TWENTY-FOUR

4K 177 3
                                    

"Grabe may garden pala kayo. Ang ganda naman."

"Pasensyahan mo na ang family ko babe, naninibago lang siguro sila, wala pa kasi akong pinapakilala sa kanilang girlfriend eh. Ngayon lang."

"Bakit wala pa?"

"Nung high-school lang naman ako nagkaroon ng girlfriend. At hindi naman na ako nagkaroon nung pumasok na ako sa showbiz."

"Oh... so ilang years kang naging single, before you met me?"

"Mga 5 years din. Tagal no?"

"Sus. Ako nga since birth."

"Woah? Talaga?"

"Bakit parang gulat na gulat ka?"

"Nagtataka lang ako. Look at you. You're a girl-next-door type. Unang tingin palang alam mo ng wife material. Ano nangyari? Wala bang nanligaw sa'yo? O wala ka man lang ba nagustuhan?"

"Baka sabihin mo nagmamayabang ako ha, pero meron naman. Madami nga eh. Palaging may nagpapadala sa bahay noon, may mga pa-flowers at chocolates lagi. Pero alam mo ba kung bakit wala man lang nakapasa?"

"Let me guess... Tatay?"

"Maka tatay ka naman. Oo haha. Pero siyempre hindi lang si tatay ang dahilan. I wasn't ready yet nung mga panahong yun."

"Eh ready ka na ba nung nakilala mo ako?"

"To tell you frankly, hindi pa."

"Hindi ka pa ready pero tayo na, hahaha. Sobrang irresistible siguro ng charm ko babe no? Yung simangot mo huy."

"Yabang. Yakapin mo nga ako, gustong gusto ko yung yakap mo eh, ang gentle lang kasi."

"Aba, biglang nagbago ang ihip ng hangin."

"Dali na, para kwento ko sa'yo kung bakit iba ka."

"Eto na babe, yakap sa likod mo para pareho tayo ng view at parang movie. Hahaha. Nadidistract ako sa likod mo, ang sexy. Pwede ba kitang romansahin?"

"Huy, wag ka ngang ano, tirik na tirik ang araw oh. Magkwekwento na ba ako o lalandi ka lang?"

"Pwede landian muna kahit saglit lang? Please babe? Okay sige na. Kwento na."

"Makuha ka sa tingin. Kasi how we ended up together is very unconventional to what I was picturing as the perfect love story. Kasi simula pa nung bata pa ako lagi ako nanunood ng Disney kaya parang gusto ko yung love story ko maging kagaya nung sa mga napapanood ko."

"Very girly, but understandable. Go on, babe."

"The way we met, akala ko hanggang dun lang tayo. After nung roof-top akala ko pagkatapos nun magmove-on na ako sa pagnakaw mo ng halik sakin, tapos back to ordinary days na. Pero you came back and I saw it in your eyes na you were really sorry."

"I came back not just because I was sorry. I came back because I felt something when I kissed you that day, and I know you felt it too."

"I did. Kahit saglit lang yun... it was magical. Pero teka, nakalimutan mo na ba yung sasabihin mo sakin after ko mameet ang family mo?"

"Ay oo nga pala. Babe, sana pumayag ka dito. This is the best offer na nangyari kasi sa career ko eh. Inofferan ako ng People Asia na maging cover ng magazine nila!"

"People Asia!? Omg! Hindi ba yun yung leading magazine sa buong Asia? Omg babe I'm so happy for you!"

"Thank you, babe. Pero bago daw mangyari yun, may isang kundisyon daw. At sana pumayag ka. Pero kung ayaw mo, maiiintindihan ko naman."

"Ano ba yun?"

"Kailangan dalawa tayo maging cover."

We Shared a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon