Chapter 6

2.8K 63 0
                                    

She was not proud that she losed control. Well, looking at Ryme’s handsome profile and she knows that no one will blame her. Habol niya ang hininga nang maghiwalay ang mga labi nila ni Ryme, at nanlalambot pa ang mga tuhod niya. Kahit ayaw ay lihim niyang ipinagpasalamat na nakapulupot pa rin sa baywang niya ang mga braso nito.

“You will not get your way just by kissing me all the time,” bulong niya rito.

“Then what? Are you suggesting that we do something more than kissing?”

Itinulak niya ito. “Damn you, Ryme Mendoza, for insinuating that!”

Kinabig siya nitong muli palapit dito. Pilit siyang nagpumiglas. “Tumigil ka, Jeremyah. Hahalikan kita ‘pag nagpumiglas ka pa.” Tumigil siya gaya ng gusto nito, ngunit hindi ibig sabihin niyon ay hindi niya gusto ang halik nito. Ayaw lang niyang magpahalata rito. She will die first before admititing it to him.

“Sige. Once and for all, let’s finish this conversation.”

“I’m sorry,” panimula nito. “I admit that I was a jerk back there. Ano ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?”

 Tiningala niya ito. “Gagawin mo kung ano ang gusto ko?” Tumango lamang ito. “Well, gusto kong ibalik mo na ako sa Trinidad.”

Mukhang hindi mangyayari ang gusto niya dahil nagdilim kaagad ang paningin nito. “Anything but that, Jeremyah.” Nginitian siya nito. “Do you want to go to Berlin? In Vienna maybe?  I would be happy to show you the world, mein lieber.”

“No. I do not want to do anything with you. And I don’t want the world. I want my freedom, Ryme.” Sinalubong niya ang tingin nito. “You walked out into my life ten years ago without a preamble. Ngayon, bigla ka na lang babalik at sasabihin mong gusto mo ako. Para ano pa? For me you’re just a faded memory and nothing more. Sana, ipinakita mo ‘yang pagkagusto mo bago ka umalis ng Pilipinas noon, para hindi mo ako basta iniwan gaya ng ginawa mo!”

“You won’t understand that time, Jeremyah—”

“Well, now, make me understand! Explain yourself!” hamon niya rito. Nanatili lamang itong tahimik. “Kita mo? Ni hindi mo mapatunayan ‘yang sinasabi mo na importante ako sa’yo! I’m not that important to you to know the reason of your departure!”

“Can’t we just forget the past? We’ll just dig old wounds if we keep on doing this,” Ryme said with a pained expression. Hindi niya alam kung bakit mas mukha pa itong nahihirapan kaysa sa kanya, gayong kung tutuusin ay siya ang naiwan. Siya ang nasaktan dahil siya ang nagmahal, hindi ito.

“Ayaw mo bang makasama ako? Dahil kung ako ang tatanungin mo, gusto kong makasama ka. Kaya kong ipagpalit ang lahat ng mayroon ako ngayon para sa’yo.” Titig na titig ito sa mga mata niya habang sinasabi iyon.

“No. Ang gusto ko ay tigilan mo na ako. You are ten years too late, Ryme Mendoza. Ginulo mo lang ang buhay ko no’ng nakipagsabwatan ka kay Kendrew. Maaari nga na nailayo mo ako sa iba, pero hindi ba sumagi sa isip mo na lalo mo lang akong inilapit kay Ken? Hindi mo ba naisip na baka siya ang mahal ko?”

They held each others’ eyes for what seemed like eternity. Hindi ito nagbaba ng tingin at ganoon din siya. Sa huli ay ito rin ang unang sumuko. Napailing ito. “May ibang mahal si Kendrew, at alam naming pareho iyon. Just be mine, Jeremyah.”

“We’ll just hurt each other, Ryme. Let go.” Lalabas na sana siya nang muli siyang pigilan nito.

“One last thing before I let you go,” habol nito. “Ano ang kailangan kong gawin para hindi ka umalis sa tabi ko?”

Ano nga ba ang pumipigil sa kanya para magtiwala rito? Noong unang beses na pumunta sila sa isla ay alam niya na hindi nawala ang pagmamahal niya rito. Hindi pa siya makapaniwala sa sarili niya noong una, dahil sa palagay niya ay imposible para sa isang tao na magmahal ng ganoon katagal ng walang katugon. Pero katulad din siya ng napakaraming tao na sa halip na maglaro ng pag-ibig ay siya pa ang napaglaruan. Ang simpleng pagkakita kay Ryme at pagkaalala sa pang-iiwan nito sa kanya ay nakakasakit na, ano pa kaya ang takot na baka maulit iyon? Siguro ay ang takot na iyon ang pumipigil sa kanya na magtiwala.

If Ever You're In My Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon