Chapter 2

4.4K 102 12
                                    

Kauuwi lamang ni Jhemy sa townhouse niya sa Trinidad galing sa bar. Kung may makakakita sa kanya sa mga sandaling iyon ay iisipin na nasisiraan na siya ng bait. Bumaba siya sa kotse at binuksan ang gate kahit na magulo ang kanyang buhok, may suka ang kanyang damit at nakayapak pa siya! Madaling-araw na kaya ligtas siya sa mga mapanuring mata ng kanyang mga kapitbahay. Ano na lang ang iisipin ng mga ito kapag ang respetadong doktor na katulad niya ay nahuli ng mga itong lasing?

Pagpasok na pagpasok sa loob ng bahay ay agad niyang pinakinggan ang mga voice messages na iniwan sa kanya ng mga caller sa telepono at cellphone. Lahat ng tawag sa cellphone na hindi niya nasasagot ay naka-divert din sa telepono niya sa bahay. Iniwan niya ang cellphone niya sa bahay para walang makaabala sa binalak niyang “pagwawala.”

Ang mga mensahe ay galing sa assistant niya, kay Kendrew, at sa mga kaibigan niyang sina Trizh, Kass at Aya.

Ang sabi ni Trizh ay sa isang buwan daw uuwi si Ryme. That means that she only has a month to prepare for battle. She shivered. Binuksan niya ang sunod na voicemail. Ang nakakairitang demand ni Aya ang sumunod na narinig niya. Sinabi nito na huwag daw siyang lalapit kay Kendrew dahil paluluhain lang siya nito. Pinigil niya ang sarili na tawagan si Aya at sabihin na huwag nang makialam.

Ang sunod ay si Kendrew na kinukumpirma kung tuloy sila. Nami-miss na raw siya nito. Ang panghuli ay galing sa assistant niya. Nailipat na umano nito sa kaibigan niyang doktor ang mga pasyente niya. Biniro pa siya nito tungkol sa pasalubong.

Inisip niyang mabuti kung kanino unang magre-return call. Sa huli ay minabuti niyang maligo at mag-empake ng mga damit. Pagkakataon na niya na makaiwas kay Ryme.

Ipinilig niya ang ulo sa mga isiping iyon. Ang mahalaga ay makapagbakasyon siya. Kailangan niyang mag-isip ng solusyon sa mga problema niya. Kendrew is somehow offering her an escape. She needs to unwind. And to hide. For the meantime.

"You know what, girl? You are so lucky to have Kendrew," komento ni Trizh habang nag-iikot sila sa mall. Niyaya niya ito na samahan siyang mamili ng mga gamit na dadalhin niya sa bakasyon nila ni Kendrew.

"Biruin mo, niyaya ka niyang sumama sa cruise. Isn't that romantic?" kinikilig na sabi nito.

"I don't think so. Hindi ako swerte sa kanya, dahil ang totoo ay manloloko siya!"

Halatang naguluhan ito. Ibinaba nito ang sinisipat na one-piece swimsuit saka siya hinarap. "Ano ba ang sinasabi mo?"

"Sinabi sa'kin ni Aya na layuan ko si Kendrew. Guess what? Nalaman ko na magpapakasal na pala siya!"

"Really? Hindi ko inakala na lolokohin ka ni Ken. Ibig kong sabihin, wala sa itsura niya ang pagiging manloloko."

Napabuntong-hininga siya. "Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. I mean, he's not even a playboy! Pero walang dahilan si Aya para magsinungaling."

Mula pa pagkabata ay magkakilala na sina Ken at Aya. Ninong ni Ken ang papa ni Aya at doon nakatira ang binata sa bahay ng mga Madrid. Kung may nakakaalam ng mga kilos ni Ken ng higit sa kanya ay si Aya iyon. Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit hindi sinabi ni Aya kung sino ang babaeng pakakasalan ni Ken.

“Teka nga, Jhemy, may ipinagtataka lang ako,” ani Trizh. “Ang sabi mo, manloloko si Ken. Pero bakit sasama ka pa rin sa kanya sa cruise? Nababaliw ka na ba?”

“Ako? Sa lahat ng tao, ako ang huling magpapakabaliw sa pag-ibig. Alam mo ‘yan,” kalmadong sagot niya. Ngunit pareho nilang alam kung ano ang ibig niyang sabihin. She doesn’t want to get hurt again after Ryme betrayed her.

If Ever You're In My Arms AgainWhere stories live. Discover now