Poem #14

129 1 0
                                    

Sa isang malamig na umaga, ako'y napatulala
Sa ganda ng kalangitan na siyang patungong hilaga
Nakakabighani at nakakalula.
Ako'y napaisip kung ito ba ay mawawala
maglalaho na parang bula
At ang umagang kay ganda ay mapalitan ng luha

Kay sakit isiping ang magagandang tanawin ay magugunaw saking harapan
Na ang kagandahan nito ay matatakpan at mapapalitan
Papalitan ng maitim na kalangitan
At ingay na nagmumula sa kaitaasan.

Tila isang sumpa na walang panlunas
At tanging hiling mo na lamang na sana ito'y magwakas
Ngunit kagaya ng kasabihan
Pagkatapos ng unas ay ang pagsibol panibagong bukas
Wag mawalan ng pag-asa dahil bawat pagsubok at malungkot na araw
At may kapalit na kaginhawaan at ligaya.

"Umaga" by Karra Crisselle Ausan written back in 11 Nov 2017.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Compilation of Essay, Poems, Reactions, Etc.Where stories live. Discover now