Crush 06 ~ Recollection.1

84 4 3
                                    


Kim Nammie

"Oh ano, okay ka na ba? Kaya mo nang pumunta sa recollection niyo ngayon? Kung hindi pa, i-e-excuse nalang kita sa---"

"Kuya, ang O.A mo. Sige na, una na ko. Baka maiwan pa ako ng bus."

"Hoy! Bumalik--"

"Byeee Kuya Kyunggie!"

Aish. Ang kulit talaga nun. Tsk tsk.

Sumakay na ako sa kotse namin at iniabot kay Manong Siwon--driver namin-- ang pabaon na pagkain ni Kuya Kyunggie. Nagluto kasi siya ng specialty niyang 'Beef Broccolli' . Hilig nga nun magluto eh, balak atang mag culinary arts.

"Nako, pakisabi sa Kuya mo salamat."

"Sige po. Tara na po Manong."

Habang nasa byahe kami papuntang school, inilabas ko ang phone ko para tawagan si Haesthie. Itatanong ko lang kung nandun na yung bus na gagamitin namin.

Calling Haesthie ni Babalu :P

(Oh? Asan ka na?)

"Grabeng bungad Haesthie ah. Grabe. Andyan na ba yung bus?"  i asked.

(Oo bes. Kanina pa. Ikaw nalang atsaka si Jongdae ang wala. Pakibilisan haaa.)

Dahil sa sinabi niya, binaba ko na kaagad ang tawag at mas pinabilisan kay Mang Siwon ang pagda-drive ng kotse. Aish! Bakit ang aga naman ata?!

Wala pang ilang minuto ay nakarating na rin kami. At tama nga si Haesthie  mukhang ako at si.. Jongdae nalang ang hinihintay. Mukhang puno na kasi yung bus.

Paakyat na sana ako nang may sumabay saakin paakyat. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa may handle papunta sa mukha niya.

Isang seryosong mukha ang iginawad niya saakin bago siya umatras pababa.

"Mauna ka na."

Halos manlamig naman ako sa lamig ng boses niya nang sabihin niya yun sakin kaya mabilis akong umakyat ng bus at agad na hinanap ng mga mata ko sina Haesthie. At ayun, nakita ko ang mga bruha sa may dulong part ng bus. Pero bakit walang space?

"Mga bes? Usog nga dyan." Sabi ko kina Benjiellie pero mukhang wala silang narinig. Aish.

"Dun ka Nammie oh. May bakante pa." Sabi saakin ni Eunha na nakasandal sa balikat ni Chanyeol sabay turo sa katapat nilang vacant seat. Pandalawahan.

"Sabi ko, tabi tabi tayo eh. Porket may mga lovelife lang kayo diyan.." bulong ko habang umuupo doon sa may vacant seat.

Pagka-upo ko ay naramdaman kong lumubog ang katabing parte ng inuupuan ko kaya agad akong napatingin dun sa umupo.

"Wala nang vacant seat kaya dito na ako. Wag ka nang maarte."

Halos matuyo ang lalamunan ko nang sabihin niya yun sakin na para bang isa lang niya akong hamak na nakasakayan sa bus. Really Jongdae? Really?

Hindi nalang ako kumibo. Instead, inilabas ko nalang ang earphones at phone ko at nakinig nalang sa musika.

Bakit ba ganito nalang siya ka-cold sakin? Hindi naman sa gusto ko yung pangungulit niya sakin noon pero, I prefer that Jongdae kesa yung Jongdae ngayon. He is so coooold to me. ONLY ME.

Pagdating naman sa mga kaklase namin, jolly siya pero sakin? Cold as ice.

Sana, sana sa recollection na to.. malaman ko ang problema mo saakin Jongdae. I can't stand those attitude of yours already.

~~

"Welcome to Pope John Paul the II Recollection Hall." Pagwe-welcome saamin ng isa sa mga magiging speaker siguro namin ngayon for out recollection.

Pinapasok na kami at bago magsimula ay pinaalala muna ang mga rules and regulations dito sa loob ng recollection room tulad ng bawal ang masyadong maingay, bawal magkalat, bawal ang PDA sa mga couples and such.

"So you can sit on the chairs na prinepare po namin pero make sure na wag niyo pong guguluhin. We'll start in thirty minutes."

Umalis muna saglit yung nagsasalita at iniwanan kami doon. Kanya-kaniya naman na kami sa pag-pili ng upuan pero mukhang may plano tong mga bruhang kaibigan ko at pinaupo ako sa may bandang dulo. At take note, yung upuan nalang na yun nanaman ang vacant at yung katabi nun. Aish.

"Those btches. Tch." Tanging bulong ko at naupo na lamang doon. Maya-maya pa ay may naramdaman akong tumabi saakin at pagkakita ko,

"Jongdae?"

He looked at me na para bang ayaw niya akong katabi and I swear, mukha siyang natatae 😂😂

"Tch. Wala nang vacant seat. Wag ka nang umangal."

I just shrugged kahit na ang totoo ay kating kati na akong kausapin siya.

Nagsimula na ang recollection. Maraming pina-activity saamin and now, we're down to the last part bago mag-lunch. Ang sharing.

We are grouped with 5 members and those members are me, Jongdae, Kris, Jessica and Tiffany-- both from the other sections.

"So, ang ishe-share natin is yung greatest mistake na nagawa natin lately. Okay ba sainyo?" Jessica asked and we nodded.

"So sinong gustong mag-start ng sharing?" Tiffany asked while smiling.

"Ako nalang." Pag priprisinta ko para  mauuna na akong matatapos.

"Oh, Nammie. Sige."

I let out a sigh at nagsimula na.

"The greatest mistake I ever had lately is yung lumayo saakin yung isang taong araw-araw na nangungulit saakin." I paused then looked at Jongdae na ngayon ay nakakunot na ang noo.

"Hindi ko alam kung anong nagawa ko pero alam kong kasalanan ko kung bakit siya lumayo. I wanna know his reason and I want to say sorry. But I don't know how." Mahina kong sabi.
I saw his eyes filled with pain and anger.

"I miss him. Really. Cold siya saakin pero sa iba hindi. Miss ko na yung pagsunod niya sakin at pangungulit but I don't know why." Dagdag ko.

Natigilan kaming lahat nang padabog na tumayo si Jongdae at naglakad palabas ng hall. Kris looked at me while grinning and the other two girls looked at me na para bang naguguluhan.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko at hindi ko nanaman alam kung bakit.

"Nammie, si Jongdae ba ang tinutukoy mo?" Mahinang tanong saakin ni Tiffany while carressing my back.

Tumango ako at pinunasan ang luha ko.

"Then talk to him. You both need that talk. Go." Nakangiting sabi naman ni Jessica na dinaluhan naman ni Kris.

"Yes Nammie, talk to that ass. Besides, nasaktan yung kaibigan kong yun."

I stood up and smiled.

"Thank you guys. I owe you one."

××××

Dedicated to: jaaanelxx
Binabasa mo pala to? 😂😂

CRUSH (Completed)Where stories live. Discover now