Crush 07 ~ Recollection .2

70 5 1
                                    


Kim Nammie

Sinundan ko siya sa labas ng hall. And there, nakita ko siyang nakaupo sa may ilalim ng puno na para bang may malalim na iniisip.

Anger, Sadness and annoyance is visible all over his face. Now what Nammie? Ano na? Ano nang gagawin mo?

With my trembling feet, I made my way towards him. Kahit na natatakot ako na baka sigawan niya lang ako or what, itinuloy ko pa rin ang paglapit sakanya.

"J-jongdae." I called him in my low tone.

Unti unti niya akong nilingon at halos manlambot ako nang tignan niya ako na para bang hindi niya ako kakilala.

"Oh? Bakit ka andito?" Tanong niya. Kasabay noon ay ang pagsilay ng nakakakilabot na ngisi sa mga labi niya.

"A-anong problema?" Malakas na loob kong tanong.

I feel intimidated by his stare. Yun bang parang sinasabi niya na 'are you even serious? Anong klaseng tanong yan?'. Ganun.

Bahagya naman siyang tumawa at nagpatuloy iyon. Halos maiyak na nga siya kakatawa.

"W-what's funny?" Naguguluhan kong tanong.

He sighed habang nakangiti pa rin atsaka ako tinignan.

"Seryoso ka? Tinatanong mo pa talaga kung anong problema ha, Nammie?"

Napailing ako sa inasta niya. Maybe I am talking to an idiot. Really.

But I stepped back when his expression hardened. Na para bang nasasaktan na siya ng sobra sobra.

"Jongdae.."

"I am a creepy stalker, right? I look like an idiot diba? Atsaka ayaw mo nang sinusundan, pinapansin at kinakausap kita diba?"

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon.

"I'm just doing you a favor, Nammie Kim. So bakit ka ngayon andito sa harapan ko at tinatanong kung anong problema?"

Natigilan ako sa tanong niya.

"B-beacause naninibago ako sayo." I answered, causing him to let out a chuckle.

"Naninibago? Really Nammie? Really?"

Naramdaman ko nanaman ang pamumuo nga mga luha ko dahil sa inaasta niya.

"Diba ito naman ang gusto mo?! Ginawa ko lang! Pero bakit-- argh! Ang gulo gulo mo Nammie!"

At nang hindi ko na napigilan ay agad na nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo at alam kong napansin ni Jongdae iyon.

"At ngayon Nammie, umiiyak ka?" He asked with a soft voice.

"Why are you crying Nammie? Tell me, why?" He softly asked.

I shook my head. Hindi. Si Xiumin lang. Siya lang Nammie, siya lang diba? Siya lang dapat.

"W-wala."

"Damn!" Halos mapatalon ako nang sumigaw siya bigla. Pero mas ikinagulat ko nang makita kong umiiyak siya.

"Akala ko.. kaya ka umiiyak kasi-- fck! Bakit nga ba ako nag-assume? Damn. Wala na nga akong pag-asa sayo." Umiiling niyang sabi at iniwan na ako doon.

Shit naman Nammie eh! Bakit ka ba kasi umiiyak?! Para kang tanga! Tanga!

~~

"So, Kim Nammie. Mind telling us kung bakit po namugto yang mga mata mo?"

Hindi ako umimik sa tanong ni Benjiellie. Instead, kinuha ko nalang ang panyo ko at pinunasan ang mga luhang nararamdaman kong tutulo nanaman.

"What the.. Nammie! Bakit ka umiiyak?!" Pasigaw na tanong ni Eunha sabay yakap sakin. Tsk, nakaagaw tuloy kami ng atensyon.

Andito na kasi kami ngayon sa isang room dito sa hall kung saan pwede kaming mag-take ng lunch namin and yung lunch is pack lunch, like what I've said earlier nga. Tapos maraming mga malalaking round tables dito at halos kasya na ang 15 persons.

"You know what Eunha. Stop hugging her. Mas maiiyak lang yan. Kausapin nalang natin si Nammie after we eat."

