Crush 10 pt.1

72 4 16
                                    


[ a/n: Kalma lang, may Part two pa ang Chap 10 at Epilogue pa..]

~~~~~

Kim Nammie

After that night, lagi na akong balisa. Should I really wait 'till the day of the concert come bago ko sila kausapin or kakausapin ko na sila ng mas maaga?

I am torn between those two ideas.

Naglalakad ako ngayon papunta sa practice room. Last day na kasi ngayon ng practice eh.

"Nammie!"

Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Kuya Xiumin.

"A-ah. Bakit po?"

He smiled at me shyly bago niya hawakan ang batok niya.

"C-can I invite you f-for tomorrow? After the concert?"

My brows ceased and looked at him intently. Ngunit naguguluhan man at tumango nalang ako.

"Sige ba. Basta libre mo yung pagkain ah?" pagbibiro ko para mawala yung awkwardness.

Pero mukhang walang epekto kasi pinagpapawisan pa rin siya at mukhang hindi mapakali.

"Okay ka lang ba?" concerned kong tanong sakanya.

Bahagya naman siyang umiwas ng tingin saakin at umiling. "Wala. Ayos lang ako."

Bahagya siyang lumayo saakin at ngumiti.. ng alanganin. Anong problema ni Kuya Xiumin?

"Ah, u-una na ako Nammie." Paalam nito.

"Ah, sige Kuya Xiumin."

I was about to turn on my back  when he held my hand and pull me towards him. Causing him to kiss my cheeks.

What the..

"Basta Nammie. After concert."
Huling salita niya bago siya umalis.

Tumalikod na ako kaagad matapos magpaalam ni Kuya Xiumin. What the hell happened?!

But to my surprise, I saw Jongdae na nakatayo at nakatingin ng walang expression sakin.

I mentally cursed. Nakita ba niya?

Kinabahan ako lalo nang lumapit siya sakin. Only an inch were the spaces between our faces. Fudge.

"Bakit pa nga ba ako umaasa sa mga inaasta mo these past few days, Nammie? Kung iba naman talaga ang gusto mo? Well,  wish you luck on that Xiumin. Pakatatag." Walang emosyon niyang sabi.

I want to chase him and say that he is the one I like, not Kuya Xiumin. Pero mukhang hindi nakikisama tong mga paa ko.

I just stood there while watching him drift away from me. Nako naman kasi Nammie, bakit ngayon mo palang na-realize?

~~~

The concert came and I was so damn nervous. Hindi dahil sa sayaw kundi dahil sa pag-uusap na magaganap mamaya sa pagitan namin ni Kuya Xiumin. I have a feeling na aamin siya kaya nabawasan ng kaunti ang kaba ko. Pero mas kabado ako dahil kay Jongdae. He is totally ignoring me after what happened yesterday. Kung noon ay nagagawa pa niya akong tignan, ngayon hindi na. And it hurts. Big time.

"Nammie, kayo ang mauunang magpeperform after nung panlahatang opening number ah?" Paalala saamin ng director ng concert namin at ng mayor namin, si Janel.

The six of us nodded and took a deep breath. Ang daming tao ngayon dito sa auditorium ng school. Palagay ko ay halos lahat ng estudyante ng school na to ay nagsilabasan.

Nagdasal na muna sandali at kumanta ng Pambansang Awit. Pagkatapos noon ay lumabas na kaming lahat ng kasali sa concert para saaming opening number. Lahat kami ay sasayaw at ang nakakainis ay nasa harapan kaming dalawa ni Jongdae. Nakakabwisit lang, diba?

Nagsimula nang tumugtog ang sasayawin namin at nagsimula na rin kaming sumayaw syempre. Alangan namang tumayo lang kami? Edi para naman kaming tanga nun, diba?

'I just need somebody to love, I-I don't need to much, just somebody to love.'

At nang matapos na ang sayaw namin, natira na kaming anim sa stage dahil nga kami na ang mauunang magpe-perform.

Pumunta na kami sa mga position namin at nagsimula nang sumayaw nang magsimula na ang tugtog.

Habang sumasayaw, hindi ko maiwasang mapatingin sa crowd. Umaasang pinapanood niya ako kahit na sila na ang susunod na magpe-perform. Pero instead na si Jongdae ang makita ko, I saw Kuya Xiumin na mukhang masaya habang pinapanood ako. He is smiling from ear to ear habang katabi niya sina Kuya Kyung at Kuya Luhan.

Nakakainis, bakit ba hindi niya ako pinapanood?

Natapos na kaming sumayaw at hindi ko pa rin siya nakikita. Namumuo na ang mga luha ko nang magpunta kami ng backstage. At tuluyan na ngang tumulo ang mga iyon nang dahil sa nakita ko.

Kaya pala..

Kaya pala hindi niya ako pinanood kasi may iba siyang pinagkakaabalahan.

He is busy chatting with the school's top student, Yookyoung.

Ang saya saya nila. Nakangiti silang dalawa at bagay na bagay sila.

"N-nammie.." Eunha called me pero ngumiti lang ako sakanila at pinunasan ang mga luha ko.

"O-okay lang ako mga b-bes. O-okay lang." Nangangatal kong sabi sakanila sabay punta sa kabilang parte ng stage kung saan andoon ang mga gamit namin.

Ang tanga tanga mo Nammie! Tsaka mo lang na-realize na si Jongdae pala nung nagkaroon na siya ng iba. Bakit ganun? Napakamapaglaro mo, Tadhana. Bakit ba hindi nalang kami? Pwede naman diba?

Pinunasan ko na ang mga luha ko at nagulat ako nang makita kong nakatayo siya sa may entrance ng backstage.

Dire-diretso siyang naglakad papunta sa upuan na kung saan nakalagay yung bag niya. Kinuha niya iyon at akmang aalis na siya nang pigilan ko siya.

He eyed me coldly pero hindi na ako aatras. Eto na, wala nang urungan to Nammie.

"K-kayo na ba ni Y-yookyoung?" Tanong ko sakanya. Masakit pero kailangan kong malaman.

"Bakit? Ano bang pakialam mo?"

Shoot. Ang sakit nun ah. Pero Nammie, kayanin mo.

"A-ah, so kayo na nga?" Tanong ko ulit. But instead of answering it, tinalikuran niya ako.

Bago pa man siya makalabas ay tumakbo na ako papunta sakanya at niyakap siya mula sa likuran.

I don't care if I look like a crying mess here. Gusto ko lang malaman niya na gusto ko siya, baka magbago ang isip niya.

"What the heck Nammie! bakit---"

"JONGDAE! I LIKE YOU! GUSTO KITA-- OH, SCRATCH THAT. I LOVE YOU JONGDAE.. I love you."

Pabulong ko nang nasabi ang huling mga salita dahil nawawalan na ako ng hininga dulot ng pag-iyak ko.

Naramdaman kong hinawakan niya ang mga kamay kong nakayakap sakanya pero para pala alisin ang mga kamay ko. He faced me with a cold stare.

"Sana noon pa Nammie. Sana noon pa, yung wala pang Yookyoung na nakakapagpagtibok dito sa puso ko. Huli ka na Nammie, huli ka na."

And those words really broke my heart. Fudge.

First heartbreak from my first love. Great.

×××

Part 2 will be her conversation with Kuya Xiumiiiiin. Hoho. Abangan ang mga susunod na pangyayari lalo na sa Epilogue ;) may pasabog ang otor ninyooo.

CRUSH (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon