KABANATA 5: MAGAGANDANG PANAGINIP AT ANG GABI NG DUGON

1.6K 64 0
                                    



PAGSAPIT NG alas dose ng gabi, gustong-gusto ni Alangkaw na pagmasdan ang kanyang dibdib na nagniningning. Pagkatapos ay marahan niyang ipipikit ang kanyang mga mata. Nalalaman niyang sa ilang sandali lamang ay mananaginip siyang muli.

Sa mga panaginip ni Alangkaw—sa isang napakagandang hardin, laging naroon si Liliw na kanyang ina. Nakikita niyang magkasama silang naglalakad. Minsan ay ipinaghehele pa. Para siyang batang sanggol na maligayang-maligaya sa piling ni Liliw.

Iba-ibang magagandangtagpo ang naranasan ni Alangkaw na noon lamang niya nakita at naranasan sa piling ng kanang inang si Liliw. Magagandang tagpo ang gabi-gabing napapaniginipan ni Alangkaw, kaya minsan naisip niyang huwag na lang sanang magising.

Sa pamamagitan ng kanyang panaginip, nakakasama niya ang kanyang ina. Sa kanyang panaginip nararamdaman niya ang tunay na pagmamahal.

Ngayong gabi, tulad ng ibang mga gabing nagdaan, nakangiti siyang natutulog. Kasi'y nakikita niya si Liliw na nakayakap sa kanya at kinukuwentuhan ng magagandang istorya.

"Mahal kita, Alangkaw. Hindi kita iiwan. Kahit na nawala ako sa paningin mo, narito lang ako sa tabi mo. Kasama niyo ako ng kapatid mo," malumanay na sabi sa kanya ni Liliw.

Sa kanyang mga panaginip, tinitingnan niyang mabuti ang kanyang ina. Naroon ang maamo at nagniningning na mukha nito. Sa kanyang panaginip, damang-dama niya ang pagmamahal ng isang ina. Alam niyang ipinagkait sa kanya iyon ng tadhana kaya gusto niyang namnamin ang bawat sandali kahit sa panaginip lang nararanasan. Kaya wala siyang ibang hinintay kundi ang paggsising niya tuwing lumiwanag ang kanyang dibdib, dahil sa pagpikit ng mga mata at sa kanyang pagtulog, itong magagandang panaginip na ito ang kanyang matatagpuan at mararansan.

Niyakap si Alangkaw ni Liliw. Pero nang gaganti na sana si Alangkaw sa yakap ng ina, may gumulo sa kanyang isipan. Biglang nagbukas ang kanyang mga mata.

Sa kanyang silid, nakita niya ang isang manananggal na lilipad-lipad na may mukhang halimaw.

"Hasmin!"

Akmang lulusubin siya ni Hasmin nang bigla niya itong hinampas sa pamamagitan ng kanyang unan.

"Ahhhh..." Humalinghing si Hasmin.

Hinawakan ni Hasmin ang kanyang lalamunan. Hayok na hayok ito at gustong lusubin si Alangkaw para lapain pero pilit na pininipigilan ang sarili.

Tumingin si Alangkaw sa bintana at nakita niya ang bilog at napakapulang buwan. Nanlaki ang mga mata nito at gulat na gulat. "Gabi ng dugon!"

Dagling tumayo si Alangkaw. Pinagmasdan si Hasmin. Lilipad-lipad ito sa loob ng kanyang kuwarto sa pamamagitan ng maiitim nitong mga pakpak. Kitang-kita niya ang mahahaba at matutulis nitong kuko, mahahabang pangil, at mabalahibong mukha. Naisip niya, na kaya naroon ito'y gusto siyang gisingin, hindi paralapain at patayin. Na gustong sabihing gabi ng dugon at kailangan ng saklolo ng mga tibaro.

"Ahhh... Alangkaw... Alangkaw... Tulungan mo kami..." Kasabay noo'y itinuro ni Hasmin ang nangyayarisa labas ng bintana ng kanyang palasyo—ang gabi ng dugon!

Dagling nag-iba ng anyo si Alangkaw—isang matikas na lalaki, maitim ang kabuuan. May dalawang malalapad pakpak.

Nagtungo si Alangkaw sa terasa at doon nakita niya sa kalawakan ang mga aswang nanagpapalit-palit ng anyo at naglalapaan. May mga mukhang ahas na may mga pakpak. Mayroon ding malalaking ibon na may malalaking tuka atnanlilisik ang mga mata. Lahat ng mga ito'y mababangis na halimaw. Naroon din ang mga mananaggal na may mukhang halimaw, may malalapad, mabalahibong pakpak na kulay itim, mahahaba, matutulis na mga kuko, at may mga pangil. Lahat sila ay nilulusob ang isa't isa dala nang matinding gutom—hayok na hayok sa laman—kinakain at nilalapa ang mga biktima!

Moymoy Lulumboy Book 3 Ang Paghahanap kay Inay  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon