LAST SPECIAL CHAPTER (Luhan's POV)

92 6 1
                                    


Xi Luhan

Sabi nila, expect the unexpected. And yeah, totoo yan.

Isa sa mga nagpatunay ay yung saamin ni Nammie. I didn't expect na siya ang makakatuluyan ko kasi nga diba, little sister lang ang turing ko sakanya noon.

But now, she's my queen. Siya na ang mundo ko. Siya na ang buhay ko.

"Daddy! Daddy! Look oh, may drawing po ako!"

Agad kong kinuha ang piraso ng coupon bond na inaabot sakin ni Nayih, my daughter.

"Daddy, ikaw po yan tapos si Mommy po yun tapos ako yung nasa gitna!" Masaya niyang sabi habang tinuturo pa yung mga stickman na drawing niya.

Napangiti ako at hinalikan sa noo ang anak ko. Our little precious.

"Where's your mom?" I asked her.

"Daddy, nasa kusina po. She's cooking for uncle Suho's death anniversary."

Napayuko naman ako sa narinig. It's been several years since he died. Ngayon, may anak na kami ni Nammie. Even Chandria at Xiumin, meron na rin. Maski sina Eunha at Kyung, may twins na.

"Okay then baby, stay at your room okay? Pupuntahan ko lang si mommy." Tumango naman siya at hinalikan muna ako sa pisngi bago siya pumunta sa room niya.

I made my way towards the kitchen at doon ko nakita ang asawa ko na nagluluto ng speacialty niyang carbonara.

I hugged her from behind.

"Luhannie ko, nagluluto ako oh." Pagsasaway niya sakin pero di pa rin ako bumibitaw sakanya.  I love hugging her and I guess, this is my hobby since I fell inlove with her.

Sembreak. I decided to go in China para bisitahin sina Mom and Dad. Actually, Chinese talaga ako pero sa Philippines ako lumaki kaya natuto na rin akong mag-Tagalog. I was born in China but when I turned 2 years old, we moved to the Philippines but when I reached 5 years old, iniwan ako nila Mom and Dad sa Tita ko na walang asawa kaya siya nalang ang nag-alaga sakin. May business kasing kailangang bantayan sina Mom and Dad sa China. Well, nagbabakasyon naman sila dito twice or thrice a year kaya ayos lang din naman saakin.

Sakto naman nun na tumawag saakin si Kyung at sinabing nasa China rin sila. And there, nakwento niya kung anong problema ni Nammie kaya naman as a friend and as a kuya, I invited her for a coffee para mapag-usapan yung problem niya but I didn't know na dun na pala magsisimula ang pagmamahal ko para sakanya.

Mula Grade 1 ay kaibigan ko na si Kyung. Kaya naman ganon na rin lang ang pagka-close ko kay Nammie dahil nga wala akong kapatid. Parang kapatid ang turing ko kay Kyung so parang little sis ko na rin si Nammie.

"Anong oras tayo pupunta ng cementery?" I asked her bago halikan ang ulo niya.

"Hay nako Luhan, tigilan mo ko." Pagbabanta niya. "Mga mamayang 8 nalang siguro ng umaga para hindi masyado mainit tsaka yun yung time na tinext saakin ni Chandria eh." She answered.

I just nodded atsaka siya ninakawan ng halik bago ako tumakbo paakyat ng kwarto namin.

"XI LUHAAAAAAAAAN!"

Pagkarating ko sa kwarto namin ay natatawa akong humiga sa kama. Haaaay, kaya mahal ko si Nammie eh.

Napabaling ang tingin ko sa side table at doon ko nakita ang mga pictures namin together simula nung maging mas close pa kami noong sembreak sa China.

Kinuha ko ang isa sa mga iyon at tinitigan. This is the day na nag- friendly date kami at hinding hindi ko makakalimutan iyon.

Ikalawang linggo ko na ngayon sa China. Last week nalang next week then back to school nanaman. Pwede bang wag nalang pumasok? Joke.

Bored akong bumaba sa sala at nanood ng cartoons sa T.V pero makalipas palang ang ilang minuto, na-boring nanaman ako. Hayst, nakakaboring.

I decided to chat Kyung dahil baka pwede siya ngayon at aayain ko sana siyang mag-stroll ngayon but when I chat him, he replied na nasa Philippines na siya at nauna na siyang umuwi. Sabi pa niya ay i-try ko raw na ayain si Nammie dahil nagpaiwan pa siya dito sa China.

Kaya ginawa ko ang sinabi niya, saktong online si Nammie noon at napangiti ako nang pumayag siya.

Agad akong umakyat at nag-ayos. Ewan ko ba kung bakit ang excited ko. Pero bahala nalang, diko inintindi yun.

Sinundo ko siya after 30 minutes dahil iyon ang sinabi niya. At nang dumating ako sa bahay nila, nadatnan ko na siya kaagad sa may gate ng bahay nila.

"Excited akong maka-date?" Pabiro kong tanong habang pinagbubuksan siya ng pinto sa shotgun seat.

She giggled and she sticked her tongue out. "Feeler! Asa ka naman!"

Napailing nalang ako atsaka sumakay na rin. Kung saan saan kami nagpunta. Pumunta kami ng coffee shop, ng park, ng mall. Masaya, yun lang ang masasabi ko.

Isa pang picture ang nakakuha ng atensyon ko. Ito yung araw na umamin ako sakanya.

Bakasyon na at syempre, sa China ako magbabakasyon ulit. Well, as far as I know ay doon din si Nammie magbabakasyon. Nakaramdam naman ako ng excitement. Simula kasi nung mag-friendly date kami nung sembreak ay mas naging close kami kaya naman one time, kinausap ako ni Kyung. He asked me if I like her sister at sinabi ko ang totoo, na I like Nammie. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero naramdaman ko nalang basta eh.

Nagkataon namang sabay ang flight namin papuntang China ni Nammie. Mas na-excite tuloy ako.

Pagkarating na pagkarating namin sa China ay kinorner ko na siya kaagad sa airport. Sobrang epic kasi sa airport pa ako umamin.

I asked if I can court her at nagulat ako nang pumayag siya. I am so happy on that day. Hindi ko ma-explain yung feeling.

At ang isa pang picture sa side table, nung araw na naging kami.

I am now Grade 12 and Nammie's Grade 11. We are both studying here in China. Wala eh, nagustuhan na namin dito.

This is the day na pinakahihintay ko. Finally, I'll ask her if she wants to be mine. And I am hoping that she'll say yes.

At hindi nga ako nagkamali, she said yes.

And after so many years, ikinasal na rin kami. Finally, I've found my happy ending.

And that happy ending is my Kim Nammie.

××××

Officially tapos na po ang book na itez! Owemjiii. Book two na ba? Well, the book two of Crush is #Assuming to be publish next year, January. Sana po, mahintay niyo yun and thank you for supporting this book! Saranghamnidaaa! 💜💜

CRUSH (Completed)Where stories live. Discover now