TWENTY-ONE

4.2K 186 5
                                    

"Girl, balita ko nakilala nila Tatay at Nanay si Alden kahapon? Ano nangyari?"

"Oo, dinalaw lang ako nila nanay. Di ko naman akalain na pupunta si RJ dito. Ayun, no choice. Sobrang kinabahan nga ako kahapon jusko."

"So ano pinagusapan nila? Kasi si nanay kahapon dun sa bahay natutuwa daw siya kay Alden."

"Eh si tatay? Ano sa tingin mo? Masaya ba?"

"As usual si tatay super kj. Pero narinig ko nung naguusap sila ni nanay girl. Omg, matutuwa ka sa sinabi."

"Ano sinabi niya? Pasuspense ka naman!"

"Narinig ko sinabi niyang nakikita niyang masaya ka. Kasi girl, hindi mo lang alam, sobrang nagwoworry sila sa'yo simula nung nagdecide kang maging independent. Proud sila oo, pero siyempre, parents. They worry."

"Hmm. Alam ko naman yun. Pero, I'm happy."

"So, kayo na talaga ni Alden? Sabihin mo na sakin girl, tinatanong na ako ng mga friends ko, ginugulo nila ako simula nung malaman nilang kapatid kita. Hahaha, ang saya lang feeling ko celebrity din ako. Dumami bigla followers ko sa Twitter!"

"Naku, masaya ka sa ganyan? Baka hindi mo na sabihin yan kapag sinimulan kang sundan ng camera sa kahit san ka magpunta."

"Hindi problema yan sakin, kaya ko rin sarili ko no. Palaban kaya tayong mga Mendoza. Sige na, spill na, kayo na ba?"

"This is just between us okay?"

"Anong between us eh araw araw nga kayong laman ng news. Bisitahin mo kasi yung Facebook mo para updated ka sa mga ganap."

"Oo nga no. Sige na nga, kahapon lang kami naging official. Ang weird lang mas nauna pang naging kami kesa yung panliligaw niya."

"OMG!! WOOOOOOOOOOOOH!"

"Aray! Aray! Kung makayap ka na naman! Aray huy masakit ang likod ko, hinay hinay naman taba!"

"Masakit likod mo!? Halaa... halaa.. HALAAAAAAA!"

"Alam ko iniisip mo taba, at uunahan na kita, walang nangyari kahapon."

"Ah ganun ba, akala may wild sex na naganap, hahaha!"

"Ughh, we're taking it slow. Tsaka girl, kasal muna bago ganyan."

"Ew, virgin. Sabagay since bata tayo gusto mo na talaga ng perfect love story."

"Right. Pero may kissing scene kahapon."

"Anong kiss yun? Please elaborate, chos. Magaling bang humalik si Alden? Grabe yung mga kissing scenes niya sa mga napanuod ko sa TV at Sine ha, laplapan kung laplapan. Ganun ba yung sa inyo?"

"Hindi naman ganun. Ang sweet nga ng kiss niya eh. Sobrang gentle niya sakin."

"Siyempre sa una ganyan. Pero pag tumagal, mas intimate na yung kiss, dun na magsisimula yung laplapan. Hahaha!"

"Ikaw talaga taba wala talagang preno yang bibig mo."

"Eh sa honest akong tao. Kamusta na ba si Alden? Wala pang update sa fandom kung asan siya ngayon eh."

"Kinasela daw lahat ng press-con niya this week dahil sa nangyari. Pero tumawag siya kanina, ipinaalam lang na baka mamayang gabi na daw siya makakatawag ulit kasi pinatawag siya ng TAPE to discuss daw kung ano next gagawin nila."

"Hala siya, galawang magjowa. Pero kelan ulit kayo magkikita? Para sana makapunta ako dito kung sakali haha."

"Kung magkikita man kami hindi ko sasabihin sa'yo. Panira ka kasi ng moment. Pero isasama daw niya ako sa Sabado sa kanila para mameet yung dad niya at mga kapatid niya."

"Meet the parents stage na talaga! Ang bilis! Mamaya kasal na yan, pustahan."

"Ang bilis nga eh, pero meet lang naman, wag kang assuming."

"Pero umamin ka, sigurado ka na sa kanya no?"

"Haaaay. Oo eh. Siguradong sigurado na."

We Shared a KissWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu