Crush 10 pt.2

81 4 5
                                    


Kim Nammie

"Bye mga bes!"

"Babay!"

Matamlay akong nagpaalam sa kaibigan kong si Eunha na pauwi na ngayon.

"Bye."

She smiled at me weakly atsaka ako binigyan ng isang yakap. At kasunod nun, nakiyakap na rin ang apat.

"Ayos lang yan Nammie, andito pa naman kami para sayo." Nathalie whispered.

"Oo nga Nammie, tsaka andyan pa si Kuya Xiumin oh!" Pagbibiro ni Chandria na agad namang kinontra ni Eunha.

"Hoy! Kaka-broken lang ni Nammie, pinupush mo nanaman sa bago! Time out na muna kasi." Inis na sabi nito.

Nagtaas naman ng kilay si Chandria at namaywang. "Excuse me, sino kaya tong push ng push kay Nammie na si Jongdae ang piliin? Ayan! Nasaktan tuloy siya!" Singhal naman nito.

Gusto kong pumagitna sakanila at sabihing wala silang kasalanan pero diko kaya dahil sa mga pesteng luhang tumutulo sa mga mata ko.

"Teka mga bes, tama na." Pagsasaway ni Haesthie. "Walang may kasalanan, okay? Nagmahal lang si Nammie. Wala tayong kasalanan dun, diba Nammie?"

Tumango ako at ngumiti sakanila. Haesthie wiped my tears tsaka ngumiti sakin.

"W-wala kayong kasalanan. Balang araw, magiging okay din ako. Promise." Nakangiti kong litanya habang sila naman, dahan-dahan na ngumiti saakin.

"Aww, Nammie! Love na love ka namin!"

Oh, how I love these girls.

"Ah, Nammie?"

Napabitaw naman kaming lahat sa group hug namin nang marinig ko ang boses na iyon.

"Ah, mauna na ko. Mag-uusap pa kami."

Haesthie patted my back.

"We'll always here no matter what happens, Nammie."

I smiled at them bago tumalikod.

Hinarap ko naman siya nang nakangiti at lumapit na sakanya.

Ang nakangiti niyang ekspresiyon ay napalitan ng pag-aalala nang makalapit ako sakanya.

"Umiyak ka?"

Mabilis ko namang iniling ang ulo ko. Aish, kung bakit naman kasi napakahalatado ng mukha ko kapag umiyak eh. Puffy eyes, red nose and rosy cheeks. Halatadong halatado.

"Ah, mag-uusap tayo diba?" Pag-iiba ko ng usapan. Hah, magaling ata ako dun.

Bahagya namang nagliwanag ang mukha niya at ngumiti na rin ulit. "Ah, oo pala. Tara na?"

"Saan?" I asked.

"Ah, sa kung saan tayo ulit nagkita."

~~~~~

"Ang tagal na rin pala since yung last na nagpunta ako rito." I murmured when we finally reached the 'secret' place.

"Ako rin." Napatingin ako kay Kuya Xiumin dahil sa sinabi niya.

Hindi na rin siya pumupunta rito?

"Ha?"

He smiled. "Hindi na ako pumupunta rito kasi hindi ka na rin naman pumupunta. So anong point ng pag-punta ko rito kung wala rin lang yung babaeng dahilan kung bakit ako pupunta sa lugar na to?"

It took me some seconds bago ko ma-gets ang sinabi niya. Siguro kung crush ko pa rin siya 'till now? Baka namula na ako sa kilig. Pero wala eh, iba na ang nilalaman ng puso ko. May Jongdae na ako.

CRUSH (Completed)Where stories live. Discover now