Chaos Bringer

7 1 0
                                    

ㅡIceㅡ

The day of the judgement has finally arrived. Araw ng paghahatol. Araw ng labanan. Araw ng digmaan. Digmaang laban sa lahat. Digmaan ng tao sa tao. Digmaan ng dyos sa dyos. Digmaan ng tao sa dyos.

"Psst. Puppy" pagtawag sa 'kin ni Sky. Lumapit naman ako agad sa kanya. Papunta na kasi kaming lahat ngayon sa Twilus. Sakay ako ng isang black eagle at sya naman, isang blue dragon ang sinasakyan at pareho kaming nakatayo habang lumilipad silang pareho.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang. About sa kahapon, doon sa Jeju"

"Napano ba?"

"Kasi ano, one lang kahapon di ba? Ewan ko para kasing nadadagdagan"

"Nice! Kasi ganon din ako, nadadagdagan sya eh kitten"

"Uhm so pa 'no 'to ngayon?"

"Wala, sabi mo nga, wag magmadali. Lets just enjoy the days and moments na magkasama tayo"

"Oh sige. Pero, lika dito!"

"Sabi mo yan" tumalon ako papunta sa dragon nya at nakitayo din doon. Pagharap ko sa kanya, bigla kong hinalikan. Nag-respond ako para mas maganda. First time kong mag-respond sa kiss nya kaya masasabi kong masarap sa feelings.

"Hoy! Tama na yan aba!" Awat sa 'min ni Leo kaya tumigil nga kami.

"Paki mo ba? Edi yang Death mo yung pagsawaan mo" I said and look at them. Nakakapit na naman si Leo sa likuran ni Death na parang koala.

"Wag mainit yung ulo" sabi ni Zero saka umakbay.

"Wow, makaakbay neh, close tayo?"

"Nagtatanong ka pa nyan neh, ikaw nga tong nag-respond kanina"

"Hmp!"

"Zero, Ember, nandito na tayo. We will make ourselves invisible" Death said and they surround the whole place. Matapos nilang palibutan, meron sa baba at merong lumilipad, nag-invisible mode agad silang lahat para hindi sila makita ng kalaban. We get down on the ground too and wait for the eclipse to occur.

"Kinakabahan ako Sky!!"

"Psh. Kiss ulit?"

"Ayaw na"

"Ayaw na daw. Ganda ng ring mo ah Ice, engaged ka na ba or kasal na?"

"Ito? Di ko nga alam kung kanino to galing eh pati tong locket di ko alam kung kanino o sino ang nagbigay sa 'kin"

"Locket? Patingin"

"Oh" and I show to him my locket. Hinawakan nya yon tapos may nilabas din sya sa leeg nya, natatakpan kasi ng damit nya eh, and that thing makes me shock! Pareho. Kami. Ng. Locket!!

"Where the same" he said and look at me.

"Uhm, oo nga. Saan mo galing yan?"

"Di ko matandaan saka yung singsing mo, look at this" sabi nya at pinakita rin sa 'kin yung singsing nya sa ring finger nya sa kaliwang kamay gaya ng sa 'kin.

"Aigo. Kasal ka na tapos nanghahalik ka!!"

"Hoy! Di pa ko kasal, di ko alam kung saan 'to galing, basta one day, I woke up with this ring on my ring finger and this locket hanging on my neck"

"Aroy, di daw"

"Di man nga. Bakit ba?"

"Wala lang. Sabihin mo agad kung kasal ka na noh"

"Kagalit nya aba. Alam mo ikaw yung gusto kongㅡ" naputol yung sasabihin nya ng biglang maglabasan yung kalaban namin sa harapan namin. Marami ang bilang nila na parang isang hukbong sandatahan na sila. Lahat sila naka-suot ng dark armor at may mga weapons silang hawak pero tingin ko ordinaryong mga weapon lang ang mga yon na nilagyan ng mga charms nila di gaya sa 'min.

Chaos BringerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant