TWENTY-THREE

4K 179 9
                                    


"Babe may pag-uusapan tayo pagkatapos mo mameet si dad at ng mga kapatid ko ha."

"Bakit parang feeling ko sobrang bigat ng pag-uusapan natin? Are you breaking up with me? Bago palang tayo ah."

"Wag ka nga magbiro ng ganyan, di na kita papakawalan no."

"Ah. Pero babe, nakakasakal na... kung hindi mo ako bibigyan ng space, tuluyan na masisira ang samahan natin."

"Ay grabe bakit bigla kang naging dramatic actress, hahaha. Ang cute cute, pakiss nga."

"You're driving, mamaya na yang kiss na yan. Safety first."

"Yan hininto ko na, asan na yung kiss ko? Asan na babe?"

"Oh ayan, mwah. Tara na, excited na ako mameet ang dad mo."

"Ano ba yan. Yun lang? Nakakabitin naman! Gusto ko sana yung 30 minutes na kiss. Hahaha!"

"Oh eh di hindi na tayo nakarating sa bahay niyo kung ganun? Wag ka nga magpacute jan, haha, ang kulit mo babe."

"Love you babe, malapit naman na tayo eh, isang liko na lang andun na."

"Teka punasan ko muna yang bibig mo, may kumapit kasi na lipstick."

"Pwede lips mo na lang ulit pamunas mo? Para naman magenjoy ako haha."

"Eh di mas lalong may lipstick, babe wag ka nga malikot."

"Andito na tayo, oh andun na sila oh, excited na talagang makita ka sa gate na naghintay grabe. Teka, wag ka muna bumaba, ako na magbubukas for you."

"Thank you, babe."

"Dad, si Maine po, girlfriend ko."

"Hello po."

"Ay jusko ito na ba yung magiging manugang ko? Jusko mahabaging langit ang gandang bata. Halika pasok ka iha, may helmet sa loob kunin ko baka mauntog ka pa't matauhan."

"Dad!"

"Dad, wag mo nga takutin, hi ate Maine, ako si Riza, bunso. Ang ganda niyo naman po! Napanuod ko pala yung Dubsmash video mo sobrang cute! Dubsmash tayo mamaya ha!"

"Isa ka rin Riza eh, Hi, I'm RD. Richard Daniel. Pasok ka. Bro, swerte ah, ang ganda oh!"

"Nice to meet you all po! Grabe bakit parang fiesta? Ang daming pagkain!"

"Siyempre ate Maine, ngayon lang nag-uwi ng babae yang si kuya. Akala nga namin ano na eh. Ehem."

"Jusko kayo wag niyo naman ako ipahiya."

"Hahaha, ayos lang yan babe, lika nga pinagpapawisan ka na."

"Kanina mo pa ginagamit na pampunas sakin yang panyo mo babe, pasensya ka na nakalimutan ko kasi dalhin yung sakin."

"Panyo lang 'to wag mong gawing issue. Tsaka isipin mo na lang sa'yo rin 'to. Conjugal property, ganoin!"

"Eh ikaw, sakin rin ba?"

"Ehem... andito pa kami oh. May sariling mundo kayo? Si RJ pabebe."

"Dad naman."

"Oh siya tara na't kumain na tayo, baka gutom na kayo."

We Shared a KissWhere stories live. Discover now