TWENTY-NINE

3.7K 167 3
                                    

"Mama Ten, ready na ba lahat? Let's go to the airport!"

"Tara, kanina pa kaya kami naghihintay dito. Ang dami na nga namin chika ng nanay ng jowa mo."

"May nasabi po ba tungkol sakin?"

"Ay, chismoso? Pero sabi niya sakin masaya daw siyang nakikitang masaya ang anak niya. Oh kitams, pasadong pasado ka sa nanay ni Maine."

"Naks, sige na tara na. Menggay lika na, tabi tayo dali."

"Ehem, alalahanin niyo, kasama niyo ako."

"Ay, sorry po tita. Tara na po!"

"Oh eh di pahiya ka? Nay oh, kampante daw siya, kahit na kasama ka daw oh, wala daw makakapigil."

"Babe! Tita wala po akong sinabi. Binubully mo na naman ako."

"Alam ko iho, wala ako narinig. Menggay, wag kang gumawa ng istorya jan. Buti naman at hindi matraffic madali tayo makakarating sa airport."

"Ha! Sino pahiya ngayon?"

"Hmpt."

"Pero babe, gustong gusto na kitang ikiss."

"Ano ka ba baka marinig ka ni nanay."

"Aba at nagbulungan pa talaga kayo. Alam niyo, alam na alam ko na ang mga galaw ng mga kabataan ngayon. Alam kong hirap kayong pigilan ang mga sarili niyong gawin ang mga bagay na normal na ginagawa ng mga magkasintahan. Ganyan na ganyan din kami ng tatay mo noon Menggay, naku panay ang tago namin sa mga magulang namin noon. Pero siyempre kelangan sunod parin sa magulang dapat. At slowly but surely dapat. Makakarating din kayo dun, wag niyo lang madaliin ang lahat lahat. Dahil kung mahal niyo talaga ang isa't isa, at kung sigurado na kayo sa isa't isa, dun nyo malalaman na kahit mabilis o mabagal man ang takbo ng relasyon niyo, ang importante magkasama kayo sa paglalakbay."

"Nay... ang haba ng sinabi niyo, nasa airport na po tayo. Oh babe, bigla kang namutla?"

"Hooooly shit... bakit ang daming tao sa airport?!"

"What the... babe, what's MaiChard?"

We Shared a KissWhere stories live. Discover now