Epilogue (with Author's Note)

4.4K 113 20
                                    

It was after the consultation hours. Binabasa niya ang isang broadsheet kung saan may malaking larawan nila ni Ryme. Magkadikit na magkadikit ang mga mukha nila roon. Naisip tuloy niya na mukha silang conjoined twins. But in reality, they were kissing then when the photographer snapped the photo. Pinigilan niyang mapahagikhik.

Ngunit ang tunay na nagpangiti sa kanya ay ang caption ng larawan. Berlin’s most eligible bachelor, finally tying the knot! ang nakasaad doon. Kitang-kita pa sa larawan ang ruby engagement ring niya dahil nakahawak sa buhok ni Ryme ang kamay niya.

“Doc, ‘yong bisita ninyo kanina pa naghihintay sa labas.”

Wala siyang inaasahan na magiging bisita. Nasa Berlin si Ryme para ayusin ang mga naiwan nitong trabaho. Lalo umanong lumalangoy ang mga nota sa isipan nito dahil sa engagement nila. Nahampas tuloy niya ito nang sabihin nito iyon.

Kung noon ay kilig na kilig ang assistant niya kapag napunta roon si Kendrew, ngayon ay hindi na. Si Ryme na umano ang ‘manok’ nito. Naiiyak umano ito kapag nakikita silang magkasama.

Si Kass pala ang bisita niya. Noon lamang sila nagkitang muli matapos niyang mabangga ang pader ng Martini’s. Ang kotse niya ay maayos na ulit, ngunit ang sabi ni Ryme ay huwag na niyang gamitin iyon. Ibibili na lang daw siya nito ng bagong kotse.

“So how’s the newly engaged?” bungad ni Kass. Humalik ito sa pisngi niya bago ito naupo sa visitor’s chair.

“Never been better, Kass. Iba ang pakiramdam,” nakangiting sabi niya. “Gosh, girl! Di ba sabi mo noon, twenty-seven ka mag-aasawa? Twenty-seven ka na, pero mukhang mauunahan pa kita,” tudyo niya rito.

“Girl, wala pa sa mga plano ko ‘yan. And I just turned twenty-seven last month. So I still have eleven more months to find a groom, thank you,” sarkastikong sabi nito. “Anyway, dumaan lang naman ako dahil gusto kong ipaalam sa’yo ang mga updates tungkol sa kaso mo.”

“Kaso ko?”

“Oo. ‘Yong tungkol sa binangga mong pader,” sabi ni Kass. “Unfortunately, the owner of the property really wants to file a complain against you. Hindi madaan sa magandang usapan ang lalaking ‘yon. So I would suggest that you cancel your plans to go abroad. Baka mahuli ka sa Immigration.”

“Overreacting ka. Huhulihin agad sa Immigration? Ano ako, pugante? Oh, and anyway,” Nginitian niya ito nang matamis. “I don’t have to go abroad. Dahil kasasabi lang sa’kin ni Ryme na ililipat na n’ya rito ang base niya kung ayaw kong umalis ng Pilipinas.”

“Sinuswerte ka naman masyado! Saan ba makakahanap ng katulad ni Ryme?” tanong nito.

“Hmm. Palagay ko wala. Because he’s the only one, and he’s mine.”

WAKAS

11/15/13

Author's Note:

This is dedicated to friendships, first loves, broken hearts and second chances.

To my first love who never died, but who will never make me feel alive again.

If Ever You're In My Arms AgainWhere stories live. Discover now