Crush 05

102 5 6
                                    


Kim Nammie

"OMG! RECOLLECTION NAAAAA BUKAS!"

"Hala oo nga!"

"Omg! Excited na ako!"

"Sana may kasabay tayong school!"

"Para may pogi! Hihihi!"

Pwede ko ho bang sapakin 'tong mga to? Nakakarindi na eh.

"Oh ano Nammie, excited ka na bukas? Sama ka samin mamili ng snacks para bukas?" Nabaling ang tingin ko kay Eunha na kasalukuyang nakangiti saakin.

"Sige. Kayong bahala." Simple kong sagot. Kung dati, super excited ako kapag recollection na, ngayon? Hindi na. HINDI KASI KASAMA SI XIUMIN! HUHUHUHU

"Bakit ang tahimik mo 'te? Di ka excited?" Mabilis akong umiling sa tanong ni Chandria.

"Eh bakit?" Pahabol na tanong ni Haesthie.

"Ah." Nabaling ang atensyon naming lahat sa nakangising si Benjiellie.
"Hindi yan excited kasi hindi kasama si Kuya Xiumin! Ahahahhaahaha!"

At sinimulan na nila akong asarin. Huhuhuhu! Somebody please heeelp meeeh!

"Nammie."

Pare-parehas silang natigilan sa boses na yun at maski ako. Napatingin ako sakanya at kasalukuyang nakatingin saakin pero wala akong makitang kahit na anong emosyon. Nakakapanibago.

"Pinapatawag tayo ni Ms.Vergonia sa office niya."

Agad siyang tumalikod matapos niyang sabihin yun at agad naman akong tumayo para sundan siya.

"Sige, mauna na kayo. Mamaya nalang ulit." Pag papaalam ko dun sa lima.

Nang tignan ko kung nasaan na si Jongdae, medyo malayo na siya at nakalampas na siya ng footbal field.
kaya naman kinailangan ko pang takbuhin ang distansya namin.

But unexpected thing happened while I am running towards him.

"Aw!" Shete! Yung ulo ko!

"Miss! Sorry miss!"

Dahan-dahan akong bumagsak sa damuhan habang hawak ang ulo ko at unti-unti ring pumipikit ang mata ko dahil sa nararamdaman kong pagkahilo.

"What the.. NAMMIE!"

That was the last voice I heard before my conciousness shut down.

Jongdae.

Kim Jongdae

"Ohmygosh!"

"Hala! Si Ate !"

"Omg! Kung bakit naman kasi may mga feeling na professional football player dito eh!"

Agad na kumunot ang noo ko nang marinig ko ang mga bulungan at sigawan na iyon.

"Sorry na nga diba!"

"Pasensya na, hindi namin sinasadya!"

"Tch. Si Ate Nammie yan oh!"

Huh? Nammie?

Kaya naman agad akong lumingon at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakahandusay sa football field si Nammie habang walang malay. Sht!

"What the.. NAMMIE!"

"WHAT THE HELL DID HAPPENED?!" Sigaw ko habang papalapit sakanila na mukhang ikinagulat nila.

"N-natamaan po kasi siya ng f-football---"

"Oh sht! At wala kayong ginawa?! Nagsigawan pa kayo?! The fuck!"
Singhal ko sakanila habang iniingatang buhatin si Nammie.

"S-sorry--"

CRUSH (Completed)Where stories live. Discover now