Chapter 9

2.7K 77 2
                                    

September 26, 2009

Mein lieber,

Kamusta ka na? Ilang beses ko na itong hinihiling sa Diyos, pero hihilingin ko ulit. Sana, sana, sana ay sagutin mo na ang sulat ko. Alam kong abala ka sa Med school, kaya hindi na kita pipilitin na sagutin ito. Pero wala namang masama na humiling, di ba?

By the way, I won the solo piano competition I was talking about on my last letter. Grand champion ako, Jeremyah! Natuwa ang mga judges sa rendition ko ng Etude Op. No. 3 in E major ni Chopin. Biruin mo, nagustuhan nila? Nahihiya talaga ako kay Papa, pero ipina-record ko sa kanya ang performance ko para may pagkakataon ka na marinig ‘yon kung sakali. Alam mo ba, ikaw ang nasa isip ko habang tumutugtog ako? Kasi, alam kong paborito mo ang musical piece na iyon. As usual, ikaw na naman ang nagpapanalo sa’kin.

Isa pa nga pala, dahil sa pagkapanalo ko ay natuwa sa’kin ang mga professors ko. Ang sabi nila, pinag-iisipan nila na bigyan ako ng solo number sa Year-end recital ng university. Masayang-masaya ako. Gusto ko nga na tumugtog na lang lagi, para makalimutan ko ang tagal ng panahon na nakakulong lang ako sa ospital. Minsan, naiisip ko kung babalik pa ba ako sa lugar na iyon. Sa totoo lang, ayoko na. Baka hindi ko na kayanin pa sa susunod. Gusto ko nang magtuluy-tuloy sa pag-aaral para makabalik na ako r’yan.

Lagi kong ipinapanalangin na sana, ‘wag nang bumalik ang sakit ko. Sana, habangbuhay na akong magaling para makabalik na ako agad sa’yo…

Naroon siya sa bahay nila sa Victoria. Nagpasya siyang umuwi roon dahil ang balak niya ay buksan ang mga sulat na ipinadala sa kanya ni Ryme noon. Gusto niyang magkaroon ng ideya tungkol sa mga lugar na maaaring puntahan ni Ryme. Alam niyang hindi pa ito nakakabalik sa Berlin. Pero wala rin ito sa Manila o sa kahit anong lugar na malapit. Si Kendrew ay hindi naman mahagilap kung nasaan. Bigla na lang itong nawala tulad ni Ryme.

Galit na galit si Don Leon kay Kendrew dahil laging iyak ng iyak si Aya. At ipinapahanap na nito ang binata para komprontahin, at para malaman na nila kung nasaan si Ryme. Pero habang wala pang resulta ang paghahanap kay Kendrew ay nagbabasa muna siya ng mga sulat ni Ryme.

May 17, 2004

Jeremyah,

Masakit ang katawan ko, pati ang ulo ko. Para akong napukpok ng martilyo. Ang sabi ni Kuya ay nagdedeliryo raw ako kagabi sa taas ng lagnat. Iyak daw ng iyak si Mama at hindi mapakali. Pero nakangiti pa rin ako ngayon, ‘wag kang mag-alala. Ikaw kasi ang napanaginipan ko kagabi.

Natatandaan mo ba ‘yong Pasko na pumunta ka kina Trizh? Ang suot mo no’n ay red dress at pati bag mo ay kulay red. Kulang na lang, pati buhok mo ay pakulayan mo ng pula. Pagkatapos, ang regalo pa sa’yo ng nanay ni Trizh ay red na jacket. Tawa ako ng tawa no’n. Pinaghahampas mo pa ako kaya nahulog tayo sa fish pond na malapit sa bahay nila. Hindi ko alam kung paano ka patitigilin sa pag-iyak at nataranta ako dahil siguradong papagalitan ako ng tatay ni Trizh. Hindi ko inakala na titigil ka sa pag-iyak no’ng sinabi ko na ibibili kita ng red na headband.

Bigla ko lang naalala ang mga ‘yon. Kasi kagabi, ikaw ang nasa panaginip ko. Umiiyak daw ako, tapos bigla kang dumating. Purong puti ang suot mo. Ang sabi mo, bibigyan mo ako ng bagong healthy cells para hindi na ako magkasakit ulit. Tumigil ako sa pag-iyak. Alam mo, kahit hindi mo ako bigyan ng bagong cells, ayos lang. You may not have given me healthy cells, but you gave me a reason to fight for my life…

Hindi niya namalayan na umiiyak pala siya kundi lamang naging malabo ang mga letra sa sulat ni Ryme. She realized that he was such an optimist. Hindi siya sumusulat dahil galit siya rito, ngunit kailanman ay hindi nito inisip iyon. Patunay doon ang isang malaking kahon ng mga sulat at postcards na ipinadala nito sa loob ng walong taon. Bakit ba naging sarado ang isip niya? Maski isa sa napakaraming sobreng iyon ay hindi niya binuksan. Ni hindi niya binasa kung may return address ba iyon o wala. Basta na lamang niyang inilagay ang mga iyon sa kahon na nasa ilalim ng higaan niya. She was such a fool.

If Ever You're In My Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon