Its You!!

3 1 0
                                    

ㅡIceㅡ

Monday ng hapon. Walang pasok sa Silver Academy kaya naman ito, nakanganga sa condo ko ng maisipan kong umakyat sa bubong.

Nagdala ko ng maraming chocolate saka sting pati na rin si Sky! I mean yung teddy bear na kulay black, pinangalanan ko kasi syang Sky. Pag-akyat ko sa bubong, umupo ako dito saka sinimulang kumain ng chocolate.

"Sarap ng chocolate!" Sabi ko at naisipang humiga sa bubong. Inunan ko yung teddy bear ko at nung oras na mapatingin ako sa langit, bigla kong nabitawan yung chocolate at natigilan ako sa pagkain. Nalungkot akong bigla sa di ko malamang dahilan. Sobrang lungkot ko at nalaman ko nalang na umiiyak na pala ako.

Ganito ko lagi, ka pag aksidente kong napapatingin sa langit bigla nalang akong maiiyak at hindi ko alam kung bakit.

"Oi girl, umiiyak ka na naman!" Sabi ni Justine at tumabi sa 'kin. Nakilala ko sya sa Silver Academy. Close kami agad.

"Sorry, I cant hold but to cry. Lagi nalang"

"Sus, naalala mo lang siguro si ano"

"Sino?"

"Ah wala. Wag mo ng alamin. Wag ka na lang tumingin sa langit"

"I cant. Parang hinahatak ako ng langit eh"

"Aish. Edi kayo na ang soulmate!"

"Huh? Nino ba? Kanina pa yan ah"

"Wala nga. Si Miller di ko pa makita hanggang ngayon, pinupuntahan ko sa bahay nila lagi namang wala nakakainis!"

"Sino si Miller?"

"Soulmate ko bakit?"

"Buti pa ikaw meron"

"Meron ka din. Love na love ka nga non eh loko tapos may plano na kayong magpakasal ka pag 21 na kayo"

"Sino nga? May papakasalan ako tapos di ko naman kilala"

"Soon enough Ember. Una na ko, mukhang nandyan na sila" she said and hopped off the roof.

"Hay! Grabe bakit ba ko umiiyak?!" Asar kong tanong sa sarili ko dahil nakakainis na rin.

Hanggang sa narinig kong maingay na yung kabilang condo, yung sa kanan ng condo ko at ngayon lang may ingay na nangyari doon. Its their business. Wala kong paki sa kanila.

"Tsk!" Asar kong sabi saka binuksan na naman yung locket ko at tinitigan yung picture nung lalaki sa locket ko. I dont know him pero nandito yung picture nya. I tried to asked it on my Kuya Ford but his always answering me like, "Soon enough you will know him". Ridiculous.

Kinuha ko naman yung crystal saka tinitigan yon. Tinapat ko sya sa araw at nakita kong may way para buksan yon so I search for it. Ng hawakan ko yung top ng crystal nawala yon bigla at nalaglag sa kamay ko yung isang golden rolled paper. Gliterry sya at nung buksan ko, naglalaman yon ng letter.

'Dear Ember,

Sa buhay ng mga tao, may isang bagay o tao na dumarating. Darating sila para magpasaya at magbigay buhay muli sa 'tin. Dumarating na ang iba, ay umaalis din. Sa lahat ng pagkakataon, yun ang nangyayari may darating at may mawawala pero sa pagkawala nila ay ang pagdating ng panibago.

I know you wont remember me at this moment. I am Evergreen. Take care of yourself, malapit na tayong magkita ulit at magkikita na rin kayo ni Zero. Time passes so fast na halos hindi na natin mamalayan. Nakalimutan mo kung anong meron sa 'yo pero may mga kaibigan kang nandyan para ipaalala sa 'yo lahat ng yon isa na ron si Justine. Unti-unti maaalala mo rin ang lahat maliban sa iyong special ability. Sa muling pagkikita natin, sigurado akong naalala mo na lahat at tutulungan kita sa pagalala pa sa iba. Be brave and strong Ember. Right time is coming'

Chaos BringerWhere stories live. Discover now