tattoo sa may batok ninyo. Nagawa nitong kontrahin na burahin ang lahat ng memorya ninyo" -Evergreen.

"Anong pwede kong gawin para maibalik ang memorya ng kapatid ko?"

"Wala, dahil sa kanilang espesyal na charateristics at dahil sa pagiging keora nila, walang gamot na pwedeng ipainom o ibigay man sa kanila, in the right time, babalik din ang memorya nilang dalawa, o ang mas malala hindi na talaga bumalik ang past memories nila. Magkaganon man, yung charm g kapatid mo, lalabas yan sa tamang panahon at magkikita silang lahat. Ang misyon mo ngayon Ford pati ikaw Nexus at si Klea, hanapin silang lahat at ipainom ang gamot na ito sa bawat isa sa kanila para non maalala na nila kung anong meron sa kanila pero wag na wag mo tong ipapainom sa kapatid mo at kay Zero, mas tatagal ang oras na hindi nila maalala ang isat-isa" -Evergreen.

"I will. Pero ni wala kaming ideya kung saan sila makikita"

"Tama si Ford. Hindi man lang namin alam kung saan magsisimula" -Nexus.

"Ang four princes, si Jett, si Brix, Si Death, si Leo, si Exelot isama pa si Zero, nandoon na silang lahat sa Charm University, ako ng bahala sa kanila" -Pyro.

"Ang ibang natira, puntahan nyo lang ang bahay nilang lahat at makikita nyo na sila, ipainom mo kaagad yan at ka pag natandaan na nila kung ano ang meron sa kanila, dalhin mo na silang lahat sa Charm University maliban sa kapatid mo. Dalhin mo lang sya doon ka pag nagagamit nya na ulit ang kanyang charm. Magiging delikado sa kanya kung hindi nya pa nagagamit ang kanyang charm ay nandoon na sya" -Evergreen.

"Okay. Nakuha ko na lahat. Paano kung magtanong sya?"

"Sigurado akong hindi sya magtatanong kung hindi nya na muna malalaman" -Pyro.

"May isa pa kong tanong. Bakit may libro na binabasa si Ember kung saan nakasulat ang buong istorya ng buhay nya at ni Zero? At ang nakakapagtaka pa sa libro na yon, kahit kailan, hindi ko to magawang hawakan dahil lagi akong nakukuryerte, kung hindi kuryente, agad akong napapaso"

"Sya at si Zero, may libro na ganon at binigay sa kanila yon ni Lord Shiva. Sila lang ang pwedeng gumamit at wala ng iba kaya may mga pagkakataon na nakukuryente at napapaso ang sino mang humawak doon" -Evergreen.

"May pagka-sira ulo rin si Shiva"

"Umpisahan mo na ang paghahanap sa kanila para madala mo na sila kaagad sa Charm University. Oras na magkita kayo ni Zero doon sa Charm Universiry, wag mo syang kakausapin dahil iba ang mangyayari Ford. May locket akong binigay sa kanya at kay Zero at laman ng locket na yon ang picture ni Ember at mamumukhaan nya ang kapatid mo oras na magkita kayo kaya naman mag-teleport ka na kaagad ka pag nagkita kayo. Iwasan mo syang makausap dahil kukulitin ka lang nya" -Evergreen.

"Ganon? Grabe naman di ba nakakalimutan ni Zero yung nararamdaman nya kay Ember?"

"Makalimot man ang utak, nandyan ang puso para makatanda" -Pyro.

"Aish. True love never dies. Totoo pala yon" sabi ko at tumayo na dala-dala yung gamot na binigay ni Evergreen.

"Babalik na rin kami ng Charm World. Magkita tayo doon Ford ka pag nakumpleto mo na silang lahat" sabi ni Head Pyro at silang Charm Council ay nawala na. Sumunod na rin si Evergreen.

"Tulungan na kitang hanapin sila Ford" sabi ni Nexus at tumayo na rin.

"Sige lang. Umpisahan natin sa mga lalaki"

"Kay Miller ka, kay Zander ako" pagkasabi nya non, agad akong nag-teleport paalis para hanapin si Miller.

Kawawa sila Ember at Zero. They forgot each other at mahaba pa ang panahon para matandaan nila ang isat-isa. Kaya biglang umiiyak at nalulungkot si Ember ka pag tumitingin sya sa langit, dahil second name ni Zero ay Sky at konektado yon sa langit. Naaawa ako sa kanya ka pag nakikita ko syang ganon. Di ko malaman kung anong pwede kong gawin para mabawasan yung lungkot nya kaya hinahayaan ko nalang.



***********************

Chaos BringerWhere stories live. Discover now