Special Chapter: Christmas

7 1 0
                                    

Merry Christmas guys!! Isa na 'to sa special chapters na sinasabi ko. Sana magustuhan nyo. I will mark this story finished soon enough...

***


[Ice]

Planado na ang lahat para sa gagawin ko ngayong December 24, bispiras ng pasko. Bumili ako ng bulaklak sa isang flower shop for him.


"Salamat po" sabi ko at naglakad para sana bumalik muna sa bahay ng naglalakad lang pero yun nga, nagutom ako kaya dumaan muna ko sa isang mall at kumuha lang ng dalawang boxes of Ferrero.


"Paki-punch na po Ate" sabi ko sa babae dito sa counter. She punched it and I paid it immediately at lumabas na ko agad ng mall.


"Hay Sky, Sky, Sky. Moved on na ko sana wag kang magalit pero wala ka pa ring kapalit at wala kong plano" sabi ko habang naglalakad ng may makita kong kakaiba sa kaliwa ko. I stopped and take a nice look at it. Isang lalaki na pasakay na ng kotse nya. May suot na black shades at nakataas ang buhok, shit ang gwapo pero bigla ko nalang naramdaman na yung luha ko, tumutulo na at nalaglag nalang sa lupa lahat ng binili ko.


"S-SKY!! SKY! SAGLIT LANG!" Sigaw ko saka ko patakbong lumapit sa kanya at niyakap ko sya agad ng mahigpit habang patuloy pa rin sa pagiyak.


"Sky? Huh? Lil brother ko si Sky, ako si Vortex, kuya ni Sky" sabi nya kaya bigla akong napakawala sa kanya.


"Sorry" saka ko pinunasan yung luha ko.


Ngumiti sya. Pero paanong hindi sya si Sky eh kamukhang-kamukha nya si Sky. "Okay lang, marami ring nagkakamali na ako si Sky kasi di nila alam na may kapatid pa pala si Sky at ako yon na kamukhang-kamukha nya pero ako si Vortex. Galing akong America at umuwi para dito mag-pasko. Dadalawin ko rin si Sky ngayon, gusto mong sumama na?"


"Sige salamat. Doon din naman ako papunta. Sorry for my attitude before" I said. Pinagbuksan nya ko ng pinto sa shotgun seat at pumasok sya sa drivers seat at nag-drive na paalis.


"Okay lang Ice. Sorry" sabi nya na ikinabigla ko.


"Sorry? B-bakit Vortex?" Tanong ko.


"Ah wala. Miss mo na sya noh?"


"Oo, sobra-sobra. Sayang nga dahil magpapasko ako wala sya. Balak ko pa naman daw sana na ngayong pasko, magkasama kami ng magno-noche buena"


"Mm. Dont worry. Mahal mo pa rin ba sya?"


"Mahal na mahal Vortex. Sobra-sobra pa. Nakakainis nga dahil iniwan ako agad ng mokong eh"


"Ako, di ba pwede for you? Since kamukha ko naman sya"


"Vortex nako di pwede, the one sya para sa 'kin eh" when the car suddenly stop at bigla syang bumaba ng kotse.


"Tara dito sa labas" sabi nya dahil nakarating na kami ng park. I go down and follow him at Sky's tomb. Tumayo ako sa tapat non.


"Hi Sky! Di mo sinasabi may Kuya ka pala na kamukha mo. Alam mo ba Sky, dami kong nakikilalang mga lalaki sa loob ng limang buwan pero ni isa sa kanila, I dont entertained. Ikaw lang kasi eh" sabi ko ng bigla kong yakapin ni Vortex mula sa likod. Nakapalubot sa may leeg ko ang dalawa nyang kamay at nakapatong sa balikat ko ang baba nya and he is sobbing.


"Hi din Ice. Miss na miss kita. Salamat di mo ko pinagpalit sa loob ng limang huwan na yon. Mahal na mahal kita at di ko kayang iwan ka. Sorry, sorry kasi iniwan kita ng walang paalam. Ice, jusko miss na miss kita" bigla nyang sabi kaya naman tumulo nalang bigla yung luha ko.


Chaos BringerHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin