Chapter 7

2.6K 66 1
                                    

“Trizh.”

Pilit siyang ngumiti sa kaibigan na nagdilim ang ekspresyon nang lumapit siya. Alam niya na natural lang para rito ang magalit, dahil pinsan ito ni Ryme at hindi niya ito natawagan nang makabalik siya ng Trinidad. Marahil ay si Dan o si Kat ang nakapagsabi na naroon siya sa bahay nina Aya.

“Dumaan lang ako para ibigay sa’yo ‘to.” Iniabot nito sa kanya ang isang sobre na kulay dilaw na may nakasulat na Confidential sa ibabaw. Hindi pa man nagsasalita si Trizh ay alam na niya kung kanino nanggaling iyon.

“Ano ba talaga ang nangyari?” tanong nito. “One minute ang you’re going to cruise with Kendrew, and the next you’re with Kuya Ryme! Pareho pa kayong wala sa sarili. Sampung taon kaming hindi nagkita ng pinsan ko, at malalaman ko na kaya lang niya ako pinuntahan ay para ibigay sa’yo ‘yang sobreng ‘yan?”

“Trizh—”

“Do not ‘Trizh’ me, Jeremyah! Wala akong alam sa mga nangyari, at wala akong karapatan na manghimasok sa problema n’yong dalawa. Pero pwede ba, ayusin n’yo na ang problema n’yo? Alam kong nasaktan ka noon, at kung ako ang iniwan ng bestfriend ko, gano’n din ang mararamdaman ko. Pero hindi lang ikaw ang nasaktan, Jeremyah. I can clearly see the pain etched on my cousin’s face! Siguro ay nagsisisi na siya, o baka gusto lang niyang bumawi sa’yo. The point is, give him a chance. Kahit hindi ka magsalita, alam ko na mahal mo pa rin siya, kaya bakit mo pa pinahhirapan ang sarili mo?” Hindi na nito hinintay pa ang sagot niya. Basta na lang itong tumakbo palabas ng bahay nina Aya. Their ten-year silent dispute caused a lot of problems not just to the two of them, but also to their friends. Nadamay si Kendrew. Nadamay si Aya. Nasaktan si Trizh. Sino pa ang susunod?

“Give me a reason to stay. Tell me why you left ten years ago. Baka mapag-isip-isip ko na may maganda kang dahilan kung bakit ka umalis, at kung bakit dapat akong magtiwala na hindi mo na ulit gagawin ‘yon.”

“I…I can’t.”

What’s more heartbreaking than hearing that the love of your life cannot give you a reason to stay?

Hindi na siya nag-abala pang habulin si Trizh. Siguro ay mas mabuti na hayaan muna niya ito. Kung ngayon niya ito kakausuapin ay hindi lamang sila magkakaintindihan at baka mag-away pa sila. Naupo siyang muli sa sofa saka binuksan ang padala ni Ryme. Napakunot-noo siya. Ang nakasulat lamang sa papel na nasa loob niyon ay ang pangalan ng ama nito. Ayon doon ay darating ito sa bansa sa susunod na linggo, maging ang hotel na tutuluyan nito at ang address ng mga opisina nito sa Manila at Makati. Naalala niya ang pinag-usapan nila noon ni Ryme. Sinabi niya rito na nais niyang malaman kung sino ang benefactor niya, na si Tito Fritz lang ang nakakaalam. Posible ba na ipinadala iyon ni Ryme dahil nais din nito na malaman niya at makilala ang benefactor niya?

Biyernes pa lamang ngayon, at kung ang nakasaad sa sulat ay Martes darating ang ama ni Ryme, ibig sabihin ay marami pa siyang oras para ayusin ang ilang bagay bago makipagkita rito.

Kahit nakabukas na ang pinto ng library ay kumatok pa rin siya. Ngumiti si Don Leon pagkakita sa kanya. Sinenyasan siya nito na lumapit at pinaupo siya sa silya na nasa harap ng desk nito. Hinubad nito ang suot na reading glasses at itinabi ang ilang papeles saka siya hinarap. “How are you, hija?”

She smiled sardonically. “Well, I looked better than I feel.”

Tumawa lamang ang matanda ngunit alam niyang alam nito ang sinasabi niya. And what’s better response than laughing?

“Really, Tito Leon, I’m very grateful for your hospitality. I don’t want to impose on you, but I think this is the perfect spot for a hideaway,” aniya. “As you already know, certain paparazzis are hot on my heels these days because of certain, uhm…reasons.”

If Ever You're In My Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon