Crush 08

73 4 3
                                    


Kim Nammie

The day after recollection, I decided na wag munang pumasok. I feel nervous and shy dahil sa nangyari kahapon sa recollection.

Tinatamad kong kinuha ang phone ko sa may side table ko nang marinig ko ang pag-ring nun.

Nakita ko ang pangalan nina Haesthie, Eunha at Nathalie sa mga new messages.

From: HaesthieNiBabalu

Beb. Dika papasok? May quiz tayo ngayon!

From: EunhaNiKapre

Hala ka! Zero ka na raw sa quiz sa Math! Asan ka ba kasi?

From:NathalieNiNegro

May practice tayo ng sayaw bukas. Pumasok ka, magprapractice tayo for the concert. Magprapractice na kami nila Eunha ngayon. Habol ka nalang pero kung gusto mo.

Napabangon ako dahil sa text ni Nathalie. Yes! May concert! Woooh!

Dali-dali akong bumangon sa kama ko. It's already 12:30. Mag ha-half day nalang ako, excited ako mag-practice eh.

Matapos kong maligo ay nagsuot na ako ng uniform at nagbaon na rin ako ng isang loose shirt at isang shorts and of course, rubber shoes. Mag kumportable sumayaw pag naka-shorts ako at naka rubber shoes.

Agad kong nilagay yung mga baon kong damit tsaka towel. Nagbaon na rin ako ng tubig sa tumbler kasi syempre nakakahingal yun, duh?

Agad akong bumaba at nagpahatid kay Manong Siwon sa school.

Pagkarating ko doon ay agad akong bumati kay kuya guard at tinanong kung pwede nang pumasok.

"Sige. Basta sa may canteen ka lang o di kaya sa kahit anong part ng school, wag lang sa highschool department kasi nagka-klase pa sila ng last period."

"Ah, sige po."

Pumasok na ako kaagad at dumiretso nalang ako sa may canteen. Bumili lang ako nung doughnut doon. Wala eh, favorite mga bes.

Habang naglalakad naman ako palabas ng canteen, narinig ko ang pag-ring ng bell kaya naman tinext ko na si Benjiellie.

To: Benjiellie

Bes. Andito ako ngayon sa canteen, puntahan niyo ko.

Kasabay ng pag-pindot ko sa 'send' button ay ang pagkarinig ko sa isang pamilyar na boses.

"Nammie?"

Natigilan ako nang marinig ko ang boses na yun. Pero bakit parang hindi naman tumambling yung puso ko? Yun bang parang hindi na-excite? Luh, Nammie! Crush mo na yan oh! Kiligin ka dapat! Oo, dapat lang na kiligin ka!

"Ah, Kuya Xiumin." Nakangiti kong bungad sakanya nang umupo siya sa tapat ko.

"Kamusta? Bakit ka absent kaninang umaga?"

Ha? Paano niya alam na absent ako?

"Tinanong ko kasi kanina yung kaklase mo. Yung Jongdae ba yun?"

Pakiramdam ko naman ay biglang may naghahabulang mga rabbit sa tiyan ko nang marinig ko ang pangalan ni--- aish! Ano ba yan Nammie!

"Ah. Anong.. anong sabi?"

"Ayun, sabi niya absent ka raw at hindi raw niya alam kung bakit ka absent."

"Ahh."

Yan lang ang tanging naging reaksyon ko sa sinabi niya.

"Ah, hindi ka pa ba magla-lunch kasama nila Kuya Kyunggie?" I asked him nang maubos ko na yung doughnut na binili ko kanina.

"Ah, may ginagawa kasi si Kyung doon sa classroom. Sabi niya, hindi na raw siya magla-lunch. Tapos si Luhan naman, kasabay niya yung mga groupmates niya. May project kasi silang kailangang i-rush kaya mag-isa lang akong magla-lunch ngayon."

Napatango nalang ako sa sagot niya. Maya maya pa ay nagpaalam siya na bibili lang daw muna siya ng pagkain niya. Iniwan niya yung bag niya sa inuupuan niya kanina at binantayan ko naman yun.

Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang wala pang reply si Benjiellie. Nako naman oh. Tsk. Ang tagal nila!

"Wahahaha! Ang korni ng joke mo! Kingina!"

"Oo nga pre! Bushet to oh! Ang gago! Hahahaha!"

"Grabe kayo sakin ah!"

"Could you please stop shouting and laughing? It kinda irritates me. Tch."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mga boses na iyon mula sa likuran ko. Omg! What to do?!

"Oy, may nakaupo na sa inuupuan natin pre."

"Ayos lang yan, hanap nalang tayo ng iba."

T-teka, pwesto ba nila tong table na napili kong upuan? Mygash.

"Hanep ka Jongdae ah. Nakahanap ka na ba ng iba?"

Napalingon ako sa hindi malamang dahilan. Err, maybe I wanna see his reaction?

"Wala pa. Pero may natitipuhan na ako mga par. Ahahaha!"

"Wow naman, Naka get-over na kay Nammie no?"

Saglit akong nakaramdam ng sakit sa bandang dibdib ko at ramdam ko na rin ang pagtutubig ng mga mata ko.

Aish! Ang tagal naman kasi ni Kuya Xiumin eh!

"Hindi ka kakain?" Agad kong inayos ang pagkaka-upo ko nang umupo na si Kuya Xiumin sa tapat ko na inuupuan niya kanina.

Umiling naman ako at ngumiti, "Hindi na. Kakakain ko lang sa bahay bago ako umalis."

Tumango naman siya atsaka nagsimulang kumain.

"Uy! Talaga ba? Crush mo nga yun ha, Jongdae?"

"Tsk. Wag nga kayong magulo."

Napatingin naman ako sa gawi nila na nakaupo pala sa katapat naming table at sakto nga naman, nakatapat pa sa gawi ko tong si Jongdae. Anak ng.

Pero sino kaya yung crush ni Jongdae na sinasabi nila? Mas maganda naman ako dun diba? Sabihin niyo, mas maganda ang isang  Kim Nammie Mischa dun sa bagong crush 'daw' ni Jongdae. Diba?

Hindi rin nagtagal ay dumating na rin sina Eunha. Grabe, grabe talaga! Ang babagal kumilos netong mga to!

"Oh Haesthie Christine, Jeong Eunha Lyn, Son Nathalie Steph, Yoon Benjiellie Clarisse, Park Chandria Judy. Grabe, ang bilis niyong pumunta rito ah? Bilis." Sarcastic kong sabi atsaka sila inirapan.

"Sorna! To naman! May kasama ka naman oh. Ayiiiieee." Pang-aasar ni Chandria kaya bigla siyang nakurot ni Eunha sa braso.

"Aray naman Eunha Lyn!"

"Anak ng! Wag mo kong tatawagin sa whole name ko sabi!" Sigaw nito kaya nakatanggap nanaman ng kurot si Chandria.

"Oo na! Tama na bes!"

"Bes. Si Jongdae oh." Nagulat ako nang tumabi saakin bigla si Haesthie.

"Oh tapos?"

"Tapos andito si Kuya Xiumin sa harapan mo."

Nasiko ko pa siya dahil kaharap lang namin si Kuya Xiumin. Pero fortunately, hindi niya narinig na sinabi ni Haesthie ang pangalan niya dahil patuloy ang pag-kausap sakanya nila Benjiellie at Chandria.

"Anong naramdaman mo?" Pagsasawalang bahala niya sa pagsiko ko sakanya.

"Ha?" Ang gulo ng babaeng to ah.

"Saang presence ka naapektuhan? Sa presence ni Kuya Xiumin na nasa harapan mo ngayon o sa presence ni Jongdae na nasa kabilang table at nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya?

Holy shoot. Bakit ba kasi ang daming alam netong babaeng to?

"E-ewan ko sayo."

"Ewan mo sakin pero nakatingin ka kay Jongdae?" Natauhan naman ako sa sinabi niya at narealize na nakatingin na pala ako kay Jongdae na kasalukuyang tumatawa kasama ang mga kaibigan niya.

"H-hindi---"

"Make yourself clear, Nammie. Maraming maaapektuhan sa isang maling desisyon mo."

Lumakas ang tibok ng puso ko. Sino nga ba kasi talaga, Nammie?

×××××
Updated! :)

CRUSH (Completed)Where stories live. Discover now