He's So Sweet

5 1 0
                                    

As I back readed my story, napansin kong nakakaantok palang basahin hahaha. So thank you po sa mga patuloy na nagbabasa. Hehe. Thank you talaga.

ㅡIceㅡ

Ilang araw na kong walang tulog, ang laki na nga ng eye bags ko dyosme. Kasi naman, ilang araw at gabi na kong nakakaramdam ng kakaiba. Parang may matang laging nakatingin sa 'kin at ilang beses ko yon napatunayan. May sumusunod sa 'kin kahit saan ako magpunta. Nakikita ko yung anino nya tuwing tanghaling tapat na nakasunod sa 'kin at ka pag lilingon ako sa likod ko, mawawala sya bigla.

"Lord, may zombie apocalypse na ba Ember?" Tanong ni Justine. Pinapunta ko sya dito sa condo ko kanina, niyaya kong wag ng pumasok.

"Tumigil ka nga. Abutan mo nalang ako ng pepino" sabi ko na ginawa nya naman. Inabot nya sa 'kin yung isang bowl ng pepino at kumuha ako ng dalawang slice non at nilagay sa mata ko. May naka-ready din akong lemon na mabisang pangtanggal ng eye bags.

"Dyosme naman ano ba kasing nangyayari sa 'yo?" Tanong nya at nilapitan ako. Sya na mismo yung tumulong sa 'kin para ayusin yung pepino sa mata ko.

"Aish. Nakarating din" sabi ng isang lalaki. Tinaggal ko yung isang pepino at sinilip kung sino sya, si Miller lang pala at si Justine agad na tumakbo palapit sa kanya at naghalikan silang dalawa. Binalik ko yung pepino sa mata ko saka kumain ng ampalayang sariwa. Bitter ko kasi eh.

"Ai grabe, seryoso ampalayang sariwa?" Tanong ni Miller. Mapait sobra, ewan ko kung anong naisipan ko bakit ako kumakain ng ampalayang sariwa.

"Yung eye bags mo friend ang laki" sabi ni Justine na naupo sa tabi ko.

"Sisihin mo yung bwisit na lalaking sumusunod sa 'kin, di ko nga alam kung anong balak nya kaya every night naghe-hesitate ako dahil baka kung anong gawin nya sa 'kin" sabi ko at nai-imagine ko ang mga nangyari nitong nakaraang araw.

"Baka sya yon" sabi ni Miller.

"May alam ka? Sabihin mo sa lalaki na yon tigilan nya yung pagsunod nya sa 'kin baka ka mo mapatay ko sya lalo na't bad mood pa rin ako hanggang ngayon sa ginawa ni Jett"

"Alin ba? Yung pagbura nya nung picture nung guy?" Tanong ni Justine at ramdam ko ang pagtayo nya. Nagtutunugan naman yung mga kaldero sa kusina ko at alam kong si Miller yon. Sya lang naman kasi yung mahilig mangalkal eh.

"Oo. Nakakagalit sobra"

"Anyway. May kakaiba bang nangyayari sa 'yo this past days Ember? Yung tipong weird, yung weird gaya ng napapalutang mo yung mga gamit mo dito sa bahay" tanong sa 'kin ni Miller.

"Wala naman dapat ba may mangyaring ganon?"

"Di naman" 

"Hay grabe friend, yang buhok mo tignan mo, parang hindi ka naligo ng isang linggo, stress na stress din yang mukha mo. Kung umuwi ka muna kaya sa inyo, kila Kuya Ford?" Tanong ni Justine at tinanggal yung pepino sa mata ko. Sakit ng mata ko sobra pero mas masakit sa lalamunan yung pagkain ko ng ampalaya. Ang pait kaya. Napapangisi nalang ako dahil sa pait.

"Baka nga gawin ko yan. Konti nalang kasi baka mag-freak out na ko dahil sa mga hallucinations ko this past days"

"Saglit lang ah, may kakausapin lang ako sa labas" lumabas si Miller ng condo ko na pawang may kausap sa cellphone nya.

"Justine, this past days, napapansin ko ka pag pumapasok ako sa school wala kayo doon"

"Ah...ano.....m-may pinupuntahan lang kami. Tama, may pinupuntahan lang kami"

"Kahit bata hindi maniniwala sa palusot mo"

"Kumain ka na nga lang tapos maligo ka na, kailangan mong ayusin yang sarili mo pinapagalitan na kami ng stalkㅡ"

Chaos BringerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang