Overpowered

5 1 0
                                    


[Eagle]

"Zekrus, I summon you and show your dragon form to me. Samahan mo kami para sugurin ang mga taga Labyrinth Academy. Oras na Zekrus" wika ko sa tapat ng itim na libro. It glows brightly and later on, isang dragon na ang kaharap ko.

"Eagle, tinawag mo na naman ako" sabi nito.

"Hinihingi ko lang ang tulong mo Zekrus, samahan mo ko, kami sa pagsugod sa Labyrinth Academy. This is the right time to overpower the whole Charm World"

"Sa tingin ko Eagle, wala kang laban sa kanila. Tinulungan sila ni Viel, pinalakas lahat ng mag-aaral sa Labyrinth Academy ng sampong beses kaya wala ka ng magagawa. Bakit hindi mo muna unahin ang nakakataas?"

"Ang King and Queen. Tama ka nga. Ka pag nakuha ko ang trono, I can do whatever I want"

"Bobo! Tingin mo matatalo mo sila? Hindi sila nilagay sa pwesto nila ng wala lang. Unahin mo ang council, sugurin mo sila, paluhurin lahat sa 'yo at sabihin mo kay Detron na hirangin ka bilang bagong head ng council. Malaki ang chansa mo, isama mo lang ang dalawa mong tauhan. Dalawang tao na may kapagyarihan na kabilang sa Lost Charms, ang metal dragon slayer at ang shadow dragon slayer ng grupo mo. Sayang at wala kang nullificator, kung meron, walang isang segundo, kinikoronahan ka na bilang bagong head ng council"


"Pero, ang black book, may spell doon na kayang magbigay ng charm na nullification"


"Pero sampong minuto lang ang itatagal non"


"Mas maganda na kung ganon lang din naman. Bibigkasin ko ang spell ka pag nasa loob na tayo ng Lychnus"


"Paghandain mo na ang dalawa, maghihintay ako dito" sabi nito at biglang nag-anyong tao. Isang lalaking pure black ang suot. I nodded and get out of my office to call the two dragon slayer.


"Nova, Void, kayo ang sasama sa 'kin papunta sa Lychnus, susugurin natin sila. Sabihin nyo kay Vanessa, umalis na doon dahil baka madamay pa sya" sabi ko sa kanilang dalawa.


"Sige po Master Eagle. Void, lets go" sabi ni Nova at tumakbo sila papunta sa isang direction para kausapin ang isang tao na may kakayahang mag-communicate sa iba. Bumalik ako sa kwarto kung nasaan ang Zekrus pero dalawa na sila ngayon dito. Lalaki rin sya pero puting-puti ang suot na damit. Naguusap sila gamit ang ibang lengwahe kaya di ko maintindihan. Ng makita nila ko, biglang may tumulak sa 'king isang pwersa that cause para mapalabas ako sa pinto at sumarado yon bigla.


"Whos that?" I asked. Minutes of waiting bumukas na yung pinto kaya naman pumasok na ko kasama nila Void at Nova dahil sa paghihintay ko na yon, naabutan na nila ko dito sa labas. Pagpasok namin wala na yung nakaputi kanina.


"Zekrus, sino ang kausap mo kanina?" Tanong ko.


"Si Reshirus. Di ko alam kung bakit sya nandito. Sila na ba yon? Kung oo tara na"


"Ito na sila. Void and Nova, sasalakay tayo sa Lychnus, alam nyo namang mahirap makapasok doon kaya naman paglitaw na paglitaw natin sa loob, wag kayong magaatubili na igapos agad silang lahat. Zekrus ngayon na" I said and he become a dragon again. Tapos yung pakpak nya biglang humaba at binalot kami non. Ilang segundo lang pinakawalan nya na kami at nandito na nga kami sa loob ng Lychnus.


"Ngayon na! Metallon!" Sabi ni Nova at lumabas ang guardian ng metal na isang dragon, silvery na dragon at agad nilang inatake ang buong council, hindi sila makapalag dahil nilalabanan na rin sila ni Void na isang shadow dragon slayer.


Chaos BringerWhere stories live. Discover now