If Ever You're In My Arms Again

9.6K 119 1
                                    

Alas-sais na ng umaga ngunit pupungas-pungas pa rin si Jhemy. Matatapos na ang bakasyon kaya mag-eenrol na siya sa araw na iyon. Nagmamadali siyang maligo dahil may usapan sila ng kaibigan niyang si Trizh na sabay silang pupunta sa paaralan para may kakuwentuhan ang isa’t-isa habang nakapila. Napagkasunduan nilang agahan ang pagtungo roon para makapamasyal pa sila sa mall ng Trinidad—ang katabing siyudad ng bayan nilang Victoria.

“’Nay, gagala muna kami ni Trizh sa TCM ha? Baka mamayang hapon na ako umuwi, pero hindi po ako magpapagabi, promise!” paalam niya sa nanay niya nang paalis na siya. Kailangan niyang mangako dito na hindi na siya magpapagabi dahil ilang beses na siyang na-bad shot dito. Lagi kasi siyang ginagabi kapag pumupunta siya sa lugar nina Trizh lalo na tuwing piyesta.

“O, siya basta mag-iingat kayo. Si Trizhiel lang ba ang kasama mo?” Tanong nito habang kumukuha ng pera sa pitaka.

Tumango siya. “Baka po sumama rin sina Aya at Dan. Bahala na.”

Inabutan siya nito ng ilang pirasong perang papel. “Heto, bumili ka na ng mga gamit mo sa school. Hindi na kita sasamahan dahil kasama mo naman pala si Trizhiel. Naku, sumasakit lang ang binti ko sa kalalakad sa mall!”

“Sige po ‘Nay, aalis na’ko! Thank you dito! I’ll keep the change!”

Sumakay siya ng tricycle papunta sa kabilang barangay kung saan nakatira si Trizh. Ngunit nasa kanto pa lamang ay bumaba na siya dahil gusto niyang makita si Ryme. Kung si Aya ang girl bestfriend niya, ito naman ang boy bestfriend. Pinsan ito ni Trizh at mas matanda sa kanila ng apat na taon.

Pagtapat niya sa bahay nina Ryme ay saglit siyang huminto. Nasa garahe ang kotse ng daddy ni Ryme, pati ang Ducati bike ng kuya nito. Wala siyang nakitang tao sa labas kaya kahit may kaunting pagtataka ay umalis na lang siya.

“O, ang aga mo ah!” bati sa kanya ni Trizh nang mapagbuksan siya nito ng pinto. Bahagya pa itong nagulat pagkakita sa kanya.

“Sabi mo agahan ko!” Tumawa lang ito. “Nasaan nga pala sina Tita?”

“Naku, sama-sama sina Nanay, Tatay at JP na pumunta sa airport! Talagang natiis nila na hindi ako kasama,” himutok nito.

“Bakit naman sila pupunta sa airport?”

Tila naging uneasy ito sa tanong niya. “Ah, eh, k-kuwan…ano, maghahatid ng kamag-anak! Oo ‘yon nga!”

Hindi niya napigilan na magtaas ng kilay sa ikinikilos nito. Lagi itong kalmado at tipong hindi sisigaw man lang kahit may magbagsak ng atomic bomb sa harap nito. Ngunit ngayon, nababalisa ito dahil lang sa simpleng tanong niya?

I smell something fishy here. “So, sinong kamag-anak iyon? Kamag-anak rin ba iyon nina Ryme?” pakikisakay niya sa sinabi nito.

“Hindi! Naku, hindi kilala ni pinsan ‘yon! Malabo!”

Huminga siya ng malalim. Fishy, indeed. “Ah okay. So malamang, hindi ko rin kilala. Halika na, umalis na tayo para eksaktong alas-siyete ay nasa university na tayo,” yaya niya rito. Kapag enrollment period sa SAU ay unahan sa pagpila ng maaga ang mga estudyante, iyon ang sabi sa kanya ng kapitbahay nilang nag-aaral doon. Kahit pribadong paaralan iyon ay isang linggo lamang ang inilalaan para magparehistro. Siguradong marami na kaagad na nakapila pagdating nila roon.

“Mamaya na lang tayo umalis, manood muna tayo ng TV. Nagluto si Nanay ng maja blanca kagabi, tikman muna natin,” pigil nito.

Pinamaywangan niya ito. “Aba, pinapunta mo ako dito ng maaga, ‘tapos hindi tayo kaagad aalis? Naku, hindi pwede ‘yan! May lakad pa tayo mamaya, remember?”

If Ever You're In My Arms AgainWhere stories live. Discover now