FIVE

5K 201 6
                                    

"Tristan, may napapansin ka bang kakaiba sa pinsan mong si RJ? Ang ganda ng mga ngiti niya kanina sa photo-shoot, impressed na impressed yung photographer ng Mega."

"Ay ewan ko Mama Ten, alam mo naman yan weirdo, buti na lang hindi nakikita sa TV pagka-weirdo niya, baka maubos ang fans niya lels."

"Ano ka ba, may dalawang klase ng weirdo no, yung kay RJ is likeable type na weird. Tsaka yung mga matagal na niyang fans alam na alam yang pagka weirdo niyang yan, parang five years old lang kasi."

"Sabagay, oh siya Mama Ten, ibababa ko lang 'tong mga gamit natin at ilalagay sa van. Sabihan mo na rin si RJ na magready na umuwi."

"Okay sige. Teka lapitan ko nga mukhang ang layo ng tingin eh. Anak... may pinagdadaanan ka ba?"

"Mama Ten, uwian na ba?"

"Anak... umamin ka nga, ano tinetake mo? Kasi pwede pa natin mapigilan yan. Ayokong makita kang itapon ang buhay mo. Please anak, you can trust me. Tawagan ko Dad mo para iparehab ka namin."

"Pinagsasabe neto? Ano ka ba Mama Ten, hindi ako adik."

"Nung nagpunta ka ng roof-top, may tinira ka ano? Jusko kang bata ka kailan pa nagumpisa ito?"

"Wala nga Mama Ten."

"Eh ba't ganyan ka makangiti? Nung umalis ka kanina, namumula yung noo mo. And alam ko pag namumula noo mo nagpipigil ka ng galit."

"Eh nagpunta lang naman ako dun para maglabas ng galit at magpahangin."

"Oh eh nailabas mo ba ang galit mo? Sa resulta naman ng photo-shoot mo kanina at yang ngiti mo ngayon, sa tingin ko nailabas mo nga."

"Better than what I expected Mama Ten. I met a girl."


We Shared a KissМесто, где живут истории. Откройте их для себя