TWELVE

4.4K 200 14
                                    

"Hmm... 10:30 AM na, talaga kaya pupunta yun dito? Ay may kumakatok, siya na kaya 'to?"

"Hello Menggay! Oh, ano na naman? Ba't ganyan mukha mo? Di ka ba natutuwa makita ako? Hahaha."

"Ikaw na naman taba, tatambay ka na naman dito sa condo, bakit ba kasi gustong gusto mo tumatambay dito."

"Hala siya, may ineexpect ka bang iba na pupunta dito? Halaaaaaaaa... omg ba't naka-ayos ka? Ineexpect mo si Alden no!? Ano girl, buntis ka na ba? Omg."

"Ang OA mo talaga girl, nahulog ka siguro ni Nanay nung bata ka pa no. Sira ulo."

"Ano ka ba, siyempre joke ko lang naman. Pero, seryoso, kinikilig ako sa inyo. Sana pinatawad mo na siya. Kwento mo nga sakin yung nangyari nung Friday!"

"Weird mo taba. Okay haha. So, pag-alis niyo ni Mike, saglit lang lumabas na rin ako. So ginamit ko yung elevator, pagbukas ng elevator nasa harap ko na siya ulit!"

"OMG! Parang teleserye, so, naghubad ba kayo agad? Dun na mismo sa elevator niyo ginawa? Shet ang swerte mo!"

"Ikaw talaga taba ang berde ng utak mo. Nagkausap lang kami. Teka siya na yata yung kumakatok."

"Omg girl, isang Alden Richards, binibisita ka. Hihimatayin ako neto!"

"Sobra ka na talaga sa pagka fan-girl, nasisiraan ka na. Oh hi Richard, I thought you were joking when you said na pupuntahan mo ako dito."

"Hi Maine, huh, when it comes to you, I'm always serious."

"Wow, real name ang tawag, omg, first name basis. Close na kayo agad? Sige na Menggay, ako na bahala dito sa condo mo, humayo na kayo at magpakarami!"

"Menggay? Nickname mo? Cute."

"Ah, oo, yun tawag sakin ng family ko. Ok Coleen, pag bumalik ako at magulo dito ay naku patay ka sakin. San mo nga pala ako dadalhin? Okay na ba 'tong ganitong outfit sa pupuntahan natin?"

"Okay na yan, you look really good. We'll have lunch at Mama Ten's with my stylists. Magugulat ka mamaya tignan mo. Okay lang ba if tawagin na rin kitang Menggay? I kinda like it."

"Sige, bahala ka, pero iba dating pag ikaw tumatawag sakin ng Menggay. Ang sweet pakinggan. Hmm..."

"Menggay... sounds nice. Bye Coleen! Hiramin ko lang si Menggay ha. Salamat!"

"Ay jusko, kahit anakan mo na okay lang!Hahaha!"

We Shared a KissWhere stories live. Discover now