Bumitaw naman saakin si Eunha mula sa pagkakayakap niya dahil sa sinabi ni Chandria.

Gaya nga ng sabi ni Chandria, kumain na muna kami at nang matapos na ako, agad akong tumayo at niligpit ang baunan ko.

"Nammie---"

"Hintayin ko nalang kayo sa labas." Malamig kong sabi tsaka lumabas ng hall.

Pumunta ako sa may parte ng labas ng hall na maraming puno at doon naupo. Sheez, sakit sa ulo ang pag-iyak ko!

Bakit nga ba ako umiyak kanina?  Aish naman Nammie! Nakakainis ka!

Pero kasi, yung nararamdaman ko. Kakaiba eh. Oo, kinikilig ako kay Kuya Xiumin. Pero kay Jongdae naman, naiinis ako nung sumusunod siya sakin pero nung nawala naman na, hinahanap-hanap ko yung presence niya. Aish! Ano ba talaga?

"Uy Nammie."

Napatingala ako nang marinig ko ang boses ni Haesthie. Sabay sabay silang umupo sa tabi ko at tinignan ako.

"Make kwento na bes!" Halos excited na sabi ni Nathalie sabay hampas pa sakin.

So ayun, kwinento ko sila. Lahat nga sila, halos nakatanga, nakanganga, nakakunot ang noo. Pfft. Mukhang mga ewan.

"So tapos na?" Tanong ni Haesthie at tumango naman ako.

"Bes, si Jongdae ang gusto mo!" Eunha exclaimed pero agad naman siyang binara ni Chandria.

"No. It's Xiumin. Nasanay lang siya sa pangungulit ni Jongdae kaya hinahanap-hanap niya yung presence niya." Pagdepensa ni Chandria.

"Eh bakit naman iiyakan ni Nammie si Jongdae kung wala siyang gusto? Sige nga!" Panghahamon ni Nathalie na halatang kampi kay Eunha.

"Masama na bang umiyak? Psh." Pambabara naman ni Benjiellie.

"Teka nga. Teka ha? Hayaan nating si Nammie ang mag-isip kung sino ba talagang gusto niya. Tsk. Kayo talaga oh." Pagsabat ni Haesthie sakanila.

"Haesthie, hindi ko alam kung sino." I whispered.

Ngumisi naman si Haesthie atsaka ako tinapik.

"Para walang away girl, mag Kuya Luhan ka nalang. Ahahahahaha!"

O.O

Kuya Luhan?!

Tsk. Nababaliw na to! Pfft.

"Waaaa! No! Team Xiumin kami!" Sabay na sabi nila Chandria at Benjiellie.

"Well, Team Jongdae kami. Bleeeh!" Sabi naman nila Eunha at Nathalie.

Nagkibit-balikat nalang si Haesthie at natawa. "So mag-isa pala akong Team Luhan?" Natatawa pa nitong sabi.

"Ewan ko sainyo." Bored kong sabi sakanila. Aish, sino nga ba kasi talaga? Xiumin o Jongdae? Aish! Ang gulo ko na!

"Bes, may tanong ako."

Agad ko namang tinignan si Eunha.

"Ano yun?"

"Namimiss mo ba ngayon si Kuya Xiumin?"

Nangunot ang noo ko at pagtapos nun ay nanlaki ang mga mata ko.

"I bet not. Hindi mo nga siya naiisip kanina diba? Ngayon lang? Nung tinanong ko?" Nakangising sabi nito.

Hindi ako naka-imik dahil tama nga naman siya. Hindi ko naiisip si Kuya Xiumin.

"Hoy Eunha! Paano nga naman niya maiisip si Kuya Xiumin eh pinaiyak siya ni Jongdae. Hah! Yan ba ang gusto mo para sa kaibigan natin? Yung pinapaiyak siya?" Pag-angal naman ni Chandria kaya napairap nalang si Eunha.

Aish. This girls talaga oh. Nalilito na nga ako, mas ginugulo pa nila yung utak ko! Nako naman!

×××××

Last 3 chapters ;)

CRUSH (Completed)Where stories live. Discover now