Epilogue

94 9 16
                                    


Kim Nammie

I sighed when I finally get off the plane. Hello China!

Halos three weeks din akong magi-stay dito with my Lolo and Lola. Chinese kasi si Lolo and Korean si Lola. So bale one fourth Chinese, one fourth Korean at half Filipino ako.

Kasama kong bumyahe si Kuya Kyung ngayon pero uuwi rin siya after two weeks dahil may projects pa raw siyang tatapusin. Sus, as if I know eh may nililigawan yan eh. Yung class mayor namin? Si Janel.

"Gege, sinong susundo saatin?"
I asked as we walk towards the exit.

"Ah, si Tito Justin nalang daw. Hindi kasi busy eh."

Napatango nalang ako at matiyaga kaming naghintay kay Tito Justine dito sa labas ng airport.

Maya maya pa ay may violet na Porsche na tumigil sa harapan namin at iniluwa nun ang gwapong gwapo kong Tito kasama ang asawa niyang si Tita Hannah.

"Hello po Tito Justin at Tita Hannah!" Bati namin ni Kuya Kyung at bumeso ako sa dalawa habang bumeso si Kuya Kyung kay Tita at nakipag manly hug naman kay Tito.

"Kamusta? Matagal na kayong gustong makita nila Mommy at Daddy." Ani Tito Justin habang inilalagay sa compartment yung mga bagahe namin ni Kuya Kyung.

"Ayun po, nakaka-stress sa school pero kaya naman po." Sagot ni Kuya Kyung.

~~~~

When we finally arrived at my Lolo's house, agad kaming tumakbo papasok ni Kuya Kyung papasok. We really miss our grandparents so much. Bahala na yung mga tauhan nilang magbuhat ng bagahe namin, all I want to do is to hug and kiss my grandparents.

"Lolaaaaa!"

"Loloooo!"

Kahit na Chinese sila, they didn't bother what we called them. Okay na okay nga sakanila ang Lolo at Lola eh. Tsaka hindi kasi ako marunong mag-Mandarin mga bes. Sensya ha?

We are welcomed by their warm hugs. Shete, na-miss ko to ng bongga!

"Mga apo ko!"

We just did a chit chat at pagkatapos ay pinaakyat na muna kami nila Lola sa mga kwarto namin ni Kuya Kyung dito sa mansyon nila. First, inayos ko na muna yung nga gamit ko sa loob ng maleta at inilagay yun sa closet at sa ibabaw ng study table na andito.

At nang matapos ako, agad akong humiga at ipinikit ang mga mata ko. Gosh, nakakapagod ang byahe!

Pero agad din akong napamulat nang tumunog ang phone ko. Agad ko iyong kinuha at tinignan kung anong meron.

Agad na bumungad saakin ang text ng isa sa mga taong pinakamalaki ang naitulong saakin.

From: Kuya Luhan

Nammie! I heard what happened :( your gege told me nang magka-usap kami before the sembreak. I just wanna know if you're okay? You know, parang kapatid na kita :) . Are you available later? Kita tayo sa may coffee shop na malapit sa bahay niyo. I'm also here in China. Nagbabakasyon :).  Just text me if papayag ka :)

Napangiti ako dahil may tao pa palang may pakialam sakin.

I composed my reply to his text.

To: Kuya Luhan

Sure po :) and I'm okay lang naman po :) what time po tayo magkikita later?

Wala pang isang minuto ay nakatanggap na ako kaagad ng reply sakanya.

From: Kuya Luhan

4 p.m? Is it okay with you?

4 p.m ? Keri na.

CRUSH (Completed)Where stories live. Discover now