Chapter 1

4.2K 95 0
                                    

“Doc, ‘yong boyfriend mo kanina pa naghihintay sa labas.”

Mula sa binabasang Cosmopolitan magazine ay iniangat ni Jhemy ang tingin sa kanyang assistant. Base sa itsura nito ay alam na niya kung sino ang dumating. Sa lahat ng lalaking pumupunta sa clinic niya sa St. Andrew University Medical Center ay isa lang ang kinakikiligan nito ng husto.

Isinara niya ang binabasa saka hinarap ito. “Papasukin mo rito.” Akmang tatalikod na ito nang muli niyang tawagin. Nilingon siya nito at nginitian pa siya ng matamis. “Please, he’s my boyfriend. Cut the starstrucked look.”

Binagsakan siya nito ng pinto. Napailing na lamang siya. Ilang sandali pa at nasa harap na niya ang “object of fantasy” ng kanyang assistant. Tumayo siya at yumakap dito. Ito naman ay humalik sa pisngi niya. His two-day old stubbles tickle.

“What have you done to your assistant? Parang galit na galit na hindi ko maintindihan,” tila natatawang sabi nito.

“I told her not to fantasize about you anymore since you’re mine.” Napahagikgik siya sa sinabi. Natawa naman ito. “Sa harap ko ba naman ay kilig na kilig pa! Parang hindi ako ang girlfriend mo kung makaasta siya.”

Naupo sila sa magkatapat na visitor’s chair na nasa harap ng mahogany desk niya. “So, what brought you here, dear?” Ang alam niya ay nasa abroad ito para sa negosyo, kaya hindi niya inaasahan na bigla na lang itong susulpot sa clinic niya.

Ginagap nito ang kamay niya. “I want to tell you something. Say ‘yes,’ please.”

Oh my gosh, magpo-propose na ba siya? Anong gagawin ko? Tumahip ang dibdib niya. Naroon na naman ang kakaibang kaba na nararamdaman niya sa tuwing may lalaking magtatapat sa kanya. Habang nakatingin siya sa mga mata nito ay pilit niyang inaarok ang nilalaman ng isip nito, ngunit siya’y bigo na naman. Misteryoso talaga ang lalaking ito. Pinilit na lamang niyang ngumiti kahit hindi na siya komportable. Kahit mag-usap sila roon ng magdamag ay ayos lang sapagkat nakaalis na ang huling kliyente niya para sa araw na iyon. Wala siyang maipapalusot kapag nagkataon.

“W-What is that?” gusto niyang sabunutan ang sarili sa pag-i-stammer sa harap nito. Sa isang banda ay hindi niya masisisi ang sarili. He is giving her an I-won’t-accept-‘no’-for-an-answer look.

Napapikit siya nang bumuka ang mga labi nito. ‘Eto na, sasabihin na niya! Jeremyah, kapag binasted mo ang lalaking ito, humanda ka na sa panibagong sumpa ng mga lalaki sa’yo! anang isang bahagi ng isip niya.

Dalawampu’t-anim na taong gulang pa lamang siya. Wala pang tatlong taon nang lumabas siya ng Medical school. Nagkataon lang na inirekomenda siya ng ilang mayayamang kakilala sa mga kakilala ng mga ito kaya marami siyang kliyente at malaki ang naiipon niya. Pero hindi ibig sabihin niyon ay handa na siyang lumagay sa tahimik. Kahit pa sabihin ni Kendrew na handa siya nitong pakasalan sa lahat ng simbahan ay hindi sapat iyon. Marami pa siyang nais na mangyari sa buhay niya at doon nakatuon ang kanyang pansin sa ngayon.

“Will you come with me?” Napadilat siya at nakahinga ng maluwag. Hindi ang nakamamatay na Will you marry me? ang itinanong nito sa kanya! Napangiti siya ng maluwag. Inilabas nito sa inner pocket ng suot nitong amerikana ang isang cruise ticket at iniabot sa kanya. Niyayaya siya nito para sa isang Asian cruise!

“Of course!” Sa sobrang tuwa sa pagiging sweet nito at sa relief na nadama niya dahil hindi tungkol sa pagpapakasal ang itinanong nito ay nayakap niya ito ng mahigpit. Ipinalibot nito ang mga braso nito sa kanyang baywang. Nasa ganoong posisyon sila nang makarinig sila ng ingay sa labas. Napadilat siya nang makarinig ang kalabog sa may pintuan ng opisina niya. Nang lingunin niya iyon ay nakita niya ang bestfriend niyang si Aya na nakatayo sa may pintuan habang tutop ang taas-babang dibdib nito. Bahagya pang nakaawang ang mga labi nito habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Kendrew. Parang asawa ito na nahuli ang binata sa kandungan ng ibang babae.

If Ever You're In My Arms AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora