Chapter 10

3.3K 85 1
                                    

She ran away without even saying goodbye. She badly needs to see Ryme. She started the car and made a sharp reverse on the garage. Muntik nang sumagi sa fountain ang bumper ng kotse niya pero hindi na niya pinansin iyon. Dapat ay magmadali siya. Paano na lang kung umalis doon si Ryme? Susundan niya ito kahit sa Berlin. Pero mas mabuti kung hindi na sila umabot doon at dito pa lang ay magkausap na sila.

Paglabas niya sa subdivision nina Aya ay dumiretso siya sa plaza ng Trinidad. Sa kabila ng plaza ang highway papuntang Victoria. Unti-unting naubos ang pasensya niya sa trapiko. Lunch break kasi kaya maraming tao sa labas at sa mga kalsada. Pagdaan niya sa simbahan ay napakarami pang estudyante na tumatawid mula sa Catholic school na malapit doon. Maging ang mga empleyado ng City Hall ay namataan din niyang naglalakad.

“Sana lang, hindi pa huli kapag dumating ako sa bahay n’yo,” pagkausap niya sa larawan ni Ryme na naka-display sa dashboard ng kotse niya.

Nang maging berde ang ilaw ng traffic lights ay pinaharurot kaagad niya ang kanyang kotse. Hindi pala magandang ideya iyon dahil nasa intersection na siya nang may tumawid na pusa. Kinabig niya pakaliwa ang manibela ng kotse kaya bumanga siya sa pader ng isang maliit na pabrika. Dahil mabilis ang pagpapatakbo niya ay malakas din tuloy ang impact ng pagkakabangga niya. Dinig na dinig niya ang malakas na kalabog.

“Oh God…” Sapo niya ang dibdib. Pakiramdam niya ay nasa lalamunan na niya ang kanyang puso dahil sa lakas ng tibok niyon. Kung doon siya sumalpok sa gasolinahan na malapit sa pabrika, malamang ay nagliliyab na ngayon ang kotse niya…pati siya.

“Ma’am? Ma’am ayos lang po ba kayo?” tanong ng guwardiya ng pabrika na hindi niya namalayang nakalapit na pala.

Bumaba siya ng kotse, pero kumapit pa rin siya sa bubong niyon. Nanghihina siya at ninenerbiyos pa rin ng kaunti. “A-Ayos lang po ako, Manong. P-Pasensiya na po, ha? Hindi ko po tatakbuhan ang naperhwisyo ko.”

“Hindi po ba kayo nasaktan?” tanong ng guwardiya. Ngumiti siya ng pilit saka umiling. “Ayos lang po. Pero ang kotse ko…” Nabasag ang side mirror niya, maging ang isang headlight. Bahagya pang nakaangat ang engine cover ng kotse. Mabuti na lang at hindi umuusok iyon.

Tinawagan niya ang kaibigan niyang si Kass. Iyon ang unang pumasok sa isipan niya. “K-Kass, it’s me,” aniya.

“Hey friend! Anong meron?”

“A-Aksidente,” aniya. “Pwede bang pumunta ka rito sa—” Tiningnan niya ang karatula na nasa itaas ng gate. “—Martini’s? Para siyang factory na malapit sa Caltex. Nabangga ko ang gate nila. Kailangan ko ng abogado. I-I really can’t sort out this mess now.”

“Oh my God. Mabuti na lang at nandito lang ako sa mall. Hang on there. I’ll be there in fifteen.”

Pakiramdam niya ay napakatagal bago dumating ni Kass. Habang wala pa ang kaibigan ay tinawagan niya si Kendrew. Sinabi niya rito na naaksidente siya at nabangga ang kotse niya, pero hindi na siya nagdetalye.

Pagdating ni Kass ay sakto namang lumabas ang galit na galit na may-ari ng Martini’s. Ang akala niya ay pabrika iyon pero warehouse pala iyon ng mga inumin na gaya ng alak.

“Hindi nga niya sinadya, ang kulit mo!” sigaw ni Kass. “Palagay mo, ibabangga niya ang BMW niya para lang magpapansin sa’yo?”

“I don’t care. I will still sue your friend for reckless driving!”

“Aba’t—”

“Hayaan mo na, Kass, para matapos na ‘to. Kailangan ko na kasi talagang umalis,” sabi niya.

“Teka, saan ka pupunta? Uupakan ko pa ‘tong aroganteng ‘to eh!” anito sabay turo sa may-ari ng warehouse.

“I need to find my…my boyfriend. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya at pakikiusapan ko siya na ‘wag akong iwan. I-I badly need to go.” Nakanganga lamang sa kanya sina Kass, ang guwardiya at ang may-ari ng warehouse. Sinamantala niya iyon para makaalis na sa lugar na iyon. Bahala na si Kass na makipag-argumento sa may-ari ng warehouse.

If Ever You're In My Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon